"Where are you going?" tanong ni Lola sa akin. Kagigising ko lang at agad akong nagbihis para puntahan si Lea sa hospital. Kausap niya si Mommy at Daddy kaya lumapit ako sa kanila para halikan sila sa pisngi. "Sa kaibigan ko, Lola," mahinang sagot ko. Kita kong kakababa lang din ni Kuya Rence galing sa taas. Hindi ko alam kung nandito pa ba sa si Kuya Dave kasi mukhang walang maingay o baka naman ay natutulog. I saw how lola's forehead creased by hearing what I had just said. "The Amerio's are there," sabi niya sa akin pero ngumiti lang ako ng tipid sa kanila. Why do I feel like kasalanan namin ni Lance ang nangyaring away ngayon ng pamilya? I feel so guilty at the same time knowing na ang tagal na ng pagkakaibigan nina Lola at Lola Lieze. And just like that parang nawala lang ang ilang

