"Ano 'yun?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa naman kami rito at hindi man lang siya nagsalita. Kanina pa siya nakatitig sa akin. Medyo naiilang ako kaya kanina ko pa rin siya sinusungitan para mawala ang pagka-ilang ko. Walang klase kasi weekend pero maraming gagawin. Nagawa ko na ang iba kaya medyo kaunti na lang ang kailangan kong tapusin mamaya pagkatapos nito. Nandito kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Sinundo lang naman kasi niya ako sa may guard house. Sinabi ko lang kay Mommy at Kuya Rence na kasama ko si Ania para hindi na sila mag-alala. Parang natatakot kasi akong sabihin sa kanila na nakikipagkita ako kay Louis. Alam naman nila noon pero ayaw ko lang ngayon. Hindi pa naman malapit ang birthday ko pero dahil sa pagkatapos ng birthday ko ay mangyayari kaya sa tingin

