Chapter 1: Best Friend

2150 Words
I slept feeling tired that night. Siguro dahil halos nilibot ko rin ang mall kabibili ng mga panregalo. ‘Di pa ako lumabas ng kwarto kasi kagigising ko lang at tinatamad pa akong bumangon. Nanonood lang ako ng mga videos sa YouTube. ‘Di naman ako masyadong active sa social media dahil ‘di ako interesado sa mga buhay ng iba. Minsan lang ako napapadpad sa i********: at f*******: ko. ‘Pag may importanteng gagawin lang. Kanina pa chat ng chat sa akin si Louis. Akala ko Louie or Lowie something like that ‘yung spelling ng name niya but I was wrong. Silent S pala. Kung ‘di siya nag-request sa’kin ‘di ko pa malalaman. ‘Di ko nga lang siya nirereplyan kasi tinatamad pa ako. Nang lumabas ako ng kwarto kita kong halos lahat ng tao sa bahay ay sobrang busy. “Morning sweety.” Napatingin ako kay Daddy na kakalabas lang din ng kwarto nila. I smiled at him at lumapit sa kanya sabay halik sa magkabilang pisngi niya. “Morning Dad.” ‘Di ko na tinanong kung nasaan si Mommy kasi kahit dito rinig na rinig ko ang sigaw niya. Pareho kaming natatawa ni Daddy. Mom don’t know how to cook dahil lumaking may kaya sa buhay. And she’s the only child. Kaya araw-araw siyang nakikinood kina Manang Fe sa pagluluto pero ayaw namang mag-try. Kami naman hinahayaan niyang mag-explore. ‘Di niya kami pinipilit kasi gusto niyang kami ang gumawa ng kusa. Pero hanggang paghuhugas lang ng pinagkainan ko ang kaya kong gawin. Minsan napapagalitan pa ni Manang kasi nandiyan naman daw sila. Kuya Rence knows how to do all the household chores. And also my other brother Kuya Dave kaya lang minsan lang kung umuwi dito. He’s managing a restaurant dahil hilig niya ang pagluluto. And he’s always out of the country because he wants to study different kinds of foods. He’s really passionate about it. “I don’t like your face and outfit today,” diretsahang sabi ni Lea kay Ania. Lea’s a very vocal person. Kung anong gusto niyang sabihin sa isang tao sinasabi niya talaga ‘yun. Wala siyang pake kung may magalit sa kanya. Ania just rolled her eyes. “Maghahanap muna akong Papsi para blooming palagi.” At nilagay niya ang isang spaghetti sauce sa basket na hawak ni Lea. Ania’s a very playful girl. Pero kapag nahulog, hulog talaga. Nagmumukhang beki pa dahil sa wagas makabigay ng kung ano-ano sa lalaki niya. Just like Greg. Lahat na lang binigay niya. Binigyan pa ng kotse sa monthsarry nila pero wala din. I don’t know why other men chose to cheat when their other half gives all their best just to maintain their relationship. ‘Di naman lahat ng lalaki kasi may ibang babae din namang nag-che-cheat. Siguro ganyan talaga ‘pag wala ng gana ang isa o may ibang nagpapaligaya na. Nasa akin ang isang basket na puno na ng mga lulutuin sa pasko. Mahilig magluto si Lea kaya palaging nagpapaturo si Ania. Palagi rin itong tambay sa bahay ni Lea hindi niya na iniisip kong third wheel siya basta makakain lang. Naisipan rin kasing mamasyal ni Ania ngayon para mawala na daw sa isip niya si Greg. Ang gago talaga. Kahapon sigaw ng sigaw. Tapos nung tinanong kanina ni Lea bakit niya ginawa ‘yun. Sabi naman ni Ania gusto niya lang sapakin ‘yung mukha ni Greg. Eh iyak nga siya ng iyak kahapon. “I think I saw him somewhere,” mahinang sabi ni Ania. Habang nakatingin sa lalaking nasa counter na nasa unahan namin. Nang tingnan ko iyon may hitsura. Pero ‘di ko naman kilala at ‘di ko rin nakita o siguro hindi ko napansin kailanman. Nagulat na lang ako ng lumingon sa gawi namin kasabay n’un ang ingay galing sa phone ko. ‘Di ko alam bakit ganun ang naging reaksyon ko. Or maybe because he’s face somewhat remind me of someone. Kinuha ko agad ‘yung phone ko sa maliit na bag na dala ko. Sinagot ko na agad ‘yung tawag at saka nagpaalam kay Lea at Ania. Kinuha muna ni Ania ‘yung basket na hawak ko at ‘yung bag niyang nasa akin. “Kuya,” sagot ko ng nakalayo na sa kanilang dalawa. Narinig ko ang ingay ni Terry sa kabilang linya at ang marahang ingay mula sa TV. “It’s almost 3. What time will I pick you up?” Mahinahong tanong niya. Shet. I almost forgot. May lakad nga pala kami mamaya. We’ll be going to Batangas to visit Lola and Lolo. Hinatid lang ako ni Kuya dito kasi gamit lahat ng kotse sa bahay. Busy para mamaya. Nilingon ko muna sila sa counter. Sila na ang magbabayad. “We’re almost done,” sabi ko na parang sinasabing pwede na niya akong sunduin. Babiyahe kami mamayang ala-tres kaya kailangang nasa bahay na daw bago iyon sabi ni Mommy. Mabuti na lang at tumawag si Kuya Rence kasi nakalimutan ko. “Okay. Will be there in a few minutes. I’ll just call you back,” sabi niya sa akin. Narinig ko agad na pinatay na niya ang TV. “Okay. Ingat,” sabi ko sabay patay ng tawag. Pumunta agad ako kung nasaan sina Lea at Ania. Pumasok sila sa isang fast-food chain. Gutom na rin siguro. Si Ania lang ang naabutan ko sa table kasi agad na umalis si Lea para pumila. “May lakad kami ngayon,” malungkot na sabi ko kay Ania. Tumawa naman agad siya sa sinabi ko. “Gago. Mukha mo. ‘Di bagay sayo.” Imbes na magalit ay natawa rin ako sa sinabi niya. Alam ko naman kasing ‘di talaga bagay sa’kin ‘pag nagpapacute. “Ingat kayo,” dagdag niya sabay halik sa pisngi ko. “Kayo din. Puntahan ko muna si Lea. Baka magtampo ‘yun.” Tumango lang siya sa sinabi ko. Kaya pumunta na agad ako kay Lea. Nakipagsiksikan pa ako kasi ang daming nakapila. Nang makarating ako Lea ay hinila ko agad siya papalapit sa akin. Pero ‘di naman grabeng paghila kasi baka mamaya maagawan siya sa pila. “May lakad kami ngayon,” Sabi ko na lang para madali. Tumango lang siya sa akin na parang na gets na. Palagi naman kaming umaalis ‘pag pasko kasi ang dami naming pamilya. Kung si Mommy nag-iisang anak. Si Daddy naman halos kalahating dosena silang magkakapatid. Lima sila. Dalawang lalaki at tatlong babae. Kaya minsan palagi kaming wala sa bahay ‘pag pasko. Pero ‘pag New Year kailangang nasa bahay naman kami. Kasi ‘yun ang gusto ni Mommy. “Okay. Ingat kayo.” Niyakap ko na lang siya bago umalis doon. Tumawag na rin kasi si Kuya. Sabing nasa labas na daw siya. Kaya ‘di na ako nagtagal pa doon. And there I saw him with left hand on his cargo shorts pocket, right hand on his phone and with shades on. He looks so damn hot. May napapatingin pang mga babaeng ka-edad ko lang siguro sa kanya. Lakas naman kasi ng karisma ni Kuya eh. No doubt. “Let’s go?” I asked him nang makapunta na ako sa tabi niya. Napalingon agad siya sa akin sabay kuha ng pinamili ko. Mga pampaganda lang. Wala naman kasi akong maisip na bilhin kanina kasi palagay ko okay na naman lahat. Kaya ‘di gaanong marami at mabigat ang dala ko. Binuksan niya muna ang passenger seat bago siya lumiko at pumasok sa driver seat. Nilagay niya rin sa backseat ang mga pinamili ko. May nakikita rin akong mga bag doon. Siguro mga gamit niya. “I bought some foods. Maybe you’re hungry.” Sabi niya sa’kin sabay kuha ng nasa likuran kong paperbag. ‘Di ko masyadong napansin kanina kasi ‘di ko masyadong kita. Pinaandar niya na ang kotse ng makuha ko ang pagkain. My favorite. Bicol express. “Thank you,” Sabi ko sabay labas ng kutsara sa bag ko. He knows me really well. And I always brought spoon and fork with me wherever I go. “Didiretso na ba tayo?” tanong ko ng mapansing may bag din ako sa likuran. Kanina ko pa ‘yan inayos at saka ‘di karamihan ang dinala ko kasi dalawang araw lang kami d’un. Uuwi din agad kasi sa susunod na araw birthday ni Daddy. “Yeah. Change of plans,” he seriously said habang nakatuon lang ang paningin sa daan. Nakatulog ako sa biyahe. Nagising lang ng makarinig ng ingay galing sa labas. Nasa labas si Kuya at nakabukas ang pintuan niya kaya maririnig mo talaga ang ingay galing sa labas. Binuksan ko agad ang window na nasa gilid ko. Fresh air. Nasa may bukirin kami ngayon. Walang masyadong dumadaang mga sasakyan at may mga kalabaw pa akong nakikita. May mga ibong puti na nasa ulohan ng mga kalabaw. May nag-iisang bahay kubo na nasa gilid ng daan. Kung saan ang mga tao d’un ay kausap ni Kuya. “Bakit ang daming mangga, Kuya?” tanong ko nang makita siyang bitbit ang isang basket at nakasunod sa kanya ‘yung isang kausap niya kanina na may dalang dalawang basket ng mangga. “Salamat po,” sabi niya sa lalaking kausap niya bago nag-abot ng bayad. Pumasok naman siya agad pagkatapos niyang magbayad at sinarado na ang pinto bago bumaling sa aking gawi. “Just saw them waving at us. I stopped and they convinced me to buy some mangoes. I just bought them all so they can rest early and have their Christmas memorable,” he said while peeling a mango. How can we ate all of these? ‘Di ko n alang tinanong sa kanya ‘yun at pinabayaan na lang siyang kumain. He offered me one but I declined it. Ihing-ihi na ako kanina pa. Nauuhaw pa naman ako ‘pag may kinakain akong matatamis. “What took you so long?” si Daddy nang makarating na kami sa bahay ng Lola at Lolo. Siya lang ang sumalubong sa amin. Maybe Lola and Lolo’s flexing their garden to Mommy na naman. They’re always like that so nasanay na rin kami. I saw a familiar car. Kaya napatingin agad ako sa loob ng bahay. “Bought some mangoes,” Sabi ni Kuya sabay punta sa likod ng sasakyan. Pinabayaan ko na lang silang dalawa at pumasok na agad sa loob. I smiled when I saw very familiar man sitting while hands are typing so fast on his keyboard. He’s so serious. And looks old but hot, I can say. With some anti-radiation glass on eyes and a headphone on ears. Kinalabit ko agad siya. Bago pa man siya makalingon sa akin ay niyakap ko na agad siya ng kay higpit. I so damn missed him so much. “Welcome back naman Kuya,” natawang sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya. He hugged back and pat my head like a dog. “Welcome back,” natatawang sabi niya rin. Unlike Kuya Rence who’s serious type of a man. Kuya Dave is a playful one and I must say a playboy. Halos buwan-buwan na lang iba-iba ang babae niya. Mas mature pa nga mag-isip si Kuya Rence kaysa sa kanya. “Hey bro,” sabi ni Kuya Dave ng mapansin si Kuya Rence na pumasok sa bahay. Tipid na tango lang ang binigay ni Kuya Rence sa kanya bago umakyat sa taas. “How are you baby girl?” napasimangot agad ako sa kanya. “Really, Kuya? Ang tanda ko na kaya.” I will be turning 20 years old next year so I think I’m old enough but not as old as Mommy and Daddy of course. “You’re still young. Kita mo nga wala ka pang boyfriend hanggang ngayon,” he said. ‘Pag ba may boyfriend na ay sign na ‘yung matanda ka na? Really? Sasagot na sana ako ng maunahan ako ng taong kapapasok lang. Is having a boyfriend a big deal now? “Huwag mong itulad sa’yo kapatid mo Dave. ‘Di ko talaga alam saan ka pinaglihi eh,” sabi ni Mommy na nakapamewang pa. Kaya natawa agad ako at sinundan ng tingin ang kasunod niyang dalawang matanda. “Lola! Lolo!” sigaw ko at tumayo mula sa pagka-upo para mayakap sila. They just laughed at my reaction. “Dalaga ka na talaga, Raine. Can’t wait to see you on a white gown,” Naluluhang sabi ni Lola habang nakatingin sa akin. Na-gets ko na agad ibig niyang sabihin. Bata pa lang ako. I’m aware na kailangan kong magpakasal sa gustong ipakasal ni Lola sa akin. Kilala ko naman na ang lalaking mapangasawa ko but I don’t think we’ll fit in a way they want us to be. Kasi alam kong may ibang mahal ang mapapangasawa ko. He’s inlove with someone else. He’s inlove with my bestfriend. Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD