“Hindi uuwi Kuya Rence mo?” tanong sa akin ni Mommy nang pumasok siya sa kwarto ko. Kauuwi ko lang at hinatid ako ni Lance. I was about to call Louis nang pumasok si Mommy kaya mabilis kong binaba ang phone ko. “I don’t know. Why, Mom?” tanong ko naman pabalik sa kaniya. I don’t want to tell her what I had just saw earlier because I respect Kuya Rence’s privacy. She is looking at me suspiciously kaya napabitiw ako ng pakikipagtitigan sa kaniya. “Well, he just left kanina noong umalis kayo ng Lola mo. He said may kikitain lang siya sa labas at importante raw kaya hindi ko na tinanong pa dahil nagmamadali rin kanina eh.” Kumunot ang noo ko kaunti pero nang makita iyon ni Mommy ay tinaasan niya ako ng kilay. “You know, you can tell me everything,” sabi niya sa akin kaya tumango ako pero wa

