Camera is my companion whenever I go travel. Pauwi na kami ngayon, as we go on a long drive naisip kong kunan na lang ng mga picture ang bawat nadadaanan naming. Kuya Rence was so patience, kapag nararamdaman niyang kumukuha ako ng picture ay binabagalan niya ang takbo ng sasakyan.
Napangiti ako nang nakakuha ako ng magandang larawan niya. I will upload this online. Kaming dalawa lang ni Kuya Rence ang nandito sa sasakyan. Kuya Dave is nowhere to be found again. Umalis na naman ang isang iyon. Sa tingin ko ay babalik din naman siya bukas dahil birthday na ni daddy sa susunod na araw.
“Ania broke up with Greg,” pagsisimula ko ng usapan. Gusto kong sinasabi ang lahat kay Kuya Rence ang mga nangyayari sa buhay ko. He will listen naman at napapansin ko rin minsan na masyado siyang attentive kapag si Ania ang naging topic.
I don’t want to conclude anything but I can’t help it. “May lakad pala ako. Drop me na lang sa malapit na mall, Kuya,” sabi ko nang maalalang makikipagkita pala ako kay Louis. I promised him that I will go and see him once I am back in the city.
“Who are you meeting up to?” seryosong tanong niya kaya tipid akong napangiti. Ito na naman siya sa pagiging over protective niyang kuya. Nilingon niya pa ako nang hindi ako magsalita agad. Tinuro ko ang daan para roon siya tumingin.
“May titingnan lang ako, for dad’s birthday,” sabi ko. I don’t want to lie to him pero baka kasi pauwiin niya agad ako o baka ang mas malala ay sumama pa siya sa akin. Ayaw ko namang sumama siya, nakakahiya naman kung gan’un.
“I promise I will be a good girl,” nakangiting sabi ko sa kaniya. “Magkikita kami ni Ania at Lea. Sama ka?” tanong ko sa kaniya. Agad namang siyang napatikhim at umiling. I can really feel it na may gusto siya kay Ania. Kilalang-kilala ko siya kaya alam ko kung ano ang gusto niyang tipo ng mga babae.
Nang makababa sa sasakyan ay kumaway ako kay kuya. Matagal pa bago siya umalis, hinintay niya ring pumasok ako sa mall. Tanging isang maliit na bag at phone ko lang ang dala ko. Iniwan ko sa kotse ni Kuya Rence ang mga gamit ko. Alam naman niya kung ano ang gagawin sa mga iyon.
“I’m here,” sagot ko sa tawag. Alam ko na kung sino ang tumawag kaya hindi na ako nag-abalang tingnan pa iyon. He said he wants to know me more. Gusto ko rin namang siyang makilala kaya pumayag na ako. I can tell he is a nice person naman but his moves are predictable.
Alam na alam ko na ang mga galawan niya dahil gan’un na gan’un si Kuya Dave. Playboy’s move but I guess getting to know him would change my perspective of him. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto niya basta ang alam ko lang napapangiti ako minsan kapag kasama ko siya.
Pinatay nito ang tawag, naramdaman ko na lang na may kumalabit na sa akin. “How was your vacation?” unang tanong niya sa akin. I am an observant to people kaya agad na napunta ang mga mata ko sa damit niya at sa galaw niya.
This is the second time I saw him. Hindi ko na isasali ang tagpo naming sa bar kasi hindi ko naman matandaan ang mukha niya noon. His looks really give me a playboy vibrant. Ang mga mata niya ay mapupungay na nakatingin sa akin.
Once I reach 21, I will no longer be single anymore kaya gusto kong maranasan muna ang hindi ko pa naranasan noon. I never had a boyfriend before. All I have was fling dahil na rin kay Ania at Lea. Lea owns a bar at a very young age. Iyan ang unang naipundar niyang negosyo.
While me, I am still confused about what will my life would be. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko kasi I am bound to marry someone. Nakatatak na sa isip ko ang linyang iyan kaya mahirap na magkaroon ng desisyon para sa sarili ko.
I am willing to do whatever they want naman. But I just want to enjoy my life habang hindi pa iyon nangyayari and I think this will be the start of it. Napalingon ako sa kaniya nang mapansin na nakatitig lang siya sa akin. I know he is a playboy and I don’t want to fall for him.
Gusto ko lang siyang makilala. Nothing more. Hinila niya ako hanggang sa makapasok kami sa mall. “By the way, how did you know I am here?” tanong ko sa kaniya nang tumigil kami sa paglalakad. As far as I remember, hindi ko naman siya nasabihan na rito ako sa mall na ito.
Hindi ko nga alam na rito ako ibababa ni Kuya Rence. I just told him to drop me sa malapit na mall. “I have my ways,” simpleng sagot niya lang. I looked at him with my questioning look. I was about to respond him nang may nakita akong isang babae na kanina pa nakatingin sa amin.
“Maybe you know that lady over there?” mahinang tanong ko sa kaniya. I am really an observant person kaya napapansin ko ang mga tao sa paligid ko. Nilingon naman niya ang nasa likod niya. I saw how the lady change her aura, ngumiti siya bigla nang tingnan siya ng kasama ko.
“I don’t know her,” sabi naman ni Louis. Tipid na lang akong tumango sa kaniya. Sinabihan ko nga rin pala si Ania na pumunta rito. Gusto niyang gumala kaya lang ay pagkatapos nito baka uuwi na ako. Gusto niya rin namang tumambay sa bahay kaya walang problema ang babaeng iyon.
“Where are we going?” tanong ko sa kaniya. Baka tatayo lang kami rito buong maghapon. Pagod pa naman ako sa biyahe at gusto ko ng humiga but I want to be here muna kahit saglit lang. Maraming tao sa mall ngayon, maybe because it is still Christmas. Some are having their good time here.
“Can I take you to my favorite place?” tanong niya. His voice sounds so hesitant when he asked me that question. I couldn’t shake my head so I responded by nodding. “I promise you will be safe,” sabi naman niya. Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero parang may pumigil sa kaniya.
Crazy. “I will follow you, don’t worry,” saad ko para hindi na niya ako kailangan pa na hawakan ang kamay ko dahil susunod naman ako. I came here to meet him kaya bakit naman niya iisiping aalis lang ako basta-basta nang hindi nagpapaalam sa kaniya?
“Baka kasi maligaw ka at hindi mapunta sa puso ko,” banat niya. Natawa ako roon kaya kita kong napanguso siya. Maybe he didn’t get the reaction he wanted. Ano ba ang dapat kong reaction? Hindi naman ako bago sa mga banat na iyan.
“I won’t go there baka may ibang laman pa ang puso mo,” I said trying to lighten up the mood. He looks so stiff by me, hindi naman ako nangangagat ng tao at baka nakalimutan niyang magaan akong kasama. Maybe the bar encounter wasn’t good but I owe him the gifts he chose kasi nagustuhan ito ni Daddy at Kuya Rence.
I may be look intimidating or cold but I am nice. Madali naman akong malapitan it just that I have to observe people’s behavior first before I will give my verdict whether to talk to him or not. Maybe iyan ang dahilan kung bakit maliit lang din ang circle of friends ko.
Pumipili rin kasi ako. My schoolmates always give high respect to me as they know my family. Takot silang kumalaban sa pamilya naming but really, they can talk to me. Malapit na nga pala ang pasukan namin. I have to be ready kasi narinig ko na magkakaroon daw ng mga bagong profs.
I am taking an engineering course. I like to pursue a course related to my passion pero alam ko naman matutunan ko lang iyan that’s why I choose engineering. My family wants me to take a business course pero ayaw ko dahil nandiyan naman sila Kuya para pumalit kay Dad if ever gusto na niyang umalis sa pwesto niya.
“Woah, you are so good,” papuri ni Louis sa akin nang makita niya ang score ko. I thought we are going anywhere but I just found myself holding a ball throwing it to the front. Maraming mga bata ang nandito para maglaro. Medyo maingay pero masaya naman.
“My brothers like to play basketball kaya minsan ay tinturuan nila ako,” paliwanag ko. Though I like watching them play. Kapag kasi naglalaro si Kuya Dave at Kuya Rence ay malalaman mo ang pagkakaiba ng dalawa.
Kuya Rence is the serious one. Si Kuya Dave naman parang nilalaro lang ang kalaban at hindi seryoso. “Pwede na pala, pareho kaming mahilig maglaro ng basketball. Madali na lang makuha ang loob nila,” sabi niya kaya natawa na lang ako habang napapailing.
Malabo ang sinasabi ng lalaking ito. Kuya Dave always gives judgment sa mga lalaking nakikita niyang kasama ko. He can easily distinguished playboys kasi nga kalahi niya at inaayawan niya iyon. Kuya Rence naman na mas mahigpit pa kay Daddy at Kuya Dave ay wala akong masabi.
“Impossible,” sabi ko na lang.
He shook his head at me. “Sisiw na lang sa akin ang mga ganiyan—”
“Kasi playboy ka and they don’t want a playboy,” putol ko sa sasabihin niya. He acted like he was hurt when I said those words. Napahawak pa siya sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya. He pouted, and I can’t deny that he looks so cute doing that.
He can be playful, cute and handsome at the same time. Hindi ko naman sinasabing nagkakaroon na ako ng crush sa kaniy. Maybe I am just describing him. “You are hurting me,” sabi niya. He even acted like he is sad kaya natawa ako ng kaunti.
“Damn. Why are you so beautiful even you are just simply laughing,” sabi niya kaya tumigil ako sa pagtawa at biglang sumeryoso. Siya na naman ang napangiti sa ginawa ko. “Oh, I see, tumitiklop si Miss Raine kapag pinupuri,” sabi niya sa sarili niya pero rinig ko naman.
“I thought you want to know me more?” tanong ko sa kaniya. Banat na lang kasi ng banat.
“I am but I am just speechless by your beauty. Parang nawawala yata ang puso ko, pakihanap naman at baka nasa puso mo na,” banat na naman niya. I can feel the heat on my face, mabuti na lang at hindi ako madaling mamula sa mga ganito kaya safe ako.
“O baka naman nawawala rin ang puso mo? Baka nandito na rin siya sa puso ko, kanina pa kasi ito tumitibok kapag kausap ka,” dagdag niya habang nakahawak pa sa dibdib niya. I looked away because I can’t contain it anymore pero hindi niya ako tinantanan kasi hinanap niya ang mata ko.
“Mainit, magpapahangin lang ako,” paalam ko sa kaniya kasi may tumitingin na sa amin.