The old man’s mere appearance makes her alert at her place. Kilala nito si Cale kaya alam niyang parte ito ng Ivanovich Mafia. “Elle, maari mo bang iwan mo na muna kami?” tanong nito kay Lola Elle na bagama’t magkasing-edad ay mababakas niya ang pagrespeto sa boses ni Captain Balker. “He can’t be here. He is from Ivanovich,” tutol niya. “He wants to talk to you. At naniniwala akong iginagalang ni Balker ang pamamahay ko,” wika ni Lola Elle at tinungo ang pinto. Pinanood niya ang paglalakad palapit ni Captain Balker patungo sa kinaroroonan niya. Umupo ito sa upuan na nasa tabi niya at mataman siyang pinagmasdan. “How are you?” tanong nito. “Oh, I am very well. Thanks to your mafia,” sarkastiko niyang sagot dito. Hindi napigilan ang sarili na gumaspang ang ugali. Ngunit tila hindi na

