Inayos ni Jenza ang suot suot na mahabang coat bago siya pumasok sa elevator ng Almeradez Hotel, China branch. Isa iyon sa mga pag-aari ni Alexander Almeradez na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Hindi niya alam kung bakit sa rooftop ng hotel na ito naisipan ni Cale na makipagkita sa kanya. She’s sure na hindi nito gugustuhing tumapak sa teritoryo ng kalaban ng mag-isa. Nilipad ng malakas na hangin ang kanyang buhok at sumalubong sa kanya ang malamig na klima ng bansa nang makarating siya sa rooftop ng hotel. It was winter season in China kaya paminsan-minsan ang pagbagsak ng nyebe. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid ng rooftop. Napako ang kanyang mga mata sa lalaking nakasandig sa railing ng rooftop. Nakasuot rin itong coat katulad niya at sa likod at tindig pa lang nito, kil

