Inihinto ko sa di kalayuan ang aking sasakyan. Sakto namang may dumaang itim na sasakyan at sa tantiya ko ay papasok sa dati naming bahay.
Mabilis namang binuksan ng guard ang malaking gate at iniluwa nito ang batang humahangos papasalubong sa taong bumababa ng sasakyan.
"Daddy!" malakas na hiyaw nito nang tuluyang makababa ang taong lulan ng itim na sasakyan. Sa tindig nito ay masasabi kong matikas ang pangangatawan nito. Ngunit sino ngayon ang bagong nakatira sa aming tahanan.
Gayunpaman nagpapasalamat ako dahil inalaagan ng maayos ang bahay kung saan ako lumaki at nagka-isip.
"Where is your uncle Diego?" rinig kong tanong ng lalaki sa anak nito. Mas lalo ko pang pinakatitigan ang hitsura ng batang babae, pamilyar sa akin ang mukha niya. Hindi ko lamang matandaan kung saan ko ito nakita.
Teka, Diego ba ang binanggit niyang pangalan? Sabagay marami namang nag-ngangalang Diego sa mundo. Baka isa lamang siya sa napakaraming Diego sa buong Pilipinas.
Haay. Nahihibang na yata ako.
Nagdesisyon na lamang akong lisanin ang lugar at maglibot libot muna baka sakaling may makita akong kakaiba dito sa aming lugar. Dahil base sa datos na aking nakalap ay dumarami ng dumarami ang mga batang babaeng nawawala. Wala silang pinipiling oras, mapa-umaga or gabi. Wala silang sinasanto.
"Tulooooong!!!! tulongggg!!!" malakas na hiyaw ng isang babae. Mabuti na lamang at hindi ko isinara ang aking bintana kaya dinig na dinig ko ang hiyaw nito.
Agad ko naman itong nakita. Mabilis kong ipinarada ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada at agad kong ikinasa ang aking baril at inilagay sa aking likuran. Kinuha ko rin ang aking maliit na kutsilyo at katana.
Mabilis akong nakalapit sa kanilang pwesto. Limang lalaki ang aking kakalabanin ngayon. Hindi na sila naawa sa bata.
Walang sabi sabi kong kinalabit ang gatilyo at pinaputukan sa ulo ang tatlo sa aking mga kalaban.
Napamura naman ako ng malutong ng gawing hostage ang babae.
"Huwag mo nang tangkain pang lumapit kundi sabog ang bungo nito. Masyado kang paki-alamera!" anas nito. Nakikita ko kung gaanong takot na takot ang dalagita sa taong may hawak sa kanya. Mabuti na lamang at walang mga tao dito ngayon. Kundi, madadamay sila.
"Ang tanda tanda mo na ginagawa mo pang panangga ang bata!" mariing sigaw ko dito. Napansin ko namang bigla itong nabadtrip sa tinuran ko.
Akmang kakalabitin na nito ang gatilyo ng baril ng maunahan ko ito.
"Aahhh ang mukha ko!" malakas na hiyaw nito dahil sa pisngi nito ko pinatama ang bala. Agad naman nitong nabitawan ang bata. Sinenyasan ko itong tumakbo muna at pumunta sa likuran ng puno.
Dahil dito ay sunod sunod nang nagpaputok ng baril ang apat pang kasamahan nito. Ilang beses din akong tumalon sa ere at nagpagulong gulong upang hindi matamaan ng bala.
Mabuti na lamang at mayroong malaking tipak ng bato ang nandito sa gilid. Marahas akong napahinga ng malalim. Mabilis kong pinalitan ang magazine dahil ubos na pala ang bala nito.
Kailangan kong magtira ng isang buhay para sa interrogation mamaya. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng krimeng ito.
Mabilis kong iniumang ang baril at sunod sunod kinalabit ang gatilyo. Pinatamaan ko ang tatlo sa kanilang mga ulo at ang isa ay ay sa hita. Kailangan ko ng isang buhay.
Ngunit, akmang lalapitan ko ang taong nabaril ko sa hita ng bigla akong suntukin sa aking sikmura. Malakas akong napadaing dahil sa sobrang lakas ng impact nito at tumama ako sa sasakyang nakapark dito. May dugo ding umagos sa aking mga labi.
Hindi pa nasiyahan ang kalaban ko ay hinila niya ako sa buhok at walang babala nitong sinuntok ulit ang aking sikmura. Doon ako napasuka ng dugo dahil sa sobrang sakit.
Kahit nanghihina na ang aking katawan ay pinilit ko pa ring lumaban. Kumuha ako ng lakas sa buhok kong hila hila pa rin nito at akmang susuntukin ako ulit nito ng saksakin ko ang tagiliran nito ng ilang ulit. Peste.
Akala ko ay napatay ko na ang hostage taker kanina dahil bigla na lamang itong natumba. Nawalan lamang pala ng malay.
Pa-ika ika akong naglakad patungo sa lalaking gumagapang patungo sa sasakyan nito. Mukhang may balak pa yatang tumakas ang taong ito.
Puno na ng dugo ang aking mukha at gulo gulo na aking buhok. Ganun din ang aking damit na wala na sa ayos. Nakasuot lamang ako ng hanging blouse kung kaya't labis kong naramdaman ang lakas ng suntok noon sa aking sikmura.
"At saan mo balak pumunta ha" mariing anas ko dito sabay apak sa hita nitong nabaril ko na kanina.
"M-maawa k-ka. h-huwag m-mo akong papatayin. May a-anak akong may sakit. Kaya lamang ako napasama sa grupo nila dahil sinabihan nila akong babayaran nila ako ng 20k. Hindi ko naman alam na mandudukot pala sila ng bata" pag mamakaawa nito sa akin. Mariin kong tinitigan ang mga mata nito. Sinusuri ko kung may sinseridad ba ang sinasabi nito.
"Sige. hahayaan kitang mabuhay. Ngunit kailangan sabihin mo sa akin. Sino ang nag utos sa inyo na kunin ang bata?"
"Hindi ko alam. Isinama lamang ako. Maniwala ka. Kailangan ako ng aking anak" pagmamakaawa nito.
Likas naman akong maawain at mukhang nagsasabi ito ng totoo.
"Sige. naniniwala ako sayo." tinapik ko pa ang balikat nito at nang tatalikod na ako ay mabilis kong hinagis ang aking kutsilyo patungo sa noo nito. Hindi naman ako nagmintis. Dahil balak ako nitong barilin. Mabuti na lamang at malakas ang kutob ko at matalas ang pakiramdam ko.
Pa-ika ika akong naglakad patungo sa likod ng puno kung saan nagtatago ang babaeng kanina ay hostage ng limang mga kalalakihan. Ngunit laking gulat ko at labis akong naguluhan nang bigla akong tutukan nito ng baril.
Teka, hindi kaya palabas lamang ang lahat? Kung gayon ang babaeng ito ay nag iinarte lamang upang makapambiktima ng mga tao? So, habang paparating ang aking sasakyan sa kinaroroonan nila ay mabilis silang nagpanggap na may hostage taking. Para ano? Anong pakay nila?
"Mukhang iniisip mo kung paanong nangyaring ang lahat ng ito ay palabas lamang. Ngunit hanga din ako sa iyong katapangan babae! Akalain mong napatay mong lahat ng mga kasamahan ko. Ngunit ibahin mo ako!" sabay alis nito ng kanyang maskara. Ipinatong na mukha ng batang babae lang pala ang mukha nito. Kung titingnan mo ay aakalain mo talagang tunay ito.
"Anong pakay mo?!" mariing tanong ko dito.
"Simple lang naman ang gusto ko! ibigay mo sa akin ang lahat ng pera mo at lahat ng meron ka ngayon. At isa pa gusto ko iyang sandata mo. at iyong sasakyan mong magara kapalit ng buhay mo!" nakangising turan nito.
Ngunit isang malakas na tawa lamang ang ipinagkaloob ko dito. Nagpapatawa ba ito? Dahil nakakatawa ang kanyang mga binitiwang salita. Anong akala niya sa akin. Uto-uto na basta na lamang ibibigay ang aking mga kagamitan. Magkakamatayan muna kami.
Pasimple kong kinuha ang ang aking maliit na kutsilyo. Gagamitin ko ito upang patamaan ang kanyang kamay na may hawak na baril. Pinag aaralan ko rin ang mga kilos nito.
Open ang kanyang tagiliran kung kaya't makakatama ako dito. Ngunit kailangan ko lamang unahin ang hawak nitong baril. Hindi pa ako maaaring matamaan nito dahil hindi ko dala ang aking emergency kit. Mauubusan ako ng dugo gayong malayo ang hospital dito.
"Ano pang hinihintay mo! ibigay mo na ang nais ko at makakauwi ka ng ligtas at buhay sa pamilya mo!" kumpiyansang anas nito. Napangisi ako sa mga tinuran nito at buong lakas kong hinagis ang aking small but terrible na kutsilyo. Sakto ito sa kanyang kamay kung kaya't nabitiwan nito ang baril.
Mabilis din akong sumugod dito at sinuntok ang tagiliran nito
Isang sipa pa sa pisngi nito ang aking ginawa. Partida nanghihina pa ako niyan. Ang kapal ng mukha nitong lokohin ako. Mukhang gawain na ng mga ito ang manloko ng kapwa nila. Sisiguraduhin kong may kalalagyan ang mga ito.
Nang masiguro kong wala ng malay tao ang babaeng ito ay nagdial ako ng numero sa aking telepono.