I WILL KILL YOU!

1037 Words
Lakad takbo ang ginawa namin marating lamang ang sasakyang sinasabi nito. Maingat ko naman itong ibinaba. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng sasakyan. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakapiring ang mga mata. Nagtatakang napatingin ako sa batang babae na ngayon ay nasa pinakang back seat ng sasakyan kasama ng wari ko ay yaya nito. Nakangiting nakatingin ito sa akin. "Miss. I think my daddy is having a hard time breathing." aniya Dahil sa sinabi nito ay hinawakan ko ang pulsuhan nito upang icheck ang heart beat ng pasyente. Normal naman ang t***k ng puso nito. Ngunit kailangan kong makasigurado kaya naman hinawakan ko rin ang ibaba ng kanyang tenga upang macheck ang kanyang heart beat. Normal din. Inilapit ko ang aking daliri sa kanyang nostrills at inilapat ang aking tenga sa dibdib nito. Parang ang ending tuloy ay nakayakap ako sa kanya. Normal din. Ako ba ay pinagloloko ng batang ito. Akmang aalis na sana ako ng biglang diinan nito ang pagkakadikit ng aking tenga sa dibdib nito. Gulat na napaangat ako ng tingin dito. "Stop!" turan ko dito. Ngunit ayaw tumigil ng taong ito. Dahil mas inilapit ako nito sa kanya. "Stoooooopppp!!!!" napahiyaw ako ng bigla akong buhatin dahilan kaya tuluyan akong napunta sa ibabaw nito. Mas lalo akong nagwala ng mahigpit ako nitong yakapin. Hindi pwede ito. Nababaliw na ba ang lalaking ito. Mas lalo akong hindi mapakali nang matamaan ko ang matigas na bagay na iyon na tumutusok ngayon sa aking p********e. Oh no. This can't be real! "Hey, kiddo! help me here!" hiyaw ko sa batang ngayon ay tumatawa. Parang natutuwa pa sa nakikita nitong eksena dito sa loob ng sasakyan. Masamang tingin ang ibinigay ko dito ngunit patuloy pa rin ito sa pagtawa. "Mr. Piring! stop touching me or else I will kill you!" Mariing anas ko dito. Ako ay nagpupuyos na sa inis at galit dahil nababastos na ako ng taong ito. "Daddy, let her go na. I think she doesn't like you" malungkot na anas ng babaeng kanina lamang ay tumatawa sa nasasaksihan nitong kaganapan. Ang bilis namang mashift ng mood nito. "Alexa, cover your eyes-" pagkasabi niyon ay gulat na gulat ako sa boses ng nagsalita. Kilalang kilala ko ang boses nito. Mas naging matured na nga lang ang boses niya pero nakakaakit pakinggan. Hindi ako maaaring magkamali at hindi ito maaari. Hindi sa ganitong paraan ko makikita ang taong ito. Mabilis na tumibok ang puso ko at mas lalo akong nagulat nang walang babala nitong kinabig ang ulo ko at hinalikan ang mga labi ko. Dahil sa gulat ko ay nagpumiglas ako dito ngunit ayaw nitong tantanan ang aking labi. This is my first kiss. Hindi ko maimagine na sa ganitong paraan ko mararanasan ang aking first kiss. I always imagine my first kiss to be romantic not the other way around. I was surprised and stunned when he finally removed his eye covering. Maang na napatitig ako sa mukha nito. Mas lalo yata itong naging gwapo sa aking paningin. Parang hindi tumatanda ang mukha nito. Napakabata pang tignan ng mukha nito at sadyang biniyayaan ng napaka gwapong mukha. Para lamang akong nakatingin sa isang modelo. "Done checking on me?" he said while smirking. I rolled my eyes and tried to escape from his arms but I still can't seem to leave this place because of his arms gripping my body. Nakaisip ako ng paraan upang makawala dito. Since ninakaw na niya ang aking first kiss ay lulubusin ko na. Mabilis kong pinaglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko pa ang gulat nito ngunit di kalaunan ay tinugon niya ang aking halik. Hindi ako ganun karunong humalik pero madali ko lamang natutunan sa paraan ng paghalik nito sa akin. Nang lumalalim na ang halikan namin ay doon ako nakakuha ng pagkakataon upang umalis dito. Kinagat ko pa ang kanyang pang ibabang labi nago tuluyang nilisan ang sasakyang ito. Lakad at takbo ang aking ginawa. Hinabol pa nga ako ng ilan sa wari ko'y mga tauhan nito. Peste! Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis ko itong pinaharurot palayo. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako agad sa aming tahanan. Nadatnan ko pa ngang busy sa panonood ng TV program ang aking nana. Mabilis akong lumapit dito at hinalikan ito sa kanyang pisngi. "How's your day nana? Kumain kana ba?" tanong ko dito. "Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Kumain kana ba" malambing na tanong nito. "Nagluto na ako. Kumain ka muna" anas nito bago pumasok sa kusina upang ipaghanda ako ng pagkain. Masayang pinagmasdan ko ito. Isang buwan lang naman akong maglalagi sa Pinas. Dahil isang buwan lamang ang kontrata. Nakatitiyak akong mamimiss ko ito. "Nana, I'm going back to the Philippines tomorrow" "Ano! Bakit parang ambilis naman yata niyan. May bago kana naman bang misyon?" Gulat na tanong nito. Halos kamuntikan pa nga nitong mahulog ang pinggan mabuti na lamang at nakalapit ako agad dito at nasalo ko. "Kailangan e nana." malungkot kong anas dito. "Huwag kang mag-alala nana Marie, andito naman ako!" Gulat na napabaling kami sa taong nagsalita. Walang iba kundi si Angie. Ang bilis naman nitong makarating dito. "Nana marie, saan ang kwarto ko?" Walang prenong tanong nito. Pinanlakihan naman ako ng mata ng aking nana marie dahil hindi pa nito alam na dito muna pansamantalang maninirahan si Angie habang wala ako. "Oo nga pala nana, pansamantala dito muna tutuloy si Angie habang wala pa ako. Siya na rin muna ang mamamahala sa ating flower shop. Mabuti na rin yun para may nakakasama ka dito habang wala ako. Huwag kang mag-alala hindi ka kukulitin nitong si Angie, diba Angie?" "Ah...eh... Oo naman, best friend kaya kami niyan ni Nana Marie. Diba nana?" makulit na turan nito. "Che!" pabirong tugon ni nana Marie. sinenyasan naman ako nito na waring nagtatanong kung may alam ba ito sa tunay kong trabaho. Pasimple akomg umiling dito upang hindi makahalata si Angie na ngayon ay may pasak pasak na sandwich sa bunganga nito. "Nana ang sarap talaga ng sandwich mo!" halos mabulunan nang anas nito. Naiiling na iniwan ko na ang dalawa. Kapag talaga nagsama ang dalawa ay lagi silang nagbabangayan ngunit alam ko namang ganun ang way nila para mag usap. Magkasundo naman ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD