"Boss, tama nga ang sinabi ni madam AA na may kinalaman ang governor ng lugar na ito sa mga nwawalang dalaga. Ayon sa aking nakalap na impormasyon base na rin sa aking pagmamanman sa buong kapaligiran at sa governor ay mayroon ngang nilulutong laboratoryo malapit sa dalampasigan kung saan itinuturing na ngayong private property." imporma sa akin ni Galvin. Mukhang mapapabilis ang aking misyon nito.
"Nalaman mo ba kung sino sino sa mga sikat na businessmen sa bansa ang involved dito?" seryosong tanong ko dito habang pinag-aaralan ang mga papeles na dala-dala nito.
"Sa darating na transaksyon ng mga illegal na armas ay mukhang darating din ang kanyang mga kasosyo." marahas akong napangisi sa mga tinuran nito.
Mamayang gabi na nga gaganapin ang bilihan ng mga armas kung saan darating doon si Diego Montenegro. Mukhang pagkakataon ko na ito upang matapos ang aking misyon mukhang lumalapit na sa akin ang mga kasagutan sa aking mga katanungan.
"Herardo, kumusta ang paghahanap mo ng lead sa aking kapatid?" baling ko ng aking atensyon kay Herardo na ngayon ag may inaabot na litrato sa akin.
"Boss, itong mga larawang ito ay kuha dalawang araw ang nakaraan. Base sa aking nakita ay ang inyong kapatid ay nandito lamang sa isla Montefaldo. Ngunit labis akong nagtataka dahil sa picture na ibinigay ninyo sa akin ay mukhang malaki ang ipinagbago ng inyong kapatid." mariin kong ikinuyom ang aking kamao nang makita ko kung paano siyang itulak ng taong nakasakay sa itim na sasakyan. Nakita ko rin na sobrang nag iba ang kanyang wangis dahil sobra na ang kapayatan nito. Nang buklatin ko pa mga larawan ay tumambad sa akin ang mukha ng babaeng hindi ko kailanman malilimutan. Siya si Anabelle, ang girlfriend ni Diego.
Marahas kong hinampas ang mesa ng makita kong parang asong itinali ang aking kapatid. Na parang sunod sunuran ito. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao sa aking nakita. Mga hayup sila! Hindi ako maaring magkamali may kinalaman dito si Diego. Mga hayup!
Dali-dali kong inihanda ang aking mga gagamitin. Nagsuksok ako ng patalim sa aking likuran at naglagay ako ng sapat na bala sa aking baril.
"Herardo ibigay mo sa akin ang lugar kung saan mo nakita ang aking kapatid. Magbabayad ang mga taong kailangan magbayad!" nanggagalaiting anas ko dito.
Mabilis kong pinaandar ang aking ducati patungo sa isang hotel kung saan nakunan ng litrato ang aking kapatid. Ayon kay Herardo bandang alas otso ng gabi niya nakita ang aking kapatid na kasama ng Anabelle na iyon. Naghintay ako ng ilang oras. Hanggang sa masilayan ko ang itim na sasakyan na papasok sa loob ng hotel park.
Agad kong inilabas ang aking night vision binoculars kung saan maari kong makita ng malinaw at makunan ng video ang aking mga target. Malulutong akong napamura nang masaksihan ng dalawang mga mata ko ang kaganapan.
Ang aking kuya Rex ay parang asong hinihila sa tali ni Anabelle.
"Aliping Rex, ikuha mo ako ng aking maiinom ngayon din!" utos ng mahadera sa aking kapatid habang inaalis nito ang leash sa kanyang leeg at parang asong itinaboy habang ang kanyang mga kasamahan ay nagtatawanan.
"Oh poor Rex!" anas pa nito na tila naaawa sa aking kapatid. Kuyom ang aking kamao na dumaan dito at walang sabi-sabi ko itong itinulak dahilan kaya ito natumba.
"Who the f**k are you?!" anas nito habang iniinda ang sakit ng pagkakabagsak nito. Maingat kong inayos ang aking facemask upang hindi ako nito makilala.
"Anong kasalanan ng taong iyon at kung ituring mo ay parang isang hayop?!" galit na anas ko dito havang hila hila ko ang kwelyo ng kanyang damit. Ang kanyang mga kasamahan ay walang magawa dahil maraming nakatutok sa kanila na laser galing sa aking mga snipers.
"Sino ka ba?! Tsaka wala kang paki-alam kung anong gusto kong gawin sa aking alipin! Isa lamang siyang mangmang at tonta!" mapang uyam na anas nito. Ngunit isang malakas na sampal ang aking ginawa dito.
Malalaki ang mga hakbang kong tinungo ang loob ng hotel. Gusto kong manlumo sa aking nakita. Ang aking kuya ay kinukutya ng mga tao sa buong bulwagan. May kaganapan pala ang hotel na ito. Dahil sa tindi ng galit ko ay, malalakas na putok ang aking ginawa. Walang awa ko ring pinagbabaril ang taong sumisipa sa aking kapatid. Nga hayop sila!
Lintik lamang ang walang ganti!
Isa pang kalabit sa gatilyo at bumagsang ang taong balak akong hampasin sa aking ulo. Sunod sunod na pumatak ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay nanlalabo na ang aking paningin. Ngunit maagap ko itong pinunasan gamit ang aking mga palad.
Dali-dali kong nilapitan ang aking kapatid ngunit nagulat ako dahil bigla nitong iwinaksi ang aking mga kamay.
"S-sino ka...?" anas nito habang umaatras. Nakikita ko sa mga mata nito ang nagbabadyang mga luha ngunit bakit hindi ako nito lapitan. Alam kong nararamdaman niya kung sino ako.
"H-huwag k-kang lalapit!" anas nito ng tangka ko itong hawakan. Ngunit mas lalo lamang itong lumayo sa akin at pilit iniiwasan ang aking mga kamay.
"K-kuya...It's me" pabulong na anas ko dito. Sandaling natulala ito at pinakatitigan ako ngunit biglang nag-iba ang tabas ng mukha nito.
"U-umalis kana...h-hindi k-kita kilala!" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa sinabi nito.
Hanggang sa may magsalita sa aking likuran at naramdaman ko ang malamig na bakal na nakatutok sa aking batok. Ramdam ko ang lamig noon dahil nagpaigsi ako ng buhok.
"Sino ka?!" anas ng malagong na boses. Napansin kong malalim na napalunok ang aking kuya at gamit ang mga mata nito ay parang sinesenyasan niya akong huwag akong magsasalita. Ang tagal kitang hinanap. Sobrang tagal. Marami akong mga katanungan na nais makahanap ng kasagutan.
Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa at pikit matang inagaw ko ang baril ng taong nasa aking likuran. Nasa akin na ang baril nito kaya agad kong kinalabit ang gatilyo at marahas ko itong pinatamaan sa ulo nito.
Mabilis kong iniiwas ang aking ulo dahil balak tagpasin gamit ang katana. Buong lakas akong tumalon sa ere sabay sipa sa ulo ng aking kalaban. Isa pang sipa ang iginawad ko sa kanyang sikmura dahila kaya ito tumalsik sa may glass door.
Agad ko namang sinalag ang kamao na tatama sa aking magandang mukha. Kamao sa kamao. Wala akong sinayang na oras mabilis kobg isinipa ang aking sapatos kung saan lumabas ang patalim nito at buong lakas kong isinaksak sa aking kalaban.
Isa pang ikot ang aking ginawa sabay sipa sa panga nito.
Subalit mariin akong napadaing nang tamaan ako ng bala ng baril sa aking kanang braso.
"s**t!" anas ko habang pinupunit ang laylayan ng suot kong damit upang itali sa aking sugat.
May mga dumating din na nakasuot ng itim na kasuotan at isa isang pinatumba ang aking mga kalaban. Ngunit marahas akong napamura ng walang kahirap hirap nilang dinukot ang aking kapatid.
Hindi ko ininda ang sakit na aking nararamdaman at malalaki ang aking mga hakbang patungo sa labas ng hotel. Ngunit laking gulat ko ng bigla nilang hilahin si Anabelle na parang isang hayop.
Mabilis kong iniumang ang aking baril upang patamaan ang gulong mga sasakyan. Ngunit mabibilis ang kanilang pagpapatakbo.
"Patawas boss hindi namin nahabol dahil marami nilang mga tauhan ang nagkalat sa paligid" anas ni Galvin. Pansin ko ring maga ang mga labi nito gayon din si Dante at Herardo. Labis naman akong naawa sa mga ito. Ngunit parte ito ng aming trabaho. Sila ang aking mga kasamahan. Kailangan ko silang pangalagaan dahil sila ang higit na aking pinagkakatiwalaan at itinuturing na mga kaibigan.
Mahahanap din kita ulit. Sisiguraduhin kong sasama kana sa akin kuya Rex. Hindi ko alam kung anong nangyari sa iyo bakit ganyan ang iyong kinasadlakan. Sana sa muli nating pagkikita ay masabi mo sa akin at masagot ang lahat ng aking katangungang matagal nang naghahangad ng kasagutan.