PAGHIHINAGPIS

1004 Words
Naramdaman ko pa ang mga mumunting mga halik nila sa akin. I felt relieved. Siguro nga masyado pa akong bata kaya hindi pa ako ganoong napapansin ni Diego. Pasa saan ba't makikita niya din kung gaano ako kaseryoso sa kanya. Bata man ako pero matured na ang puso ko. Mahigpit naman akong niyakap ng aking mga magulang. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang tumalsik ang aming sinasakyan, Ilang beses pa itong nagpagulong gulong. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ng aking mga magulang. They were covering me. "I love you, anak" sabay na wika nila mommy and daddy. Hanggang sa muli na namang tumalsik ang aming sinasakyan. Nakaramdam na rin ako ng hilo dahil tumama ang aking ulo sa may bakal. I tried to move but I couldn't dahil parehong nakadagan sa akin ang aking mga magulang. I could feel wetness all over my body. Hanggang sa mawalan ako ng malay tao. -------------------------- Third person's POV Samantala hindi naman malaman ni Rex ang kanyang gagawin nang matanggap ang tawag galing sa mga pulis na naaksidente ang kanyang mga magulang kasama na ang kanyang kapatid. Natutulirong nakikipag-usap siya sa mga awtoridad upang malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng nangyaring aksidente. Hindi nito lubos akalain na sa isang iglap mawawala ang kanyang mga magulang. Kasalukuyan namang nasa temporary comatose si Katrina dahil naging malakas ang impact sa ulo nito ng pagkakatalsik ng kanilang sasakyan. Tumama kasi ang kanyang ulo sa may bakal. "Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang mapanagot ang taong may gawa nito. Handa akong magbayad ng mahal!" sigaw ni Rex sa mga imbestigador at iba pang kapulisan. Mabilis naman niyang tinungo ang morgue kung nasaan ang kanyang mga magulang. Hindi siya makapaniwalang maagang mawawala ang kanyang ama ata ina. Malakas siyang napahiyaw sa sobrang sakit na kanyang nadarama. "Magbabayad sila sa ginawa nila sa inyo, I will make sure they will rot in jail!" sigaw nito habang yakap yakap ang kanyang ina. "Pre, nakikiramay ako." anas no Diego rito at bahagyang tinapik ang kanyang balikat "Wala na sila, wala na sila mom and dad" mangiyak ngiyak na anas nito. Nakaramdam naman ng pagkahabag si Diego kung kaya't niyakap niya ito upang iparating ang kanyang pakikiramay at pag-aalala para rito. TATLONG araw na ang nakakalipas magmula nang manyari ang aksidente. Tuluyan na ring nagising si Katrina. Hindi siya halos makapaniwalang patay na ang kanyang mga magulang. Labis labis ang kanyang pagsisisi kung hindi sana niya inaya ang kanyang mga magulang na umuwi na agad ay hindi sana mangyayari ito sa kanila. Wala ng ibang ginawa si Katrina kundi ang umiyak ng umiyak. Walang pagsidlan ang pighati na kanyang nararamdaman. Mabuti na lamang at nandiyan ang kanyang tita Mabel at Tito Arthur na nagmamalasakit dito. Ganun din si Diego. Habang si Rex naman ay abala sa mga kakailanganin para sa pagpapalibing sa kanilang mga magulang. Matuling lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw ng libing ng kanilang mga magulang. Hindi na halos makilala pa ang kanyang hitsura dahil sa mugto nitong mga mata. "iha, huwag kang mag-alala ituring mo kaming pangalawang mga magulang mo na rin. Ikaw na ang magiging anak namin. Besides wala naman kaming anak na babae. Iha, alam kong hindi namin mapapalitan sa puso mo ang mga magulang mo. Pero sana bigyan mo kami ng pagkakataon upang maging mga magulang mo" mahabang litanya ni tita Melba habang yakap yakap nito. Napasinghot naman si Katrina dahil hindi na naman nito mapigilan ang umiyak ng umiyak dahil hindi nito matanggap ang sinapit ng kanyang mga magulang. "s-salamat po" anas nito sa pagitan ng mga hikbi. --------- KATRINA's POV Malungkot akong nakatingin sa dalawang kabaong na unti-unting ibinababa sa lupa. Oras na para ihulog ang mga bulaklak. Hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagbagsak. "mommmyyyyy!!!! why?!! why?!!" malakas kong hiyaw dahil hindi ko na kaya pa. Mabilis naman akong dinaluhan ni kuya Rex at Diego, maging ang kanyang mga magulang. "shhhh. I know it hurts, I know" bulong sa akin ni kuya Rex. Mahigpit naman ako nitong niyakap dahil babagsak na ako sa lupa. Paano na ako ngayon. Paano na kami? Wala nang magluluto ng breakfast ko. Wala nang mag aayos ng buhok ko. Wala na akong mapagsasabihan ng mga problema ko. Wala na ang mommy ko, wala na rin ang daddy ko. Kailangan kong magpakatatag dahil alam kong nariyan lamang sila sa tabi tabi. Hinihiling ko na sana mas gabayan pa nila ako. Sana kasama ko pa rin sila sa future ng buhay ko. Pero sa isang iglap nawala sila agad. Wala nang ibang maririnig pa kundi ang hikbi ng bawat isa. Napakarami nilang dumalo sa libing nila mommy and daddy. Patunay na maraming nagmamahal sa kanila. Isa iyon sa aking maipapamalaki kung paano sila makitungo sa kapwa nila. Hindi nila tinignan ang estado ng buhay ng bawat isa. Ang mahalaga sa kanila ay makatulong sa mga nangangailangan at maramdaman ang mga hinaing nila. Kaya mahal na mahal sila ng mga tao. ------ Pagkatapos ng libing ay dumiretso na ako sa aking silid. Wala akong lakas upang makipag-usap sa mga taong nakikiramay. Gusto ko na lamang magpahinga. Ngunit hindi pa rin mawala wala sa aking isipan ang nangyari sa amin. Pilit kong iwinawaksi ang insidenteng iyon. Ayoko nang maalala pa dahil labis lamang akong binabalot ng guilt at kalungkutan. Malungkot kong inangat ang aming larawan sa bedside table. "m-mommy, d-daddy, I love you so much" Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong nahiga sa kama habang yakap yakap ang picture frame naming apat. Kailangan ko ng magpahinga dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog. Kailangan kong makalikom ng sapat na lakas para bukas dahil babalik na ako agad sa aking pag-aaral. Oo, masakit ang mawalan ng mahal sa buhay sobrang sakit. Pero kailangan kong mag move forward dahil mas kailangan ako ng hinaharap. Kailangan ko pang maging doctor. Alam ko naman nandiyan lamang sila sa tabi, pinapanood kung anong ginagawa ko. Sana yakapin nila ako ng mahigpit. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD