ANG MISYON

1055 Words
Ilang taon na rin ang nakalilipas magmula nang mamalagi kami dito sa UK. Marami ng nagbago. Marami na akong ipinagbago. After 10 long years, masasabi kong I'm living the life I wanted. I am now 27 years old. Tuluyan ko na ring naibaon sa limot ang mga masasamang ala-ala ng kahapon. Kahit sobrang hirap ng pinagdaanan ko, namin sa nakalipas na sampung taon. Mas hinubog ako ng panahon. Hinubog ako kung paano maging malakas, kung paano maging mahusay, at kung paano maging mabuting tao. Kung tatanungin ninyo kung naging doctor ba ako. Nag-aral ako ng pagmemedisina pero hindi ko natapos dahil tuluyan nang nalugi ang mga negosyong iniwan sa amin ng aming mga magulang. Kung paanong nangyari ang lahat ng iyon. Hindi ko alam. Wala akong alam. Wala akong ideya sa mga kaganapan sa Pilipinas. Nung nagkaroon ako ng pagkakataong bumangon, nagtrabaho ako ng nagtrabaho dahil wala kaming kakainin ni Nana Marie. Kahit hindi ako sanay sa mga gawaing bahay dahil may mga katulong kaming gumagawa noon, kinaya ko ang lahat. Hindi ko naman mahagilap kung nasaan ang aking kapatid. Nag-aalala ako para rito. Dahil noong huling magkausap kami ay ipinaalam lamang nito na wala na akong babalikang bahay at mga ari-arian sa Pinas. Mabuti na lamang at mayroon akong natitirang pera sa bangko. Iyon muna ang ginamit namin pang tustos sa aming pang araw-araw. Tumatanda na rin si Nana Marie. at hindi ko kaya na nakikita itong nagtatrabaho at nahihirapan. Kaya kahit na anong trabaho ay pinapasukan ko maliban na lamang ang pagbebenta ng aliw. Hindi ko yata makakayang ipagamit ang katawan ko sa kung kani-kanino man. Maswerte na lamang ako dahil mayroong tumanggap sa akin kahit hindi ako nakagraduate ng college. I was hired to become a private agent Nagtraining ako ng tatlong-taon para dito. Mabilis ko namang natutunan ang lahat kung papaanong mag imbestiga ng mga tao lalo na kung ang mga sangkot ay high profiles. Dito ko rin natutunan ang makipaglaban at kung paano ko mapoprotektahan ang aking sarili sa oras ng kagipitan. May mga nakilala na rin akong mga kaibigan na siyang gumagabay sa akin bilang agent. Maraming mga pilipino ang kasapi rito. Masasabi kong mahuhusay sila pagdating sa pakikipaglaban at paghahanap ng mga ebidensiya laban sa mga taong ganid sa lipunan. Si nana Marie lamang ang nakakaalam ng aking trabaho. Batid kong nag-aaalala ito sa tuwing may misyon akong kinasusuungan pero lagi ko namang ipinapangako dito na uuwi akong buhay at buo. Pasalamat na lamang ako at tanggap nito ang aking trabaho kahit pa mapanganib. "Kristina, ito ang bago mong misyon. Ipinagkakatiwala ko sayo ang misyon na ito. Alam kong makakaya mo ito. Dahil isa ka sa mga agents na hinahangaan ng marami. Naniniwala akong dito sa bago mong misyon makakahanap ka ng kasagutan sa mga nangyari sa pamilya mo. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang ginagawa mong lihim na pag-iimbestiga sa kung ano ba talaga ang nangyari 10 years ago" kunot noong nag-angat ako ng tingin dito. 10 years ago was a nightmare. Oo, hindi ako tumigil sa paghahanap ng katarungan. Aaminin ko ibinaon ko sa limot ang mga masasamang nangyari sa akin, ngunit ang kamatayan nila ang hindi ko maibaon sa limot. Pakiramdam ko ay kailangan nila ng hustisya. Hindi ko alam kung anong ginawa ng aking kapatid dahil magpasa hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanyang imbestigasyon. "Anong ibig ninyong sabihin?" takang tanong ko dito. Samantala hindi naman maipinta ang aking mukha sa labis na pagtataka. Nakatingin lamang ako dito habang siya ay malalim na napabuga ng hangin. "Ang misyon mo ay bumalik sa Pilipinas upang imbestigahan ang mga nangyayaring kaguluhan doon ngayon. Kaliwa't kanan ang mga p*****n at hostage taking. Kamakailan lamang ay may mga babaeng dinukot ay ibinenta sa mga dayuhan. Nais kong alamin mo kung sino ang likod sa mga krimeng ito. Huwag kang mag-alal Agent Kristina dahil malaki ang ibabayad sayo. Mga-uumpisanka sa bayan ng Montefaldo, ang lugar kung saan ka lumaki. Naayos ko na ang lahat ng mga kakailanganin mo." mahabang litanya nito sabay abot sa akin ng itim na folder. Hindi ako makapaniwalang makakauwi ako ng Pinas ng wala sa oras. Pagbuklat ko ng confidential file ay bumungad sa akin ang litrato ng isang taong kahit kailan ay hindi ko pa nakikita, nakasuot kasi ng maskara haha. Pakiwari ko ay isa itong makapangyarihang nilalang na handang kumitil ng buhay. Malalim akong napalunok ng mabasa ko ang nakasulat sa mismong papel "Diego Montenegro" "D-Diego M-montenegro?" kinakabahanh wika ko. "Yes. Siya ang iyong target. Gusto kong alamin mo ang bawat galaw niya dahil nakatitiyak akomg may alam siya sa mga nangyayari. Gusto kong alamin mo kung ano ang kaugnayan niya sa mga taong nawawala at mga p*****n sa lugar ninyo" seryosong anas nito "P-pero ano naman kaya ang kinalaman niya dito gayong malapit na magkaibigan ang pamilya namin. Sa aking pagkakaalam ay mabuti siyang tao" pagtatanggol ko dito. Shet bakit ko ba ipinagtatanggol ang taong ito. Baka nga may asawa na ito e and I don't care. "Mukhang kilala mo nga si Diego Montenegro ngunit nakatitiyak ka bang mabuti siyang tao?" Nakataas ang kabilang kilay niyang tanong sa akin. "w-what..do you... m-mean?" naguguluhang tanong ko dito. dahil ayaw nitong tumbukin ang gusto nitong iparating. "It's not for me to say...you'll find out soon" anas nito na pinagsalikop ang kanyang mga kamay at seryosong tumingin sa akin. "Mag-iingat ka Katrina. Bukas ang balik mo sa Pilipinas. Naayos na lahat ng mga kakailanganin mo" gulat na gulat akong napatingin dito at hindi ko napigilang tumayo. Hindi ko na nga naisip na boss ko ito at anumang oras ay pwede niya akong tanggalin. "Did you hear yourself, boss? that's too early. Kilala mo naman ang nana ko diba, alam mo din ang sitwasyon niya. Bakit ang ang bilis naman" reklamo ko dito and rolled my eyes. Nakapameywang akong tumingin dito at pinasingkit ko pa ang aking mga mata. "Wala na akong magagawa sa desisyon ng nakatataas, Agent Katrina De Guzman, baka nakakalimutan mong ako ang boss mo" para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran nito at tuwid na tumayo. "Alright. wala ng reklamo. I'll zip my mouth" at talagang pinadaan ko pa sa mga labi ko ang aking daliri na waring may zipper doon. Naiiling na tinalikuran ako ng boss ko at tuluyan ko ng nilisan ang kwartong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD