Chapter 1

1489 Words
*edited and revised* wag pabida kung nakikita ang old comments, tapos gagayahin din kesyo, wrong grammar daming typos, at etc na ayos na ito. Salamat.? di ako galit nag e-explain lang. "Where the f**k are you?" Bulong ko, Hawak hawak ko ang cellphone ko at dahan dahan bumaba sa hagdanan. s**t, kailangan kong maka punta duon. "Oo papalabas na ako." Bulong ko. Tinignan ko buong malaking bahay at walang tao. Natutulog na ang lahat it's 1:20 am ng umaga, lalabas lang naman ako dahil pupunta ako sa bar. Birthday kasi ng kaibigan ko. Dahil maingat ako, mabilis akong naka labas sa bahay. May kotse naman ako, kaya no worries. Agad na pinaharurot ko iyon at pumunta sa bar. Woah, Nakatakas na naman ako pagdating ko nagkita kita kami ng mga kaibigan ko. Nag sayawan at nag part party. This is gonna be fun, Damn! Pag uwi ko ay hilong hilo na ako. Mabuti nalang at walang tao sa gate.. Pasuray suray akong pumasok. Bumungad sa 'akin ni mom, naka krus ang dalawang kamay sa dibdib. "Chikki!" lumingon ako at syempre ngumiti. "H-hello.. mom? Oh at bakit kayo nasa labas?" Lasing na sabi ko. "Lumabas ka na naman ba." "Ha? Yiiee si mom galit na naman." "I just want to protect you Chikki, alam mong nag iisa ka lang na babae sa pamilya. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Tinignan ko ang oras its 3:30 am na ng umaga at malapit ng mag bukang liwayway. "Sorry mom." Yumuko ako. "No!" Nag taas siya ng boses. "Paulit ulit mo nalang ito ginagawa, simula nong nag graduate ka. Palagi ka nalang lumalabas at Hindi pa ito alam ng daddy mo. Pag ito nalaman niya, alam mo ang magagawa niya. He'll protect you whatever he'd do. Baka nga kumuha pa 'yan ng espiya para lang tignan ka. At baka nga personal bodyguard." "No, mom I can handle myself I can do what ever I want dahil malaki na ako. Hindi na ako bata mom, alam mong kaya ko ang sarili ko." "Paulit ulit nalang kita winarningan Chikki, Paulit ulit na 'rin kitang tinatakpan sa daddy mo. Chikki you're a girl, your daddy wants to protecting you and all cost, so do I. Ngayon, hindi ko alam sa kabila ng ginagawa mo, tino-tolerate pa 'rin kita." "Sorry mom." Yumuko ako nakita ko kasing umiyak siya, for the first time na paiyak ko ang mami namin. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I Love you baby, alam mo 'yan please dont be so hard headed princess. Pag nalaman din 'to ng mga kuya mo siguradong pag babawalan ka nila." Tumango ako."I'm sorry mom birthday kasi ni Gina at hindi ako makapag hindi." "I understand at wag ka ng pumupunta sa bar, ngayon papalampasin ko ito okay?" "Opo, thanks mom." "O siya uminom ka ng tubig at gamot para Hindi sumakit ang ulo mo pagka umaga." "Sige po." Hinalikan ko siya sa pisnge.. ... Naka lipas ang isang linggo hindi na ako pumunta sa bar. But damn it ang boring sa bahay nalang ako palagi. Minsan nag sho-shopping ako pero Hindi parin ako kuntento. Gusto ko may twist at nag sasaya. Pagkagabi ay binalak kong bumaba. Hindi ko narin talaga kaya. Dahan dahan akong bumaba nag dress at heels. I'm sorry mom, dad. Hindi ko talaga kaya ang ipinangako ko eh. Pagbaba ko ay akala ko makaka ligtas ako. Pero nasa sala si Daddy habang tinitignan ako. "Where are you going?" Nabitawan ko ang hawak kong heels. "Dad?" Nanlilisik ang mata ng daddy ko. Pero agad 'yon napalitan. "Princess.." he sigh. "Dad I can't stay athome anymore. Pag naman gusto kong mag condo ayaw mo 'rin? At kapag gusto ko naman mag hanap ng trabaho ayaw mo 'rin? Saan duon? Sa bahay nalang ako palagi? Mag momukmuk? Dad I'm not kid anymore I have my own life, and freedom, I was graduated na. Si kuya Nikko at Nokki, si kuya Lash at Cholo, you gave them freedom right? Dad naman? Ako naman ngayon." "No!" Isang salita pero masakit sa akin. He bit his lower lips, nag iwas ako ng tingin dahil seryosong-seryoso si daddy. "Binibigay na namin ang gusto mo hindi kita pinalaking ganiyan princess. Habang nag aaral ka noon binibigay ko gusto mo. Pati ngayon, pero hindi mo ba kayang paniwalaan ang gusto ng mami mo?" He muttered huskily. "D-dad." I shuttered. "Go back in your room princes." Seryoso siya "Dad naman?" Pagmamaktol ko. "Princess, dont make it hard for me please? Lalo na sa mami mo nag aalala siya sayo sa tuwing lumalabas ka sa bahay tuwing gabi, ang mga kuya mo? I gave them freedom they are men, they can handle their selvesn. Unlike you, babae ka, at maraming pweding mangyari sayo." "Bakit mo ito sinasabi dad?" Mang iyak iyak na saad ko. "Because I know men, their actions, their words, mga galaw nila I'm a man baby, kaya alam ko." Tinuro niya ang taas. "Go back, please?" Bakit ganon? Galit parin siya pero hindi parin niya ako sinisigawan o pinapagalitan. In the end bumalik ako sa taas, Ughh! Wrong timing. ... "Hindi pwedi." Nasa kwarto ako habang naka higa. "Hindi na ako pinapayagan eh" "Nagyong umaga lang naman, Please?" Sabi ni Gina. "Saan ba? Sa bar?" I ask again sadly. "Oo Birthday ni Jhon gusto ko pumunta ka." Jhon her boyfriend. "I'll try maliligo muna ako." Agad na tumayo ako at naligo pagkatapos ay lumabas. "Yaya ang kwarto ko paki linisan lang may pupuntahan lang ako." "Sige ho." Pumunta ako sa library ni Dad dahil nandon daw sila bubuksan ko sana ang pintuan ng marinig ko ang sinabi niya. "No honey she needs more protection. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawa ng anak natin." Dad said. "So what we gonna do?" Boses ni mom iyon. "Ako nalang ang bahala alam ko titino rin 'yan.." Nainis ako bigla sa mga narinig. I'll tryin' naman ah? Pinipilit kong Hindi maging matigas but I was boring damn it. Agad akong umalis at hindi na sila kinausap. I hate it pinaharurot ko ang kotse hanggang sa gusto ko pagdating ko sa bar ay gaya ng dati nag saya ako, at nag tatalon at nag lasingg. Namalayan ko nalang na gabi na it's 8:30 pm at late na ako sinubukang ihatid ako ni Gina pero nag matigas ako. Nag drive ako habang nahihilo, gusto ko na tuloy matulog ... I feel so dizzy damn it. Hindi ko namalayang natapakan ko ang gas at mas bulis ang takbo nito, ang huling natandaan ko lang ay may nabangga ako. And nakatulog na. ... Pagising ko ay nasa harapan ko si mami, at daddy. "Princes." Umiyak ako sa harapan nila. "Mom Hindi, ko sinasadya..." "Shhs, Tama na ang mahalaga walang nangyaring masama sayo." "Papayagan ko ang gusto mong mangyari binigyan na kita ng condo at mag trabaho sa iba't ibang gusto mong maging posisyon." napangiti ako kay daddy totoo ba? "D-dad?" "But hindi ako papayag na walang titingin sayo. I'll be confiscating your card, your ATM and black cards. Wala kang kotse, at hindi ko palalampasin ang ginawa mo ngayon, you destroyed someone's car." Nanlaki ang mga mata kk seryoso siya sa pagkaka sabi non, hindi naba ako mahal ni daddy? He'll going to dis-owning me na ba? "W-what? No way dad!" Umiling ako. Bumaling kay mom. "M-mom?" "Princess, ito ang kaparusahan dahil sa ginawa mo." What? Akala ko kakampihana ako ni mami. "P-paano ang condo? Dad Hindi ko 'yon mababayaran without my black card." "Iyon na nga mag hahanap ka ng sarili mong paraan." Tinaasan ako ng kilay, kung ganon hinahamon niya ba ako? "No way dad ayoko non mas gusto ko nalang sa bahay." Pigil na sigaw ko. "I thought you love me?" Nangingilid ang luha sa aking mga mata. "Yeah, I love you so much kaya ginagawa ko ito." Seryoso siya? The way he said that he think I'll trust him? Eh, salungat naman sa ginagawa niya sa akin. "Now choose, sa bahay ka mamalagi o mawawalan ka ng pera, at card?" "Sa bahay." Mabilis na sabi ko. Walang karakakaraka. "Good, blade.." nakanganga ako ng may lalaking lumabas at naka leather jacket ito at mukhang maagas dahil nakikita ko ang tatto niya sa dibdib, cardo dalisay is that you? Umilinng ako at nag seryoso. "Yes sir?" A husky voice appeared in my ears, gandang bungad. Tinuro ako ni daddy na parang hindi niya ako anak, nakaka sama na ng loob ito ha! Baka talaga mag rebelde na ako. "Hindi ako magagalit kahit na anong gawin mo sa kaniya, protect her, punish her do what ever you want to her ibibigay ko ang permisyo ko sayo." Nakita kong binulungan nito si blade. "Turuan mo ng leksyon." Tumango si cardo.. este si Blade. Bwesit! "No way, dad! Mom ano 'to?" "He's your new bodyguard meet blade Apeña" Inirapan ko ang lalaki, Ayoko! He just staring at me while I roled my eyes on him. Manigas muna siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD