Chapter Five-The Empire Of Light

4997 Words
“PALAGI kong ipinapaalala sayo na kami lamang ang iyong puntahan sa oras ng iyong paghihinagpis Anaki. Ipinaalala ko din na sa tuwing bukang liwayway ay huwag mong kalilimutang diliigan ang iyong halumina, lalo pa at napakahina ng iyong liwanag.” Hindi naman siya umimik habang pinapanood si Inayaha na inaayos ang mga gamit niya. Binalingan siya nito, nangingilid pa ang luha nito. “Alam ko na napakatigas ng iyong ulo, ngunit ikaw pa din ang aking Anaki. Hindi ko kakayanin kung ano man ang mangyari saiyo sa imperyo ng mga diwata” Naiiyak na sabi nito, napakurap siya sa sinabi nito. Naramdaman niya pa ang pagkirot ng dibdib sa sinabi nito. Maybe because she was using real Asteria body? “Ano ba kayo, pwede naman daw ako pumunta-punta dito sabi ni Lakan digm. Huwag kayong mag-alala magkikita-kita naman tayo sa loob.” Nakangiting sabi niya. Ngumiti ito sakanya. “Itago mo ito..” Inabot nito sakanya ang isang necklace. Natigilan siya dahil isa iyong ruby gem, kagayang-kagaya ito ng binigay sakanya ni Jewel. “…ito ang iyong magiging proteksyon sa akung anumang masamang mahika na makakasakit sa iyo. Alam mo ba na ibinigay iyan sa akin ng diwata ng bulaklak? Ang sinabi niya sa akin ay ginagabayan nito ang anumang uri ng nilalang. Dahil mahina ang iyong enerhiya at hindi ko pa alam ang dahilan ng pagliliyab non, minabuti ko na saiyo ko na ito ibigay. Lagi mong tatandaan, itago mo iyan.” “Salamat po..” “Sa pagsapit ng kumikinang na hamog ay pupuntahan kita. Ibalita mo sa akin ang iyong kalagayan maliwanag ba Asteria?” Tumango naman siya at pinagpagan ang berdeng bestida. She took a deep breath and smiled at her. Bahala na kung ano man ang mangyari sakanya sa loob. Ang mahalaga ay makapasok na din siya sa loob ng imperyo na iyon para malaman ang dahilan kung bakit namatay si Jewel sa mundong ‘to. ‘Baka malaman ko na din kung bakit kami napunta sa mundong ‘to.’ Hinatid siya nila Orla at Inayaha sa labas ng maliit na gate. Natagpuan niyang nandoon na sa labas sila big tiara pati na din ang mga alipores nito. “Hindi mo na dapat pa dinala ang iyong kagamitan, may nakalaan ng gamit para saiyo pagdating mo sa imperyo. Magdadagdag ka lamang ng kalat” Malamig na sabi ni big tiara at kinumpas ang daliri. Kasunod non ay nawala ang telang bag sa likod at kumalat iyon sa lupa. “Paumanhin diwata!” Narinig niyang sabi ni Inayaha at mabilis na dinampot ang mga damit niya. Naiinis na hinawakan niya pa ang likod. Matalim ang matang binalingan niya ang mga ito. Tinalikuran lamang sila ng mga ito. “Mga impakta talaga..” Bulong niya at akmang tutulungan sila. “Kami na ang bahala, sumunod kana lamang sakanila.” Sabi ni Orla, napipilitang tumayo siya at sa sumunod sa mga ito. Isang tingin ang ginawa niya kina Inayaha at Orla na patuloy na dinadampot ang mga gamit niya. Biglang gumapang ang awa sa dibdib niya. Aaminin niya na sa unang pagtapak niya sa mga brownies ay hindi niya mapigilang mainis dahil alam niya na mababang nilalang ang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ito din ang dahilan kung bakit nagiging maayos at masaya ang paligid sa imperyo. Kung tutuusin malalaki ang mga ambag nito, they don’t deserve the treat they gave to them. Nakita niyang pumasok sa isang malaking usok ang mga bruhilda. It looks like a transparent cloud. Wala sa loob na pumasok na din siya sa loob. “Wew..” Usal niya dahil medyo nawala pa siya sa balanse. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pag-angat ng sinasakyan. Kahit pa kumakabog ang dibdib ay itinago niya iyon lalo pa at wala si Orla sa tabi niya. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang lumilipad dahil sa ilang saglit lang ay napansin niya na ang nagliliwanagang lugar na nilalapitan nila. So this is the Empire of the Light? Compare sa City of gold na napuntahan niya ay puro puti naman ang liwanag nito. Nakakasilaw iyon sa mata lalo pa at papalapit sila, napapikit pa siya nang pasukin nila ang hamog. “Eeerk!” Halos masuka pa siya dahil nasinghot niya ang makating hangin na iyon. Natigilan siya sa pagdilat ng mata ay nakita niya ang mga naglalakihang batong kastila na napupuluputan ng baging. The air changes — it seems more tender, warmer, rich with the aroma of blossoming vines and sparkling dew. Kung hindi siya nagkaamali ang castle na iyon ay parang nakalutang. Ang tanging nagiging pundasyon non ay ang binabalot ng mga naglalakihan crystal na siyang nagbibigay ng liwanag sa ilalim ng lupa maging sa mga kalapit nito. The towers rise elegantly in a spiraling form. It feels as though the entire structure is alive, breathing with life. Nakita niya pa ang mga maliliit na liwanag na sabay sabay lumilipad sa labas ng palasyong iyon. They make it looks like a vibrant and full of life, almost as if it’s more than merely a building. Narinig niya pa ang mga pag-awit nito sa hangin habang hinahagis ang mga bulaklak. ‘Pixies?’ Halos malula siya sa lugar lalo pa nang bumaba na sila. “Woahh..” Manghang usal niya, kahit pa siguro sa mundo niya ay wala siyang makikitang ganong structure. Muli siyang sumunod sa mga bruha nang pumasok ang mga ito sa malaking gate na katumbas yata ng building na nakikita niya sa BGC. Kumbaga feeling niya ay para lang siyang langgam. And as she expected, garden din ang hallway. Ngunit ni isa sa mga makikinang na bulaklak na mga nandoon ay hindi siya familiar. Even the rose is not there! “Asteriaa~” Nanlaki ang mga mata niya ng sabay sabay na tumutok sa direksyon niya mga kulay pula na bulaklak. “Asteriaa~” “Tinatawag niyo ba ako?” Akmang hahawakan ang mga ito, “Huwag mong hahawakan ang mga iyan, kung ayaw mong makulong sa panaginip.” Napahinto naman siya sa sinabi ni big tiara. Mabilis siyang lumayo sa mga ito at tumakbo sa likod nila tiara. “Wehh?” Naninigurong tanong niya sa mga ‘to. Hindi siya pinansin ng mga ito, hindi na lang siya nagsalita pagpasok nila sa loob. To her surprise, mas malaki ang loob ng castle kumpara sa iniisip niya! It feels so unreal and dreamy. The walls are covered in crystals that shine like gems, and streams of glowing liquid flow through them. Delicate glass-winged butterflies float gracefully in the air and occasionally, gentle laughter emanates from the shadows — the laughter of unseen fairies. “Dito ang iyong magiging pansamantalang silid habang pinag-aaralan naming ang iyong halumina.” Hindi umiimik na pumasok naman siya sa loob ng kwartong tinuro nito. ‘This room is much bigger than mine!’ “Naroon naman ang iyong mga kasuotan, pagkatapos mong magbihis ay kailangan mong magtungo sa silid ng kaalaman upang tayo ay makapagsimula.” Sabi pa ni big tiara, tumalikod na ang mga ito at iniwan siya. “WOW!” Hindi niya napigilang tili nang mawala ang mga ito. Well putting her ignorance aside… but this place is so magical. The room is circular with high vaulted ceilings, maging ang walls ay tila gawa sa translucent crystal na nagbabago pa ang kulay sa ibat-ibang angulo. The floor is solid liquid purple, ramdam niya ang lamig at sarap sa pakiramdam non mula sakanyang talampakan. When you steps, It gently ripples and gives off a soft glow, creating subtle light patterns on the floor. Ang tanging ilaw lamang sa loob ng kwarto ay galing sa mga lumulutang na lampara. It gives a soft vibes and healing ambiance. Nasa gitna naman ang malaking kama na kulay lilac at puti. Hugis bilog pa ito, kung tutuusin ay mukhang kasya pa ang twenty katao kapag natulog doon and it was all for her? Nakita niyang kumpleto din lahat sa gamit, naglakad siya patungo sa isang pinto. Pagbukas niya ng pintong iyon ay napaurong pa siya ng bahagya. Bigla kasing nagsilabasan ang mga animoy alikabok na maliliit na liwanag sa loob non na nakaipon pala sa edge ng pintuan. Pagsilip niya sa loob ay tumambad sakanya ang tatlong palapag na wardrobe. “Seryoso akin lahat to?” Nakangangang tanong niya at tumingala. Wala man ang mga damit na nakasanayan niya sa mundo nila ay natitiyak niya na mas mamahalin ang mga nakikita niya. Sa unang palapag ay punong-puno ng silk dress na mahahaba, magkakasunod ang mga kulay non mula sa pale blue hanggang pink. Sa pangalawang papag naman ay mga puti naman na sa tingin niya ay mukhang iisa lang naman. Sa ikatong palapag ay naroon naman ang mga tila mabibigat na dress, it was velvet with a mix color of red and purple. Sa gitna naman ng wardrobe ay nakita niya ang mga sandals, The shoe is made entirely of crystal-clear glass. Sa labas non ay napapalibutan pa ng mga petals. Sumasayaw sa paligid non ang mga paru-paru. Habang ang ibang accessories naman sa buhok ay mga nakalutang. Tinaas niya ang kamay at doon ay bumaba ang clip sa buhok na may lilac na bulaklak. “Ayos naman..” Hindi niya napigilang sabihin sa sarili, nagsimula na siyang mamili ng susuotin pagkatapos ay nagbihis. Nanamanghang napatingin pa siya sa salamin ng makita ang sarili. She really looks different in her new dress. Sumagad ang haba ng suot niya hanggang talampakan. Napili niya ang pale purple na dress para bumagay iyon sa clip na suot niya, Hinayaan na lamang niyang nakabuhaghag ang mahaba niyang buhok sa likod. Tanging clip lamang na kinuha niya ang nakasabit sa gilid ng buhok niya. Inayos niya pa ng konti ang bangs niya. “Ang ganda mo!” Nakangiting sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang suot. Nakangiting hinawakan niya pa ang mahabang dress. It was soft and almost weightless. “Diwata.. Ipinapatawag na kayo sa silid ng kaalaman.” Kumunot ang noo niya at tinuro ang sarili. “Ako diwata?” Kahit pa nagtataka ay lumabas na siya sa wardrobe. Naabutan niya sa labas ng silid ang isang babaeng maliit ang mukha at may matulis na tenga. Nakasuot ito ng bestida kagaya ng suot nila big tiara. “Ako ba yung tinutukoy mo?” Maang na tanong niya. “Ganon na nga diwata, hinahanap na kayo ni Lakan digma..” Sabi pa nito, natigilan naman siya kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. ‘Nandon din siya…’ Napapalunok na lumabas naman siya, sumunod siya dito. Habang sabay nilang tinatahak ang mahabang hallway ay paulit-ulit na kumabog naman ang dibdib niya. ‘Teka? Bakit ba ako kinakabahan eh samantalang pag-aaralan lang naman ako diba?’ Huminga siya ng malalim ng tumapat sila sa malaking pinto. Napapalunok na pumasok siya sa loob ng pagbuksan siya ng babaeng iyon. Napahinto pa siya nang tumambad sakanya ang mga diwata sa loob non na nakaupo sa mahabang lamesa na punong puno ng aklat sa gitna. Sabay sabay pang lumingon ang mga ito sa direksyon niya. Hindi niya mapigilang mamula lalo pa at nagtama ang mata nila ni Alaric. Mabilis niyang sinara ang malaking pinto na pinagtaka naman ng babaeng kasama niya. “Diwa--- “Wait lang promise..” Sabi niya dito. ‘Goodness give me a break!’ “Hooo..” Bumuga siya ng hangin at binuksan ang pinto, nahihiyang yumukod siya at nakayukong naglakad sa gilid. Kahit hindi siya tumingin ay alam niyang nakasunod ang mga mata sakanya ng nasa loob. “Ano ang iyong ginagawa?” Napaangat siya ng mukha sa boses na yon. Doon niya napansin na papunta pala siya sa dingding. Doon siya lumingon sa mga ito. “Lumapit ka dito.” Utos ng matandang lalaki na nakaupo sa dulo ng mesa, nakaipit pa ang maliit na salamin nito sa bridge ng ilong nito na parang gawa sa kahoy. Habang nasa kanan naman nito si Alaric na nakatayo. Napapalunok na lumapit siya sa kaliwang side nito, “Siya ba ang iyong tinutukoy Lakan digma?” Napabaling siya sa nagsalita, pamilyar ito sakanya. “Ganoon na nga Prinsesa Irana..” ‘Ah siya iyong sa mushroom garden noong unang araw ko dito!’ Nakita niyang bahagyang ngumiti sakanya ang diwatang iyon. At that moment, one of the fairies smiled at her for the first time. Halos lahat kasi ng nakikita niya ay palaging masungit sakanya. Kabaliktaran ng mga nababasa niya, parang sa mundo lang din niya. May ibang taong maganda pakisamahan, may iba naman na hindi. ‘Natandaan ko pangalan niya sa panaginip ko. Hindi kaya natandaan niya ang pangalan ko kay Jewel?’ “Ilapat mo ang iyong palad.” Narinig niyang sabi ng matandang nasa tabi niya. Sinunod naman niya ito at nilagay ang kamay sa librong nakabukas. Nakita niyang blanko iyon, habang hinihintay ito sa susunod na utos ay nakalabing tinignan niya ang matanda. ‘Ehh nakatayo pala siya?’ Nakita niyang nakatayo ito sa upuan, hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi naman sa pag-iinsulto, ang cute lang kasi. Doon niya naramdaman ang mainit na titig na iyon. Nang mag-angat siya ng tingin ay nahuli niyang nakatitig sakanya si Alaric. “Tila ay wala namang laman ang kanyang kaibuturan..” Sabi ng matanda, binawi niya ang tingin sa binata at yumuko. Doon niya napansin na may nakasulat na sa librong hawak nito. Tinanggal naman ng matanda ang kamay niya doon. “Wala bang laman ang iyong isipan kung hindi ito lamang?” Tanong matanda sakanya, kumunot ang noo niya at tinitigan ang libro. “Maganda ako, maganda ako. Malakas ako, malakas ako. Mahina kayo. Ikaw ba ay nahihibang? Kung ang ibang kaibuturan ay pangarap. Bakit tila saiyo ay pagmamataas?” Sabi pa nito. napanguso siya. ‘That’s how I kept myself motivated kaya.’ Narinig niya ang mahinang tawa na iyon, nakita niyang mabilis na nawala ang ngiti ni Alaric. “Kung ganon ay wala din laman ang kanyang kaibuturan tandang?” Tanong ni Alaric. Tumango ang matanda at sinara ang libro, “Tama nga ang Reyna Amara, bukod sakanyang mahinang enerhiya kumpara sa mas mababang uri ng nilalang mahina din ang liwanag ang kanyang halumina. Sa palagay ko ay isang malaking insulto sa kadiliman ang pag-interesan pa ang kanyang enerhiya.” “Kung ganon ay sa pagsapit ng bukang liwaway kailangan niyang magtungo sa silid ng panaginip. Marahil ay makikita natin ang laman ng kanyang iniisip sa nakaraan at kasalukuyan.” Sabi pa ng prinsesa. “Kung ganon ay dadalhin ko siya sa salamin ng imperiyo. Sa palagay ko kailangan muna nating malaman ang dahilan kung bakit wala ang liwanag ng kanyang halumina.” Sabi pa ni Alaric. “Bakit ikaw pa ang kailangan gumabay sakanya Lakan digma Alaric? Nandito naman ang mga bantay ng Halumina, hindi mo tungkulin ang samahan pa ang mababang uri.” Sabi ng isang diwata naman doon. Hindi niya napansin na nasa loob din pala si big tiara. “Ako ang dahilan kung bakit nakatakas pa sa akin ang anino. Kaya mabuti lamang na ituon ko ang atensyon at gabay kay Asteria nang sa ganon ay maging malinaw sa akin ang kanyang pakay.” Nakinig lang siya sa mga ito, wala naman siyang choice kung hindi ang sumunod lang sa mga ito. Mabuti na din iyon dahil sa totoo lang wala siyang dalang dictionary para maintindihan ang mga sinasabi nito. “Halika at sumunod ka sa akin..” Utos nito sakanya, pakurap na yumukod siya sa mga nasa loob saka sumunod dito. Kahit pa hindi siya tumingin ay alam niyang nakasunod ang mga tingin nito sakanila. Pagdating sa labas ng silid na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na tumingala kay Alaric. ‘Ano kaya ang naging connection niya kay Jewel?’ Napabawi siya ng tingin ng balingan siya nito. “Nagustuhan mo ba ang iyong bagong tahanan?” Tanong nito, tumango siya. “Oo sobrang ganda hehe..” “Mabuti kung ganoon. Gusto kong maging buo ang iyong atensyon dito. Kailangan nating malaman kung ano ang nangyayari sa iyong halumina.” “Ahh, nagkasakit kasi ako. Ano ba iyong halumina? Ano ba yung halaga non sa uri namin?” Tanong niya dito, nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito at pinilig ang ulo. “Ang halumina ang dahilan kung bakit nabuo ang iyong mahika. Bago kayo isilang ay binibigyan na ng basbas ng mga diwata ang mga ito tanda ng gabay at kapangyarihan. Ang inyong mga uri ay kailangang panatilihing malinis ang buong imperiyo, kayo din ang dahilan kung bakit buhay ang hardin ng liwanag. Ang inyong mga uri din ang nag-aayos ng mga handa sa tuwing may mga pagdiriwang. Sa madaling salita, malaki ang nagagawa niyong mga nilalang sa imperiyo. Ang tanging magagawa niyo lamang ay panatilihing buhay ang inyong halumina. Kapag tuluyan itong nalanta at nawalan ng liwanag. Kayo ay unti-unti ding mawawala..” Paliwanag nito. Tumango naman siya. Hindi niya maiwasang mapangiti. “Ah tutal nandito na din naman ako, pwede ko bang malaman kung sino iyong sinasabi niyong anino? Curious lang din kasi ako, siyempre kagaya ng sinabi mo mukhang may nais gawin yung anino sakin. Dapat aware din ako kapag nagkataon na makatapat ko siya diba?” Tanong niya pa, nakita niyang tumaas ang sulok ng labi nito. “Wala akong maintindihan sa iba mong sinasabi…” Sabi nito at tinaas ang isang kamay. “…ngunit hindi ko saiyo ipagdadamot ang iyong karapatan. “ Sambit nito at mula sa kamay nito ay lumabas ang maliit na libro. Inabot nito iyon sakanya. Kinuha niya iyon. “Diyan mo mababasa kung anong uri ang anino na aming tinutukoy.” Sabi pa nito. “Salamat ha!” Ginala nito ang tingin sa buong mukha niya pagkatapos ay tumingin sa harap. Hindi niya mapigilan muli ang sarili na mapatitig dito particular sa matangos nitong ilong at natural na mapulang labi. Ilang sandali ay huminto naman sila sa isang malaking pinto na hugis bilog. Kinumpas ni Alaric ang kamay nito at doon ay bumukas ang pinto. Sabay silang pumasok sa loob. ‘Ikinagagalak naming muli kang makita Lakan digma Alaric..’ Namamangha siyang tumingin sa paligid. Ang bung kwartong iyon ay napupuno ng mga malalaking salamin. Umiilaw ang mga iyon bagamat hindi naman nakakasilaw sa mga mata. Hinahanap niya pa ang tinig na iyon na nagsalita kanina na nag-eecho sa paligid. “Ikinagagalak ko ding makita ka Gabay ng salamin ng halumina. Marahil ay alam mo na ang aking pakay..” Sabi ni Alaric at binalingan siya pagkatapos ay bumaba ang tingin. ‘Kung ganon ay mag-uumpisa na ang pagsusuri..’ “Maari mo ng tanggalin ang iyong kausotan.” Parang wala lang na sabi nito. Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagbuka ng bibig niya. “Ha? As in maghuhubad ako?” Gulat na tanong niya. Tumango ito. “Ganon na nga, dapat ay wala kang ititira sa iyong katawan..” Nalaglag ang panga niya lalo. “Seriously?? As in sa harap mo maghuhubad ako?” “Ikinahihiya mo ba ang iyong halumina na makita?” “Malamang?!” Gulantang na sabi niya pa at niyakap ang sarili. Ilang sandali siyang tinitigan. “Kung ganon ay ako na ang maghuhubad sa iyo.” Walang preno na sabi nito at tinaas ang kamay. “Hoy sandal---“ Napapikit na niyakap humigpit ang hawak niya sa sarili pati na din sa suot. Kasunod non ay naramdaman niya ang malamig na bagay sa loob ng puson niya. Unti-unti siyang dumilat, nanlaki ang mata niya nang makita ang katawan ng hugis babae sa harap nila. Mahaba ang buhok nito na kagaya ng sakanya, ang buong katawan nito ay balot na balot ng bulaklak na lily na kulay lilac habang nakalutang sa gitna ng mga salamin. Kahit pa nababalutan ng bulaklak ang mukha nito ay alam niyang siya iyon ayon sa hugis ng katawan nito. Napansin niya na namamatay-matay ang bawat liwanag non. Napayuko pa siya sa sarili dahil may reflection ng ilaw na nakadugtong sa puson niya. ‘So ito pala ‘yung halumina? Akala ko naman need ko pa maghubad..’’ “Nakakabighani ang iyong halumina..” Binalingan niya si Alaric na titig na titig doon. If she’s not mistaken, parang nakikita niya na may sakit sa kislap ng mata nito, ‘Ang halumina ng kadalisayan at bagong simula ay tuluyang maglalaho sa pag-usbong ng pag-ibig.’ “Ano ang iyong ibig sabihin?” Tanong ni Alaric. Nakita niyang umilaw ang mga salamin sa paligid nila kasunod non ay narinig niya ang pag-iyak ng halumina na iyon sa harap nila. Napahawak siya sa puson ng maramdaman ang bahagyang sakit doon. ‘Siya ay hindi maaring umibig muli..isinumpa ang kanyang halumina sa habang buhay na pagdurusa. Ngunit huli na ang lahat dahil nagkatagpo na ang dalawang pinaghiwalay ng tadhana..” “W-wait lang ha? Wala akong boyfriend---ang ibig kong sabihin wala akong naging kasintahan. Saka hindi ako naniniwala sa ganyan.” Sabat niya pa. “Ano ang iyong ibig sabihin na isinumpa ang kanyang halumina? Ang bawat halumina na may basbas ay puno ng kalinisan at walang kahit na sinong nilalang ang maaring isumpa ito.” Sabi pa ni Alaric, tumango naman siya bilang pagsang-ayon. “Tama ka diyan..” Sabi niya pa kahit wala naman siya alam sa mga sinasabi nito, “Paumanhin lakan digma ngunit walang basbas ng kahit na anong diwata ang kanyang halumina.’ Natigilan siya, naalala niyang tinago nila Inayaha ang halumina niya sa lahat. Sinabi nitong walang kahit na sino ang dapat makakita non. Especially Alaric! “Ahh-- Bago pa siya makapagreact ay nakita niyang kinumpas ni Alaric ang isang kamay. Naramdaman niya ang puwersang iyon sa noo niya. Napansin niya pa ang pagkagulat sa mukha ni Alaric habang nakatingin sa itaas ng ulo niya ngunit saglit lang iyon dahil sumeryoso bigla ang mukha nito. “Marahil ay….dahil iyon sa pagkikita nila ni anino.” Sambit nito at muling kinumpas ang kamay. Walang emosyon ang mukhang tumingin ito sa harap. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito. “Ano ang maari kong gawin upang manumbalik ang kanyang liwanag?” Tanong nito. ‘’Tanging siya lamang ang makakahanap ng kasagutan.’’ “Wait paanong ako? Hindi ko alam kung bakit ganyan ang halumina ko.” ‘Ang iyong halumina ay walang basbas mula sa mga diwata, kaya madali itong maapektuhan ng kahit na anong enerhiya kahit pa ang kadiliman. Ang liwanag nito ay naglalakbay sa labas ng imperyo. Kapag tuluyang hindi makabalik ang iyong liwanag sa lalong madaling panahon at malanta ito ay tuluyan kang maglalaho. Tanging ang may-ari lamang ang makakahanap nito.’ Hindi naman siya nakaimik sa sinabi nito. “Kung ganon ay maraming salamat Gabay.” Sabi ni Alaric at binalingan siya. Itinaas nito ang kamay kasuno non ay unti-unting hinigop ng puson niya ang babaeng kahugis niya.. “Halika na.” Sabi pa nito at tumalikod. Tahimik na sumunod siya dito, akala niya ay pupunta sila sa kwarto niya ngunit nagtungo sila sa malaking veranda. Nakita niya ang malawak na labas ng imperiyo pati na din ang mga naglalakihang kastila na natatanaw niya. “Bakit nagliliyab ang enerhiya ang iyong halumina?” Tanong sakanya ni Alaric habang nakatanaw sa labas. Natigilan siya. ‘So nakita na niya?’ Hindi naman niya alam ang sasabihin lalo pa at alam niyang mapapahamak sila Inayaha at Orla. “May alam kaba tungkol dito?” Baling sakanya nito. Umiling siya dito, “H-hindi ko alam..” Kagat ang labing lumuhod siya dito at yumukod. “…p-patawad Lakan digma! Wala din akong alam sa mga nangyayari. Para niyo ng awa patawarin niyo ako!” Nakapikit na sabi niya. She has to do this, kahit pa wala siyang idea sa nangyayari sakanya, ang alam niya ay masama ang epekto ng nagliliyab na orb niya lalo pa at alam na ito ni Alaric. Ilang sandal pa ay naramdaman niya ang malamig na kamay na iyon sa braso niya. Nagtataka na napaangat siya ng mukha. “Sa palagay ko ay malaki ang kinalaman ni anino sa nangyayari sa iyo.” Malambot ang expression na sabi nito sakanya. Napatitig siya dito, binitawan siya nito at muling tumingon sa malayo. “Sa huling sinag ng buwan ay nangyari na din ito, ayon sa aking ama ay may isang diwata na humina ang halumina bago ito tuluyang naglaho. Ang halumina ay binubuo ng limang basbas. Hindi lamang sa mga diwata kung hindi sa lahat ng uri na nasa ilalim ng imperyo.” Nilingon siya nito habang seryoso ang mukha. “…ang unang basbas ay galing sa reyna ng karagatan. Sumunod ay sa reyna ng mga hardin. Sa hari ng mga bituin, maging ang reyna ng ulap at hangin. At ang huli ay ang katas-taasang basbas ng Imperiyo. Walang kahit na sinong nilalang ang maaring makakuha nito. Kahit pa ang mga kadiliman ay hindi maaring galawin ito.” “Kung ganon bakit walang basbas yung sakin?” “Iyon ang dapat kong alamin pa. Wala ding saysay ang pagtungo natin sa silid ng panaginip dahil wala ang iyong liwanag. Ang maari nating gawin ay hanapin ang iyong liwanag upang linisin muli ang iyong enerhiya mula sa pagliliyab nito. Pagkatapos ay muli nating hihingiin ang basbas mula sa diwata.” Napatango na lang siya. “S-salamat sa tulong mo Alari---Lakan digma.” Nakangiting sabi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Ginagawa ko lamang ito para ikabubuti ng imperyo. Isa pa ay…Alaric na lamang ang itawag mo sakin.” “Salamat Alaric..ahh babalik naba ako sa silid ko?” Umiling ito saka tumingin sa labas. “Mamaya na, samahan mo muna ako dito.” ‘Ay clingy bet!’ Parang gusto niyang batukan ang sarili dahil sa naisip. “Maari kang magtanong sakin kung gusto mo. Sasagutin kita, mahalaga na din na may alam ka habang nandito ka sa imperyo.” Narinig niyang sabi nito. Pinagsiklop niya ang palad at bahagyang pumantay dito. Tinangala niya ito. “Alam mo ba kung ano ang magiging epekto nitong nagliliyab na enerhiya sakin?” Tumango ito habang nakatingin padin sa malayo, tinignan niya ang matangos nitong ilong. “Kagaya ng sinabi ko kanina, may isang diwata na kagaya ng sitwasyon mo. Ang kaibahan niyo lamang ay magkaiba ang uri ninyo. Sinabi din ni ama na nagliliyab din ang enerhiya nito.” Kwento nito. ‘Hindi kaya si Jewel yung binabanggit niya?’ “Bago pa namin malaman ang dahilan nito ay naglaho na siya sa mismong araw ng pangalawang pagsara ng sagradong daan.” “Oh..kung ganon nasaan yung sinasabi niyong sagradong daan?” Since nandito na siya mahalaga na malaman na din niya. Niyuko siya nito. “Iyon ay sikreto ng batas, maliban sa akin at iba pang matataas sa imperyo. Wala ng dapat makaalam pa doon.” Nakangiting sabi nito. “Ah hehe, oo nga tama ka diyan.” Nakatawang sabi niya at tumingin sa labas. “Ngunit kung gusto mong malaman ang nangyari sa nakaraan. Basahin mo ang aklat na ibinigay ko.” Tumango siya at ngumiti. “Oo naman, isa pa habang nandito ako kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kai--- sa akin.” “Huwag kang mag-aalala habang nandito ka sa aking lugar, hindi ko hahayaan may mangyari na masama sayo.” Hindi niya mapigilang ngumiti ng malawak sa sinabi nito. Kahit hindi siya lumingon ay alam niyang nakatingin ito sakanya. “Ano ang ginagawa dito ng isang mababang nilalang Lakan digma?” Sabay pa silang lumingon sa may-ari ng boses na iyon. Naabutan niya ang isang diwata. She was wearing a blue silk dress, may malaki itong korona na hugis paru-paru. Bahagyang yumukod siya dito. “Prinsesa Delayna.” Narinig niyang sabi ni Aleric. “Ano ang iyong ginagawa dito?” Muling tanong nito sakanya. “A-ano— “Siya ang aking tinutukoy prinsesa.” Tuloy ni Alaric. Nakita niyang natigilan ito, lumapit pa ito sakanya. She is gracefully checking her out. “Kaya mo bang maghabi?’’ Nalito naman siya sa tanong nito. “H-ha? Maghabi? Ano ‘yon?” Nagsalubong ang kilay nito at tinaas ang mukha, pinakita nito sakanya ang mahabang palda na animoy hugis pakpak ng paru-paro. Namangha pa siya ng kumislap iyon sa liwanag. “Ang ibig kong sabihin ay maghabi ng tela na kagaya nito.’’ ‘Ahh.. magtahi, sobrang dali lang naman pala.’ “Paumanhin diwata, hindi e.” Naiilang na iniwas niya ang tingin dito. She has never used a needle and thread! “Kung ganon ay sumama ka sa akin.” “..tadiryaha maari ko bang putulin muna ang inyong pagtitinginan? Habang nandito siya ay kailangan kong ituro sakanya ang ibang bagay na dapat niyang malaman.” Mataray na sabi pa nito paglingon kay Alaric. ‘Tadiryaha? So kapatid niya?’ “Ikaw ang bahala prinsesa..” Binalingan siya ni Alaric. “...muli tayong magkikita sa bukang liwayway Asteria.” Sabi nito saka yumukod sa diwatang kaharap nila bago tumalikod. “Hmp!” Napakamot na lang siya habang nakatingin sa mga ito. Nagulat pa siya nang lingunin siya nito na may matalim na tingin. “Sumunod kana nga!” Anito at hinawakan ang braso niya. “Ano ang inyong ugnayan?” Bulong nito sakanya, dahil sa malapit ito sakanya ay naamoy niya ang bango nito. Her scent is a literal blend of flowers and candy. “Ha? Anong ugnayan?” Takang baling niya dito. Pinalo siya nito ng mahina sa balikat na para bang close sila. “Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong ngumiti ang aking tadiryaha. Alam mo ba na wala pa siyang sinama na kahit sinong diwata sa beranda kung hindi ikaw pa lamang? Ang sino mang gumamba ng kanyang pagninilay ay kanyang pinaparusahan.” Nanlaki pa ang mata niya. “Ganyan ba siya kaharsh?” Nagsalubong ang kilay nito. “Harsk?” “Ahh..” Nakatawang bahagya siyang lumayo dito. “Nagkakamali ka ng iniisip prinsesa. May mahalaga lang kaming pinag-usapan ng tadiryaha mo. Saka isa pa, hindi ako nabibilang sa diwata.” Tinignan siya from head to toe. “Alam ko..” sabi pa nito saka muli siyang hinawakan sa braso. “…sumama ka sakin!” Hila nito uli sakanya. “Ay sandali!’’ Wala naman siyang nagawa ng hilahin siya nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD