Prologue

3350 Words
“CONGRATULATIONS Jewel!” Matamis ang ngiting binalingan siya ng kaibigan. Bakas sa mga mata nito ang saya nang makita siya. She smiled at her. “Nevara!” Natutuwang tumayo ito, mabilis siyang umiling at tumingin sa paligid. Everyone is preparing the props that will use in the event. Kahit ang secretary niya ay nakita niyang kinakausap ang ibang mga dumalo na kilala sa event. And to her surprise even the big star actress Kalea Montel was here. Binalingan niya ang kaibigan. “Sshh, I am just checking you. Baka hindi din ako gaano tumagal dito.” Nakangiting putol nya sa kaibigan. Nakangusong umupo muli ito habang nakatingala sakanya. “What do you mean hindi ka tatagal? Ikaw pa naman yung inaasahan kong makakasama ko dito.” Nagtatampong sabi nito. Nagkibit balikat siya, she wanted to stay but she has a lot of things that need to attend to. “I really wanted and you know that, pero bessy alam mo naman na marami akong kailangan asikasuhin ngayon. Kailangan ko ding makipagkita kay Mabel ngayon.” Tukoy niya sa secretary ng CEO nila. Hindi niya naman pwedeng ipagawa iyon sa secretary niya aside from that ay gusto nya din din kasing personally na makausap ang mga ito for some reason. “Okay I understand naman.” Nakangiting sabi nito ngunit alam niyang nagtatampo padin ang kaibigan. Napatingin siya sa librong hawak nito. “Back where I belong..” This book is popular not only locally but also internationally. Jewel is an author under her publishing company. Pagmamay-ari din ng mga magulang nito ang publishing company ngunit hindi yon alam ng lahat. Ang gusto kasi ni Jewel ay patunayan ang sariling kakayahan ng walang inaasahan. Hindi naman ito nagkamali, naging malaki ang contribute nito sa company dahil sa mga nobelang isinulat nito for over a years. Isa sa mga naging big hit nito internationally ang isinulat nitong Back Where I Belong. Jewel is a big gem in the company. “Oo nga pala hindi ba binanggit ko sayo na iba yung ending na gusto ko compare sa ending na gusto ni Liselle?” Anito. Natigilan siya, isa din si Liselle sa mga sikat nilang author. Dahil both in demand ang dalawang author sa market ay naisipan nilang mag-collab ang dalawa. During brainstorming nakita naman niya kung paano magkasundo ang dalawa sa isusulat na nobela. Ngunit ayon sa mga nasagap niyang balita sa likod nila ay hindi magkasundo ang dalawang ito. Huminga siya ng malalim at tinitigan ang kaibigan. “Wag mo munang isipin yan sa ngayon okay? Focus on your event and after this we’re gonna discuss about your new upcoming book.” Aniya, nabakas niya ang lungkot sa mukha ng kaibigan. “Okay..” Sabi nito saka pilit na ngumiti. “…alam mo ba bessy napanaginipan ko na naman sila kagabi.” Hindi naman siya umimik, alam niya na ang tinutukoy nito ay ang bagong novel na sinusulat nito. “Nakausap ko na iyong lalaking ‘yon, binabanggit ko yung pangalan niya sa panaginip ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko matandaan paggising ko eh. I’m sure my dream was connected to what happened ten years ago.” Sabi pa nito. Nakangiting hinilot niya ang likod nito. “Relax. Huwag mo munang isipin iyan ngayon. Mamaya mo pagtuunan ng pansin yan okay? Baka mamaya hindi ka makapag-focus bahala ka.” Nakalabing sabi niya pa. She nod at her. “Mag-iingat ka sa biyahe okay?” Anito. Ngumiti lang siya at bineso ito. “See yah and goodluck.” Sambit niya at tumalikod. Isang lingon ang ginawa niya sa kaibigan bago tuluyang umalis ng event. “Umay naman..” Bulong niya, pakiramdam niya ay naiipit siya sa sitwasyon. But oh well, she always trust herself more than ever. Pagdating niya sa kotse ay agad niyang nilabas ang pills na iniinom. Bago siya gumawa ng desisyon ay kailangan niya munang inumin ang gamot. Bago niya buksan ang makina ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nilagay niya iyon sa phone holder. Umismid siya nang makita ang mukha ni Liselle sa video call. ‘speaking of impakta..; Pekeng ngumiti siya nang sagutin ang tawag. “Bestfriend!” Matinis na tili nito nang sagutin niya, kumikinang pa ang mga malalaking hikaw nito na tumatama sa liwanag sa likuran nito. ‘Bestfriend mo mukha mo..’ “Anong meron napatawag ka?” Aniya at tumingin sa harap ng sasakyan habang nagmamaneho. Sa totoo lang wala siya mood makipag-usap dito, for sure kung ano anong kaplastikan na naman ang sasabihin nito. “Bestfriend alam mo na ba ang balita tungkol kay Mr. Alliston?” Natigilan siya nang marinig ang pangalan na iyon. Tumingin siya saglit dito. “Hindi ba inutusan kita last time na kausapin siya?” Sambit niya, tagumpay na ngumiti ito sakanya. “Exactly!” Natutuwang sabi nito. “…free kaba ngayon? Baka gusto mong dumaan sa office para i-discuss ko saiyo ang contract niya for signing. Well Mr. Alliston want to discuss about his terms and condition.” Unti-unti siyang ngumisi at natutuwang ngumiti. “Kung ganyan ba naman ang good news mo palagi sakin natuwa pa ko.” Natutuwang sabi niya at bahagyang binilisan ang takbo ng sasakyan. “I know right! Alam ko naman ang weakness mo. We will wait for you and by the way medyo nawawala na ang red lipstick mo. Better to retouch yourself first. Goodbye!” Natutuwang napahampas siya sa manibela. Agh perfect! Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa office. It was located at Pasay. Bago siya bumaba ng sasakyan ay sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang daliri. She also fix her bangs, kinuha ang red lipstick sa bag at nagpahid. “Okay..” Natutuwang bumaba siya ng sasakyan at dumeretso sa entrance ng office nila. “Good morning po ma’am.” Bati sakanya ng guard. Ngumiti lang siya at nagtungo sa elevator. Napakagat labi siya habang iniisip ang mga bagay na gusto niyang idiscuss kay Mr. Alliston para lang makumbinsi ito na lumipat sakanya matapos ang contract nito sa ibang company. As Liselle per said, Alliston is in demand right now both market and internet. Kaya it is a big opportunity na makalipat ito sakanila. For sure magiging maganda income non sakanya. Pagdating sa loob ay naabutan niya ang dalawa na magkatabi. Kung ano man ang ginawa ni Liselle para mapapayag ito ay wala na siyang pakialam. She was literally waiting for this moment. Even though may kayang gumawa non sakanya ay ngunit gusto niya ay personally makausap ang dalawa. After ng discussion nila ay masaya ang dibdib na lumabas siya. ‘Pagkakataon nga naman..’ “Nevara..” Lumingon siya sa tumawag sakanya, nakita niya ang nakangising si Liselle na papalapit sakanya. “Nagawa ko na iyong gusto mo. So…” Nakangising sabi nito, tumaawas ang sulok ng labi niya at tumingin sa paligid bago muling bumaling dito. “Don’t worry hindi naman ako nakakalimot.” Ngumiti ito ng malawak. “Great! It is better to sacrifice your gem for a bigger fish. Isa pa napag-usapan na din namin ni Alliston na baka sa iyo ibigay ng big project natin sa Thailand. For sure magagamit din natin ang influence niya para makilala pa tayo.” Pilit na ngumiti siya, alam niya ang tinutukoy nito. ‘I am sorry Jewel but I need to do this. I have been waiting for this opportunity.’ “Actually iyon na nga ang gagawin ko ngayon, I will talk to the editors for the manuscripts. 80% over 20 right?” Sambit niya, kuminang ang mga mata nito. “Yes! I will send my final ending for the novel para mailabas na agad.” Tinitigan niya ito at naalala ang kaibigan. Ilang beses na kasi nito kinwento sakanya ang mga nilikha nito and how it is important to her. Binanggit nito na hindi lang likha sa isip ang sinusulat nito. Ilang beses na nitong napapanaginipan ang mga iyon. “Good, anyway sinabi ko naman sainyo during brainstorming na there will be 2 alternate of ending right? Sabay iyong ipa-publish sa website.” Paalala niya dito, natigilan naman ito at bahagyang tumikwas ang kilay. “I know, pero mahuhuli kay Jewel ‘diba? Everyone loves a tragic story and for sure ako na iyon ang tatak sa mga readers. And to Jewel wants an open ending for Christ sake na sobrang cliché. Think about it Nevara. kumpara naman kay Jewel mas ako ang matagal mong dapat ingatan sa company nyo.” Nakataas ang kilay na sambit nito. “…remember chief editor Nevara, maraming nag-aabang sakin.” Sarkastikong sambit sakanya at tinalikuran siya. Tumawa siya ng mahina at ngumisi. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang editor department. “Liselle will send her final ending for the novel. I will give you a signal for the date of publish. Iyong promotional ni Jewel paki-move ng next week.” Utos niya at kuyom ang kamao na tumalikod. Iniisip niya ang kaibigan ngunit kailangan niya munang itabi ang mga iyon. Tulalang nagmaneho siya pabalik ng condo, she cancel the meeting today. Kailangan niyang maka-isip ng ipapaliwanag sa kaibigan. Alam niyang magagalit ito, muli niyang naalala ang kwento nito tungkol sa nangyari dito 10 years ago. ‘Beshy alam ko na hindi mo paniniwalaan ang mga sinabi ko but I am telling you the truth! They are real, magic is real and their world is real. Look oh may sign ako na galling ako sakanila.’ Sambi nito at pinakita ang likod ng balikat. May peklat doon na hugis crescent moon. Napailing lang siya sa kaibigan at tumingin dito. “Beshy nahulog ka sa bangin at doon mo nakuha yang peklat na yan. Baka nagkaroon lang ng hugis.” “Eh paano mo ipapaliwanag sakin na isang buwan akong nawala?” “Gaga hindi ka nawala, na-comatose ka.” “Hindi e! Nakalimutan ko bawat details, namatay lang ako sakanila dahil doon sa—“ Pilit nitong inaalala ang nangyari. Napapailing na lang siya. “Side effect yan dahil sa nangyari sayo kaya kung ano ano ang naisip mo.” Sabi na lang niya. “Sa ngayon hindi ko pa alam yung details e, pero sooner promise! Isusulat ko sila, Malakas kasi yung pakiramdam ko na may bagay ako na hindi natuloy sa sakanila..” Bumuga siya ng malakas na hangin nang maalala ang sinabi ng kaibigan. Jewel is independent. Isa sa reason kaya nasa companya ang kaibigan ay dahil sa pinangako nito 10 years ago. Sinabi nito sakanya na malinaw niya ng naalala ang lahat tungkol sa lugar na iyon. Of course as her bestfriend ang tanging magagawa lamang niya ay paniwalaan na lang ang sinasabi nito. Bata pa lamang ay magkakilala na sila ng kaibigan, nang parehong mawala ang kanyang mga magulang ay inampon siya ng mga pamilya nito. Naging parang magkapatid ang turingan nilang dalawa dahil halos hindi na din sila maghiwalay. Isang taon lamang ang tanda niya kay Jewel ngunit parang ate ang turing nito sakanya. At the age of 17 ay umalis si Jewel papunta ng states dahil sa aksidente na nangyari dito. For Nevara, she must live by a simple rule---focus on what truly matters. And that’s what she did, she had spent almost her entire life in school. Nang gumradweyt siya ay agad niyang pinasok ang pagiging journalist sa maliit na broadcast studio. Doon ay nalaman niya na marami pa pala siyang kakayahan na makikita sa sarili. Naging screenwriter ng isang malaking TV channel, doon ay iba’t-ibang astista ang kanyang na kasama at iba pang personalidad. Everyone wants work with her. Sa binuo niyang pangalan ay utang na loob niya ang lahat ng iyon kina Jewel, kaya naisipan niyang suklian ang mga iyon para manungkulan sa publishing company ng family ni Jewel. Pagdating niya sa condo ay inihiga niya ang pagod na katawan sa kwarto. “Bahala na..” Bulong niya at umupo sa kama, inabot niya ang laptop na nasa side table at nagbasa ng mga email. Nakita niya ang manuscript na in-attach ng kaibigan. ‘Where Her Heart Returned..’ Kinagat niya ang ibabang labi at binuksan ang files. Binasa niya ang unang pahina. “Chapter One.. Kingdom Of Fairies.” “Ano ang iyong gagawin sa kagubatan?” Nakangangang tumingin siya sa lalaking nasa harap. Hindi niya napigilan ang sarili na tumingin dito from head to toe. He was tall—his presence was calm but powerful, like a statue made from moonlight itself. She also noticed that his skin is different from that of any normal person. His skin was as pale as porcelain, smooth and perfect, softly glowing under the dim light of the lanterns. Itim na itim ang kumikinang nitong buhok na bumagay sa structure ng mukha nito. The contrast was so vivid it seemed almost surreal, like he was a painting that had come to life. Bumaba naman ang tingin niya sa kausotan nito. He had on a robe that was a mix of gold and silver. Draped over his shoulders was a red velvet mantle, held in place by a brooch that looked like a crescent moon. A belt adorned with jewels wrapped around his waist, with crystals of different colors dangling gently, each giving off a soft, otherworldly light. Ang mga maliliit na liwanag nakapalibot sa katawan nito ay tila may sariling buhay. “Sagutin mo ako ng maayos, ano ang iyong ginagawa sa entrada ng kagubatan?” Muling tanong ng tinig na yon. Muli siyang tumingala dito. He spoke like a native, yet his words carried a precision and elegance that suggested he knew more than what was visible in this world. Hindi naman niya masasabi na sobrang lalim ng lengguwahe nito. “A-ano..” Utal niya. Nakita niya ang galit na bumahid sa mukha nito. Nakita niyang may kinuha ito mula sa likuran at tinutok sakanya. “Ah!’’ Napasigaw siya nang makitang ang maliit na hawak nitong kulay ginto ay naging espada. Tumutok iyon sa mukha niya at ilang hibla na lang ang distansya non sa mukha niya. “Inuubos mo ang aking panahon sa pagtitig lamang sa akin.” Tumalim ang tingin nito sakanya. “…mabuti pa ay tapusin ko na ang iyong buhay!” Napapikit siya ng mariin nang itinaas nito ang hawak. “Asteria!” Muli siyang napadilat ng marinig ang sigaw na yon. Kasunod non ay may tila may malamig na tumabi sakanya. “Ehh!” Gulat na tumingin siya sa katabing babae. Pinandilatan siya ng mga mata nito at yumukod. Halos dumampi pa ang noo nito sa lupa. “Paumanhin Lakan digma, masama ang pakiramdam ng aking tadiryaha. Ilang araw siyang nawalan ng malay at nang siya ay bumalik ay tila wala siya sa sarili. Palagay namin ay naubos ang kanyang enerhiya mula sa isang pagsusulit. ” Naguguluhang tumingin lang siya dito, nakita niyang nawala bigla ang galit sa mukha ng kaharap. “Hindi ba ilang beses na ipinaalala sa lahat na walang kahit na sino man ang maaring lumabas ng imperyo?” He speaks with an authoritative tone. Tinanggal nito mula sa harap niya ang hawak na espada at nilagay iyon sa likuran nito. Pinagsiklop pa nito ang dalawang kamay sa likuran nito. “This man is full of authority I swear.” Ismid niya. “Paumanhin Lakan digma, hindi na ito mauulit.” May takot na sabi ng katabi niya. Walang buhay ang mga mata na tinalikuran sila ng lalaking iyon. Sumabay sa bawat lakad nito ang mga maliliit na liwanag na nakapalibot dito. Napakurap na lang siya dahil sa sobrang hiwaga ng bawat lakad nito palayo sakanila. Pakiramdam niya at bumagal ang galaw ng paligid niya habang nakasunod ang tingin dito palayo. “Asteria!” “Nevara..” Napabaligwas siya ng bangon, kasabay non ay isang malamig na hangin ang naramdaman niya. Napahawak siya sa noo at tumingin sa bintana niya sa terrace na nakabukas pala. Napabuga siya ng hangin at binalingan ang laptop, nakita niya ang isa pang files na naka-attach sa email. “Special Chapter…” Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa binabasang first chapter novel mula sa kaibigan. Naiiling na bumaba siya ng kama at sinara ang bintana sa terrace. “Asteria?” Bulong niya at napailing na muling humiga. “Asteria? Bakit parang totoo yung panaginip ko.” Aniya at akmang pipikit nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tinatamad na kinapa niya ang cellphone at hindi tumitingin na sinagot ang tawag. “How can you do this to me?!” Natigilan siya ng marinig ang hikbing iyon mula sa kabilang linya. Tumingin siya sa cellphone. “Bessy..” Usal niya “Hindi ba nangako ka sakin?! Ang sabi mo ilalabas mo ang ending ko. Bakit first chapter to mid lang sakin at ang halos lahat ng story galing kay Liselle? Bessy nagtiwala ako sayo. Pumayag na ako sa alternate ending naming pero parang lumalabas na support lang ako?” Umiiyak na sabi nito. Napaupo siya sa kama. “Bessy kakausapin naman talaga tungkol----- “Balita ko din na pumirma na satin si Mr. Alliston. Itatapon mo na ba ako?” “No way! How can you say that?” Sambit niya, tumayo siya at kinuha ang jacket. “…we need to talk personally okay? Nasaan ka?” “Alam mo na sobrang halaga ng novel na to para sakin bessy. Hindi nila ako pinapatulog ng maayos hangga’t hindi ko sinusulat ang last page nila. Naging parte ako ng buhay nila at nangako ako sakanya hangga’t hindi yon napupunta sa babaeng mahal niya!” Natigilan siya sa sinabi nito. “Kaninong sakanya?” “I will ask you and please tell me the truth. Kaninong ending ang gagawin mo? Sa kaibigan mo o sa magiging kasikatan mo?” Napapikit siya ng mariin. “Jewel..” “Please Nevara..” Bumuga siya ng hangin at malamig ang tingin na dumilat. “I am sorry..” Usal niya. “…kailangan kong ipublish ang ending na galing kay Liselle.” Katahimikan ang narinig niya mula sa kabilang linya kasunod non ay mahihinang hikbi. Biglang naputol ang tawag. Kagat ang labing muli siyang napaupo sa kama at tulalang tumingin sa kawalan. Tumuon bigla ang atensyon niya sa nakasabit na necklace sa likod ng pinto niya. It was a ruby gem gift from her bestfriend. Napakurap siya at nangilid ang luha. “I am sorry..” Bulong niya, ilang minuto lang at biglang tumunog ang cellphone niya. Walang buhay na dinampot niya iyon. “Hello..’’ “Hello Nevara! Si Liselle dinala sa hospital! Inatake siya sa puso!” Umiiyak na sigaw ng nasa kabilang linya. Nanlalaki ang mata na tumayo siya, for christ! She was just talk to her! “Ano?! Saang hospital?!” Kumakabog ang dibdib na lumabas siya ng kwarto. “Sa General hospital siya dadalhin nila ma’am!” Pinatay niya ang tawag at nagmamadaling lumabas ng condo.Jewel has a heart condition, bata pa lamang ito ay dala na nito ang sakit na iyon. Kaya isa sa mga iniiwasan niya ay ang saktan ang damdamin nito. “s**t!” Hampas niya sa manibela habang nagmamaneho. Lalo siyang napamura ng biglang umulan ng malakas kasunod non ay ang kidlat. “Sumabay ka pa talaga?” Galit na usal niya habang nagmamaneho. She felt guilt and nervous. Alam niya siya ang dahilan kaya inatake ang kaibigan. Muli niyang tinapaka ang silinyador. Halos isagad na din niya ang metro para lamang makarating agad. “s**t! s**t!” Nanlaki ang mga mata niya nang biglang sumulpot sa kanan niya ang isang ten wheeler truck. Mabilis niyang kinabig ang manibela. “Ahh!” Sigaw niya, naramdaman niya ang malakas na impact ng pagtama ng sasakyan niya sa kotse. “No! No!” Sigaw niyang muli nang maramdaman na tila mahuhulog ang sinasakyan. Doon niya napansin na may bangin pala doon! Napakurap siya nang unti-unting mahulog ang kotse. “Jewel..” Banggit niya sa pangalan ng kaibigan. Naramdaman niya ang pagtama ng ulo sa harap ng sasakyan. Unti-unting dumilim ang paningin niya… “Sa kahit na anong paraan… hahanapin kita mahal..” Hindi niya alam kung saan galing ang boses na iyon, ngunit iyon ang huling narinig niya bago tuluyang dumilim ang paligid niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD