Kevin Zapanta's POV
I looked at the cover of the magazine for the nth time. D*mn, she looks so hot and beautiful. Ang layo na niya sa akin ngayon. Dati halos abot kamay ko lang siya. Kasalanan ko naman kasi talaga lahat. Sinaktan ko siya, napagod siya't tuluyan na akong iniwan.
Hindi niya siguro napapansin, pero palagi ko siyang sinusundan. I know where she is. Nandito lang naman kami sa Pilipinas kaya hindi imposibleng hindi ko siya sundan. At sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasan na maramdaman ang sakit. And f*ck it. Pag nakikita kong masaya na sya kasama ang iba, para akong pinipiga.
She looks very happy and contented with her life now.
It was my fault, anyway. Hindi ko siya nagawang pinahalagahan. Natauhan lang ako sa lahat nang magkita kami ni Bernice sampung buwan na ang nakakaraan.
Anniversary ngayon ng mga magulang ni Zeke. Siya ang pinsan ko na ngayon ay asawa na ni Bernice. Ayaw ko man pumunta, pero kailangan. Sigurado, magtatanong na naman ang mga magulang ko kung bakit hindi ko kasama si Alexandra. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Umupo na lang ako sa may kalayuan para hindi nila mapansin.
"Kevin.." natigilan ako sa pag iisip nang may biglang tumabi sa kinauupuan ko. Ang boses na matagal ko ng hindi naririnig. Si Bernice.
"H-hey.." utal na sabi ko.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin bago ulit siya magsalita.
"So, kamusta ka na?" tanong niya.
"I'm fine.." tipid na sagot ko. Dapat naiilang ako ngayon, kaso bakit parang normal lang ang nararamdaman ko habang katabi siya? Samantalang ang tagal kong hiniling na makita at makasama ko ulit siya. "You? kamusta na? kayo ni Zeke?"
"Well, I'm fine.. Kami ni Zeke? Okay din naman.. Malapit na kaming maging tatlo.." napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang tiyan niya.
"You're pregnant?" gulat na tanong ko.
"Yeah. Five weeks.."
"Congrats.." hindi ko alam kung paano ko nasabi ang salitang iyon ng walang bahid ng panunumbat at hinanakit. Parang mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko para sa kanya.
"Kayo ni Alexandra, may baby na ba?"
Napangiti lang ako ng mapait. Ayaw ko siyang sagutin. Naisip ko na naman kasi ang nawala naming anak. Isinisi ko sa kanya 'yun dahil hindi niya iningatan ang sarili niya. Pero napagtanto ko na dahilan ko lang ang lahat ng iyon para hindi mapunta ang sisi sa akin. Dahil ang totoo, kasalanan ko naman talaga. Tama si Alexandra. Hindi mangyayari 'yun kung inalagaan ko siya.
"Uhm, bakit nga pala hindi mo siya kasama?"
"I.. Tsk.. We had a fight."
"H-ha? Nag away kayo? Bakit?"
Napasandal ako sa kinauupuan ko. "Sinaktan ko siya. I pushed her away. Ang akala ko kasi.. a-ang akala ko babalik pa siya sa akin dahil paulit ulit niyang sinasabi na mahal nya ako.." parang nahihirapan na akong magsalita, pero itinuloy ko parin ang pagku-kwento. "Kaso nagkamali ako. Sinabi ko na lumayas n-na sya at h'wag ng bumalik.. T-tapos hindi na nga sya bumalik.."
Hinawakan Ni Bernice ang balikat ko. "You love her?" tanong niya na siyang nagpatigil sa akin. Hinarap ko siya at diretsong tiningnan sa mga mata.
Mahal ko nga ba talaga si Alexandra? Pero.. Ang babaeng kaharap ko ang mahal ko ngayon.
"I.. I love you.." sabi ko. Hindi ko alam, pero parang ang hirap sabihin ng salitang 'yun. Samantalang dati.. sanay naman akong sabihin ito sa kanya.
"No.." umiling siya. "Hindi ako ang mahal mo. Maybe, you're just forcing yourself to believe that you still love me.. But the truth is, si Alex ang mahal mo.. Hindi lang kasi tayo nagkaroon ng closure noon, kaya akala mo ako pa rin.."
Hindi ako nakapagsalita. Parang nanigas ako sa pwesto ko.
"You love her.. Noong magkaibigan palang kayo, alam kong may nararamdaman ka na sa kanya. Kaso binabalewala mo lang ito dahil ako ang girlfriend mo.."
Biglang bumalik lahat sa akin ang nakaraan namin ni Alexandra ng dahil sa sinabi ni Bernice. Lahat lahat.. Simula noog mga bata pa kami. Siya lagi ang nandyan para sa akin. Hindi niya ako sinukuan. Noong iniwan ako ni Bernice, nagtyaga siyang samahan ako gabi-gabi.
Noong ikinasal kami, ginawa niya lahat. Kaso binalewala ko siya. Ipinaramdam ko na wala siyang halaga sa akin... na isa lang syang babaeng ginagamit sa tuwing nag iinit ang katawan ko.
Masyado akong gago. Mahal ko na nga ba siya, noon pa lang? Hindi ko na alam!
Hanggang ngayon, pag naiisip ko ang pag uusap namin ni Bernice ay nalulungkot ako. Tama siya na mahal ko na si Alexandra noon palang. Hindi ko lang yun agad naiparamdam dahil gago ako.
Kanina, nang makita ko si Alexandra na masaya habang kasama ang photographer na 'yun, nakaramdam ako ng inggit. Masaya na siya ngayon. Hindi na siya umiiyak palagi. Dapat ako ang nagpapangiti sa kanya. Pero anong ginawa ko? Mas pinili ko pang saktan siya ng paulit-uluit.
Kung nagpakatotoo lang ako, baka sa akin pa rin siya ngayon. Pero.. wala na.. Masaya na siya. Ang tanging nag uugnay na lang sa 'min ngayon ay ang munting papel na nagsasabing asawa ko pa rin sya. At pag nawala din yun, tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.
Hinihiling ko na sana'y huwag niyang tanggalin ang apelyido ko sa pangalan niya. Pero hindi na niya ito ginagamit. Alex Imperial ang gamit niyang pangalan sa bawat magazine na nakikita ko. Ano nga ba ang aasahan ko? Na sa kabila ng lahat ng ginawa ko, gagamitin pa rin nita ang Zapanta?
Masakit para sa akin 'yun, ngunit wala rin akong karapatan na magreklamo. Tinuring ko nga ba siyang asawa noong mga panahong nagsasama kami? Hindi. Sa buong pagsasama namin, hindi ko naiparamdam sa kanya na asawa ko siya.
Humiga na lang ako sa kama naming dalawa. Isang taon na rin simula ng hindi ko na makatabi sa kamang ito..
I miss her scent, her touch, her kiss, and her presence...
I kissed the magazine and stared at her face. Ini-imagine ko na nandito siya ngayon..
My feeling may sound cliche, but I regret pushing her away. I just realized how much I love her now. I sobbed and let my tears escape from my eyes...