IYA Wow! Hindi ko mapigilan ang mapanganga ng makarating na kami sa aming destinasyon. Ito pala ang Magical City. Napakalaking amusement park! Wala pa yata sa kalingkingan nito ang mga peryahan na napuntahan na namin ni Trii! Ang gaganda at ang lalaki ng mga rides! Hindi ko malaman kung saan ko ba ipapaling ang paningin ko dahil sa daming rides na gusto kong sakyan! Halos lahat ng nakikita ko ay bago sa aking paningin. "Miss Iya. Mabuti pa kumain muna tayo bago sumakay sa mga rides." Hindi ko masagot si Gio dahil masyadong abala ang mga mata ko sa pagmamasid sa malaki at mataas na ferris wheel. Medyo madilim na ang paligid dahil five thirty na ng hapon. Nakasindi na ang mga Christmas lights na iba-iba ang kulay sa bawat passenger cabin. "Pero hindi pa ako nagugutom. Hindi ba pwede

