"I'm home!" Nagising ang diwa ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Nanggaling na ako sa banyo ngunit wala yatang nakapansin na bumaba ako. Imbis na ilantad ang sarili sa harapan nila ay nagsumiksik ako sa sulok para pakinggan sila. Nakita kong inihagis ni Damon ang car key sa isang katulong sa bahay. "Pakitago ho." "Opo, Sir Kairus." "Kaninong limousine 'yung nasa labas?" Nagtatakang tanong ni Mommy. Napukol agad sa kanya ang tingin ni Damon. Nakalimousine siya? Reyna at hari ba ang kasama niya sa boracay para pauwiin pa siya rito gamit ang magarang sasakyan? Anak ng teteng— pang hollywood pa? Aba sosyal! "Hindi ka artista—" "Pero mayaman ako," nakangising pagpipigil niya sa sinasabi nito. Agad na namilog ang mata ni Mommy at tila nanigas sa kaniyang kinatatayuan. Pinagkiskis n

