NAPAIRAP NA LANG si Yvony nang mapansin niya na panay titig sa kaniya si Dior. Nasa tabi niya ito habang ginagawa niya ang mga takdang-aralin nito. Sa ilang taon na nilang nagsasama, alam niya na matalinong tao ang amo niya. Sa lahat ng matatalino, ito lang iyong nakikita niyang tamad. Ang alam niya, pasok ito lagi sa dean’s lister. Kaya sigurado siya na nakakuha rin ito ng mga malalaking grado kahi wala ang tulong niya. Sa tatlong magkakaibigan, ang sigurado siyang matalino ay si Hiro. Kaya nga kahit may ugali ito, hindi niya pa rin mapigilan na magkagusto rito. “Miss beautiful, ang suplada mo naman,” natatawang sabi ni Dior. Hindi rin halata na nagpapapansin ito sa kaniya. “Alam mo bang seryoso ako rito? Mas mabuti pa sigurong doon ka na lang muna sa kama mo at tatawagin na lang kita

