"Congratulations Queensley. You look great as always," nakangiti na bati ni Dominic pagpasok ng dressing room. Finale ng fashion show at ako ang pinakahuling rarampa. So far the event is doing great and everything went smoothly as planned. How I wish nandito si Jack para makita niya ang lahat ng ito. Siguradong matutuwa siya dahil sa magagandang feedbacks na galing sa mga invited guests. "How I wish you were here," bulong ko ng maalala si Jack. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong balita kay Jack sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman sinasagot. Ang huling pag-uusap namin ay ng sabihin niya na may schedule na siya pero after noon ay hindi na ulit siya tumawag. Ayaw ko naman makibalita kay Mark dahil siguradong magkakainitan lang kami. Tinawagan ko si Tita Rose at kahit alam ko

