"Sir, these are the files you requested," sabi ni Felix saka inabot ang mga folder. Hinintay ko lang makaalis sina Papa bago ko umpisahan ang pag-iimbestiga sa mga unknown transaction. Binigyan naman ako ng permission ni Papa at sinabi niya na magpatulong ako kay Queensley. Ang hindi niya alam na mismong si Queensley ang pinaghihinalaan ko. I can't trust no one as of now dahil hindi ako sigurado sa loyalty ng mga tao sa paligid ko. Napansin ko kasi na close si Felix Kay Queensley kaya kahit siya ay hindi ko dapat pagkatiwalaan. Si Papa na rin naman ang may sabi na walang dapat makaalam sa gagawin ko at kung ano ang nangyayari sa company. "Thank you Felix. By the way, where is Queensley?" tanong ko. "Nasa rehearsal po siya ngayon Mr. Donovan para sa upcoming fashion week. Do you want me

