"Anong oras ka pala susunduin ni Mark mamaya?" tanong ni Joshua at bigla akong napaubo. Inabutan ako ni Danica ng baso ng tubig at agad ko ininom. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal ng umagang 'yon at maya-maya lang ay pupunta kami sa salon. "Bakit kailangan naman niya akong sunduin?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. Kumunot ang noo ko ng makita kong nagkatinginan ang dalawa saka tumingin sa akin. Nagtataka ako bakit biglang nabanggit ang pangalan ni Mark. "Hay naku hindi mo ba naisip Queen natural nandoon si Aiza at Dominic," sagot ni Joshua at lalo ako naguluhan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglaang paglungkot ng mga mata ni Danica ng mabanggit ang pangalan ni Dominic. Ramdam ko ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya noong gabing nag-dinner kami kasama si Aiza at Dominic

