Narinig ko na ang boses ng pilot, pinapaalam na any moment ay lalapag na ang eroplano. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang nakatingin sa labas ng bintana dahil ngayon lang ulit ako nakauwi. It's been more than ten years mula ng umalis ako para mag-aral abroad. Mula ng umalis ako hindi na ako bumalik kahit pa nga may project kami dito sa Pilipinas. "Get this over and done." Paalala ko sa sarili ko. Ilang sandali lang ay nararamdaman na namin ang paglapag ng eroplano sa paliparan. Nagsimula ng mag-ayos ang mga ibang pasahero. Alam ni Auntie Rose na ngayon ang dating ko at siguradong sinabi na rin niya kay Papa. Ang sabi ni Auntie Rose magiging busy siya sa araw na ito kaya driver na lang ang susundo sa akin. Wala naman kaso sa akin ang mahalaga ay makita ko na si Papa. Kinuha ko na

