Nagising si Emerald kinabukasan mula sa narinig na maliliit na boses sa loob ng kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Gold. Ikinusot niya pa ang mga mata at inilibot ang paningin sa paligid. Maya maya ay unti unting lumiwanag ang kanyang paningin at unti unting naaninag ang isang batang babae na papalapit sa kanya. She was so surprised nang makita ang anak na nandoon sa loob ng kuwarto. Marahan itong sumampa sa kanyang hinihigaan pagkatapos ilapag ang daladala nitong napakalaking bugkos ng mga bulaklak. Tila nagkandahirap pa itong umakyat sa kama kung kaya bumangon na siya at natatawang tinulungan ang bata. “Good morning mommy!” saad ulit ng bata pang-ilang beses na nang simula siya nitong gisingin may ilang minuto na rin ang nakakalipas. “Good morning, love,” nangingiti din niyang bati d

