“Bakit kailangan pa po nating magkita Mr. Hanashi, pwede naman po nating pag-usapan ito over the phone,” ito ang bungad niya sa kaibigang businessman noong hapon na iyon pagkatapos na pagkatapos ng kanyang trabaho sa opisina. Tinawagan siya ng may kaedarang lalaki upang pag-usapan ang balak nitong plano para i-pursue ang paghihiganti nila kay Gold. “We need to talk in person. May ipapakilala rin ako sa iyong tauhan ko na makakasama mo sa pag-uusapan nating plano. And you know, I also wanted to see you. Bigla ka na lang nawala noong nakaraan. Bakit ka biglang umuwi ng hindi nagsasabi?” saad ng lalaking iyon habang hithit ang sigarilyo na nakaipit sa daliri nito. Nasa loob sila ng limousine ni Mr. Hanashi. Ang sasakyang ginamit nila noong nakaraan nang pumunta sa party. Magkaharap silang

