Ilang hakbang lang paglabas niya ng dressing room noong gabing iyon nang makitang nakaabang na sa kanya si Gold Salazar kalakip ang matamis na ngiti sa mukha nito. Dala nito sa kanang kamay ang isang malaking bouquet ng puting bulaklak at sa kaliwa at may dala pang isang may kalakihang paper bag na medyo nawindang siya ng makita ang mamahaling brand ng bag mula doon. Katatapos lang ng kanyang performance at sa muling bidding na ginawa ng mga kalalakihan para sa pagkakataong maka-table si Malaya ay si Gold ulit ang nanalo. Mukhang willing gumastos ng paulit-ulit ng malaking pera ang binata masolo lang talaga siya. Kinuha niya ang bulaklak na ibinibigigay nito pagkalapit niya mismo sa harapan ng lalaki. Wala na siyang choice ngayong gabi kung hindi pumayag na maka-table ito. Nakarating k

