“Ate!” tawag ng kapatid niya sa kabilang linya noong hapon habang nasa opisina siya. Balisa ito at tila mangiyak ngiyak. “What?” bulalas na sagot niya dito na tila kinabahan na rin sa tono ng pananalita nito. Mababanaag ang takot sa boses ng kapatid. “Si Amber po, bigla na lang nawala!” Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang office chair. “Ha? Paanong bigla na lang nawala? Nasaan ba kayo?” naitaas niya ang boses sa pagtatanong na iyon. “Nandito kami sa park. Naglalaro lang siya eh. Nalingat lang ako, hindi ko na mahanap.” “Ano ka ba naman! Sabi ko ‘di ba huwag muna kayong lalabas ng bahay!” galit niya nang sabi dito. “Sorry ate, pero kasi nagpupumilit po siya eh. Gusto niya daw maglaro sa playground.” Agad niyang niligpit ang mga gamit sa opisina at agad na umalis. Habang nagd

