Mula sa malaking salamin ay tinitigan niya ang sarili. Katatapos lang ng kaniyang performance ngayong gabi at pagkatapos niyang magpalit ng costume ay ni-retouch din ang make-up na bahagyang nabura mula sa suot na maskara. Mula sa ilang linggong pag-uumpisang sumayaw sa club na ito ay na-develop pa ang self confidence niya. Hindi niya rin akalain na magtatagal siya sa pagsasayaw doon lalo na ngayon na maayos na ang kalagayan ng paa ni Grace, ang isa pang star of the night ng club na matatandaang natapilok sa gitna ng performance nito sa taas ng entablado. Nagkasundo sila na si Grace ang magpe-perform tuwing Biyernes ng gabi at siya tuwing Saturday night, that way may partisyon ang mga sumusuporta sa kanya at sa babae na marami-rami na rin dahil sa hindi rin namang matatawarang performanc

