Chapter 05

2155 Words
Hindi alintana ang mainit na sinag ng araw dahil sa banayad na haplos ng hangin. Napatitig ako sa kabilang barko na siya kong pinanggalingan dahil nagsimula na itong maglayag papalayo. Ito namang sinasakyan ko ay steady lang at mukhang naka-angkla pa. I wonder kung saan na kami didiretso ngayong narito na ako sa kamay nila— partikular na sa kapitan nilang ramdam kong papalapit na sa akin. Paulit-ulit akong lumunok, yumuko, at pumikit. Saka ako sumamo ng taimtim na dalangin lalo’t dama ko na ang tensyon na maihahatid ng kanilang kapitan. He’s so tall, serious, and dominant. Halatang mataas ang posisyon niya base sa tindig at paraan kung paano siya manalita. Ano kaya ang gagawin niya? Paano kaya siya makikipag-interact sa akin? Ano ang mga pag-uusapan namin? Paano niya ako tatratuhin? Sa ilang sandali pa ay naramdaman ko na siyang nakatayo sa likod ko. Mas lalo kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng panginginig ng aking labi. Kahit nakapuwesto pa lang siya sa likod ko, humahalimuyak na ang tila mamahalin nitong pabango. `Di hamak na malayo mula sa amoy ng mga piratang humuli sa akin. Suddenly, I heard a sound of a sharp knife. Tunog iyon na parang hinugot sa lalagyan kaya impit akong tumili. Hinintay kong dumapo iyon sa akin hanggang sa maramdaman kong may humawak sa kamay ko at lumuwag ang pagkakatali ng mga palapulsuhan ko. In just a snap, malaya ko nang maigagalaw ang mga kamay ko kaya unti-unti na akong dumilat. Ilang segundo pa muna ang hinintay ko upang salubungin ang inaasahan kong pagsaksak sa akin ng patalim. But then, wala akong natanggap. Para bang inalis lang ng kung sino sa aking likod ang pagkakatali at wala ng ibang ginawa. Akma ko na sana akong lilingon upang tingnan kung sino ba talaga iyon pero `di ko na natuloy dahil siya na mismo ang marahang naglakad patungo sa bakanteng upuang nasa tapat ko. Pinigilan ko ang pamumuo ng gulat sa aking ekspresyon nang matanto na itong kapitan nga ang nag-alis sa pagkakatali ko. Tumingala ako sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang ginagawa. Hawak-hawak niya ang kutsilyo na kagagamit lang niya saka ibinalik sa lalagyan na nakakabit lang sa naka-unbotton niyang dark vest. He then pulled his sleeves more, the reason why I saw how his veins triggered like a mad line. He sat in front of me with cold eyes and a dark expression. He has a set of high-arched brows, pointed nose, brown eyes, fine lips, and hazel hair. He has a comb-over hairstyle. Halatang kaaayos pa lang niya at napakadisente ng porma. Hindi nakapagtataka. He’s really the captain of those pirates. Mataas nga talaga ang posisyon niya at karespe-respeto. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. This moment is so crucial not only for me, but also for the sake of my family. “Eat,” matigas niyang utos. Kahit na isang salita lang iyon, damang dama ko na kaagad kung gaano kalalim ang kaniyang awtoridad. Kaysa matameme, nataranta ako at mabilis na kumilos. Kumalansing pa ang kutsara at tinidor nang maipatong ko sa plato pero bahala na. Gutom ako. Inunahan ko siyang magsandok kanina. Isang malaking piraso ng isda ang kinuha ko at hindi na gumamit pa ng kubyertos upang magsalok ng sabaw nito. Talagang binuhos ko ang sabaw sa kanin ko. Nagtira naman ako kahit papaano para sa kapitan na ito. Nang settled na ang pagkain ko ay saka na ako nagsimulang kumain. Naroon pa rin ang ingat at bahagyang bagal dahil kahit paano’y kapitan itong kaharap ko. Pero ganoon nga yata talaga kapag gutom na gutom na. Walang ibang choice kundi punan ang kagabi pang gutom na sikmura. Nang sulyapan ko ang kapitan habang ngumunguya, nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Para bang pinag-aaralan lang niya ang galaw ko at walang balak na kumain. God. Anong mayroon? Na-i-intimidate ba siya o hindi sanay sa nakikitang katakawan ko? Inubos ko muna ang laman ng bibig ko saka nagsalin ng tubig. Tuloy-tuloy ko iyong nilagok at nang maubos ay saka nagsalita. “Hindi ka po kakain? Marami pa pong nakahain oh…” Sabay turo ko sa mga pagkaing nasa harap namin. Sa halip na sagutin niya iyon ay pinanatili lang niya ang tuon ng mga mata sa akin. Teka, baka hindi niya naintindihan ang sinabi ko? Or worse, baka hindi siya nakakaintindi ng Tagalog? Kanina, narinig ko siyang nagsasalita ng English kaya siguro, mas maiintindihan niya ako kapag iyon ang gagamitin ko. “There are a lot of foods remained just for you, c-captain. Eat na po.” Nagsalubong ang kaniyang kilay. He craned his neck a bit then answered in a deep voice. “I’m full already.” “Why? You still haven’t—” “I said, I’m full. Just finish your food so that we can talk.” Natahimik ako at saglit na napatulala. Ang lamig-lamig niya magsalita. Halatang seryoso sa buhay at mukhang hindi sanay sa kasiyahan. I wonder how he spends his days. Buong araw kaya ay pagiging kapitan ang kaniyang iniisip? Sa paanong paraan kaya siya nakakapag-unwind? Kaysa tagalan pa ang pagkakatuon ng tingin ko sa kaniya ay iniyuko ko na muli sa pagkain ang aking pansin. Tahimik kong ipinagpatuloy ang aking pagkain nang dumadagundong ang kaba sa dibdib ko. He said we’ll talk after I finished my food. Tungkol saan kaya? He seemed patient. Halos sampung minuto rin kasi ang ginugol ko bago mabusog. Sa puntong ito, pagkatapos na pagkatapos kong uminom ng tubig sa pangalawang pagkakataon, hindi ko napigilan ang malakas na dighay ko. Kaagad akong napatakip sa bibig ko at mabilis na humingi ng tawad. But he remained still… and silent. He stares at me as if tracing each and every detail of my face. Compared to him, malayong malayo ang ayos ng mukha ko upang masabi na mukha rin akong disente. Hindi pa man kasi ako tumitingin sa salamin, damang dama ko na kung gaano ako karungis at kadugyot. He raised his arm. Tatanungin ko pa lang sana kung anong ibig sabihin nito ngunit `di ko na itinuloy nang lumapit ang bigotilyong pirata sa kaniya. “Qué pasa, capitán?” (What is it, captain?) “Prepara su vestido y todo lo que necesita. Solo la orientaré.” (Prepare her dress and everything she needs. I'll just orient her.) Tumango ang bigotilyo saka umalis. Nang kaming dalawa na lang ulit ang natitira rito, saka niya itinuon sa akin ang pansin. Sumimsim muna siya ng tubig bago magsalita. Seryoso ang mga mata sa bawat galaw ng labi. “Are you aware of your thing already?” he asked. “N-no.” “You’ll be my servant, my personal assistant.” Napahinga ako nang maluwag. I mean, una kasing pumasok sa isip ko na baka gawin niya akong s*x slave o babaeng bayaran, o kung ano pang tawag doon. But knowing na gagawin pala niya akong katulong o utusan, mas mainam na ito… at least hindi nakasisira ng dignidad. “For how long?” I inquired. His brow raised and forehead creased. “As long as I want to.” Umiling ako. “But my family needs me—” “Then? Is it my fault? Natigalgal ako at maluha-luhang napatitig sa kaniya. Gusto ko pa sana siyang sagutin at sabihan ng kung ano-ano pero nang maalala ang mga paalala sa akin bago ako makasampa rito, napapuyos na lamang ako ng kamao ko. Bakit ganoon? Bakit ang unfair ng mundong ito? When he stood and left me alone, doon na nagsimulang dumaloy ang luha ko. Abot-impyerno ang kirot na itinarak sa puso ko. Hindi ako makapaniwala. Paano kung habang buhay akong alipin dito? Paano ko na matutupad ang mga pangarap na ipinangako ko sa mga mahal ko sa buhay? I dreamed to finish a degree in Business Management dahil batid kong mas mapapadali ang pag-asenso ko kung may expertise ako sa pagnenegosyo. Kaga-graduate ko pa lang ng high school noong March. Sa darating na pasukan ay unang taon ko na sana sa kolehiyo pero mauunsyami nang dahil sa trahedyang ito. Paano na? Paano na ako makakausad gayong magpapa-alipin lang pala ako rito? The wind blew my hair, dahilan kung bakit napahawi ako. Pupunasan ko na sana ang mga luha ko ngunit may lumapit sa akin at naglahad ng panyo. Marahan akong napaangat ng tingin upang malaman kung sino iyon. Pilit akong ngumiti dahil siya iyong piratang napakabait. Pagkakuha ko sa panyo ay saka ko pinunasan ang mga luha ko. He sat in front of me then watched me wiped my tears. Kaagad ko siyang sinuway nang maalala ang sinabi ng kuya niya kanina. Mabilis kong ibinalik ang panyo niya at pinilit siyang umalis. “Mapapahamak ka sa ginagawa mo. `Di ba’t bawal kayong makipag-usap sa kagaya ko?” Umiling siya. “Captain won’t see us. He went inside his room already.” “Pero hindi pa rin secured. Mawawalan ka ng trabaho—” “Don’t worry about me. Umiyak ka lang at magkwento, makikinig ako.” Pagkarinig na pagkarinig nito sa kaniya, nanggilid ang panibagong luha sa mga mata ko. God! He’s a f*****g pirate. He’s a pirate and he should act like he doesn’t care! Pero bakit ganito? Siya ang patunay na hindi lahat ng pirata ay masama. Na kahit masasama ang mga taong nakapaligid sa kaniya, nagagawa pa rin niyang maging mabuti. Hindi ako nag-atubiling kunin ang panyo na muli niyang ibinigay sa akin. Tinakpan ko ang mga mata ko at nagsimulang humagulhol nang mahina. Ang hirap pigilin ng emosyong ito. Sobra. Isipin ko pa lang kung gaano kahaba ang mga panahong ilalaan ko rito ay nakakapanghinayang na sa mga araw na ilalagi ng pamilya ko sa mundong ito. All I want is for them to experience my pay back. Pero kailan pa? Kailan pa kung matagal pa bago ako palalayain? Sinabi ko sa mabait na piratang ito ang mga problema ko, kung anong concern ko, at kung bakit hindi ko mapigilang maging emosyonal. The moment I looked into his eyes, I saw his sinserity. His emphatic expression is so pure that he really understands how I feel and mourn in this situation. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Naroon pa rin ang bigat pero `di na ito gaya kanina na sobrang bigat. Feel ko nagkaroon ako ng kaibigan kahit maikli pa lang ang inilalagi ko rito. He got my trust for making me feel so valid. “P-pasensya na. Nagkasipon pa tuloy itong panyo mo…” sumisinghot-singhot kong wika na siyang ipinagtaka niya. “Sipon? What’s that?” Oo nga pala, nagsasanay pa nga pala siya magtagalog. “Sipon. Ito.” Sabay turo ko sa butas ng ilong ko at ipinakita ang naipahid ko sa panyo. Bigla siyang tumawa nang mahina kaya natawa rin ako. “Idadagdag ko `yan sa vocab ko. Thanks for letting me know.” “Thank you rin sa pakikinig, sa pagiging mabait sa akin, at sa pagiging iba doon sa mga salbaheng pirata. Sana hindi ka maging gaya nila.” “Sana nga…” Ipinatong ko ang panyo sa mesa saka pinalis ang talikwas ng buhok patungo sa likod ng aking tenga. At mula sa saglit na pagkakayuko, ibinalik ko ang diretsong pagkakatuon ng mga mata ko sa kaniya. “Anong pangalan mo?” tanong ko. “Yaelo Samaniego. Ikaw?” “Saiah Cruz.” “Ang ganda ng pangalan mo. How could I call you?” “Pwede namang Saiah na lang. Wala naman akong nickname. Ikaw baka may nickname ka?” He rubbed the nape of his neck. “Nahihiya akong sabihin.” “Bakit, ano `yon?” “Sometimes, they just call me Yelo. It sounds so… childish.” “H-huh? Ang cute kaya.” Ngumiwi siya. “Pero kung `di ka kumportable, eh `di sige, Yaelo na lang ang itatawag ko sa’yo.” Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya nang may tingnan siya sa aking likod. Narinig ko ang footsteps ng kung sino mang naglalakad kaya bumulong na ako kay Yaelo na tumayo na at umalis hangga’t may pagkakataon pa. God. Sana kuya niya! “At talagang nag-uusap pa rin kayo?” boses iyon ng bigotilyo niyang kuya kaya may bahagyang ginhawanag lumatay sa aking sistema. “No seas testarudo, Yaelo! Te estoy advirtiendo!” (Don't be hard-headed, Yaelo! I'm warning you!) Walang sabi-sabing tumayo si Yaelo saka umalis nang tahimik. Saka naman lumapit ang isa na sukdulan kung magdikit ang mga kilay. Galit na galit siya at nanggigil sa nakita. “Ito na sana ang huling pagkakataon na makita ko kayong nag-uusap. Sa susunod na mahuli ko pa kayo, ibabalik kita sa mga piratang nagdala sa`yo rito.” Nagimbal ako nang marinig iyon. Sa takot ay nanginig pati mga daliri ko. Si Yaelo na nga lang ang kausap ko rito at nakapagpapagaan ng aking loob. Para ko na ngang kaibigan kahit paano. Pero kaysa mapahamak siya at maibalik ako sa mga salbaheng naghatid sa akin dito, wala akong magagawa kundi ang umiwas at lumayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD