It all dawned at me the moment he breathed on the top of my head. Napagtanto ko na sinadya talagang sirain ni Rael ang translation ng naging usapan nila ni Pacquito sa quarterdeck dahil sa pagiging threatened nito. Hindi ko naman masisisi dahil kung ibang mata nga ang nakakakita, mapapansin talaga kung gaano ako kakumportable kay Pacquito. Dagdagan pa ng fact na marunong itong mag-tagalog. Tiyak na kami-kami lang ang nakauunawa nito maliban kay Yaelo. So kung si Rael nga talaga ang sumira sa translation upang magalit ako, hindi uubra iyon. Sa halip, mas na-attract pa akong makipag-usap doon at magsabi ng kung ano-ano. Nakaka-turn off at some point dahil nagiging masama siya sa pagiging seloso. Alipin na nga si Pacquito tapos sinisiraan pa niya. Tingin niya ikakatuwa ko iyon? Sigurado ako

