Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makalikha ng ano mang ingay. Sa sobrang bigat ng loob ko, impit na lang akong humikbi habang kaharap si Yaelo na ngayo’y pawisan at puro dugo na ang mga kamay. “P-pasensya n-na… S-sam…” nanginginig na winika ni Yaelo. Napabitaw na lamang siya sa kutsilyo nang matantong hindi na humihinga si Samira. Lalong lumakas ang bagsak ng mga luha ko dahil hindi ko naman naisip na darating kami sa ganitong punto. Na sa halip gemstone lang ang aming kukunin, pati pala buhay ng isang inosenteng babae ay madadamay. Ilang minutong yumuko si Yaelo habang tinititigan ang yumao sa kaniyang paanan. Nang bumaling siya sa’kin, doon na ako mas pinagsidlan ng takot. Bigla akong kinabahan na baka ako ang susunod niyang papatayin. Kaagad akong nagmakaawa upang `di niya ito

