Am I not allowed to talk to him anymore? Iyon ba ang ibig niyang sabihin?
Wala ako sa sarili nang bumalik sa aking cabin. He’s not my mentor anymore. Hindi na rin ako magiging alipin. Bigla ring pumasok sa isip ko na kung totoo mang reyna nga ang magiging trato sa akin dito sa pirate ship, lilipat na rin ako ng silid.
Inayos ko ang mga nakakalat na damit, mula sa mga beauty products at ilang mga feminine things. Iyong mga damit ay kailangan pang labhan dahil `di kaaya-aya ang bango para sakin. Would Captain Rael allow me do the laundry o uutusan niyang si Pacquito ang gumawa nito?
Kung hindi na nga talaga ako bihag, ano pang magiging ganap ko rito? Bakit biglaan ang lahat?
Sumilip ako sa bintana pagkatapos kong magligpit ng aking mga gamit. As usual, wala akong ibang nakita kundi imahe lang ng kawalan— ng walang katapusang langit at asul na karagatan. Sobrang ganda pa ng panahon na halos wala ng makikitang ulap. Pero dahil mabilis ang ihip ng hangin, naging factor iyon upang bumilis din ang takbo nitong barko.
Huminga ako nang malalim at napag-isip-isip kung paano ko ba magagampanan ang mga nangyayari sa akin. Kitang kita naman ang nangyayari lalo’t halata kung paano nagbago ang lahat sa aking paggising. They’re bowing, tipong karespe-respeto na ako at tila bawal hawakan. Now, if I am a queen of the ship and I am a Filipino, parang… parang ang hirap no’n sa parte nila na mag-adjust. Lalong lalo na kay Pacquito na kung manalita sa akin ay parang alipin talaga ako.
But I would miss him, truly. I would miss the way he talks to me, the way he rolls his eyes when he’s pissed off, and the way he teaches me even I’m so clever. Mahahalata rin naman na wala na siyang balak na makipag-ugnayan sa akin. Batid kong pinipilit niya at… magiging mahirap iyon.
So kung ganoon na nga ang mangyayari, does it mean na sa kapitan na lang ako palagi? I don’t know much about this at literal pa akong walang alam sa nangyayari. Hindi ko rin alam kung ito ba ang mas gugustuhin kong mangyari kaysa maging isang katulong pero… bakit para yatang mas gusto ko iyong dati?
Lumabas ako ng aking cabin at bumalik muli ng kusina. Sumalubong kaagad ang mabangong aroma ng chilaquiles dahil nakahain na iyon sa tray at sa hapag-kainan.
Sinara ko ang pinto at humalukipkip. Sumimangot ako at tinawag si Pacquito na ngayo’y `di na nagluluto. Naglilinis na siya ngayon ng mga kalat sa pantry at sa hilera ng sink.
“Hindi ko maintindihan. Ano bang mga pinagbabawal sa inyo?”
He hissed while not looking at me. Patuloy lang siya sa ginagawa niya.
“It’s obvious, my lady,” tugon niya na ikinataas ng isa kong kilay.
“My lady?”
“That’s how we call our pirate queen.” He then faced me with cold piercing eyes. Bumitaw siya sa basang basahan nang prominente ang iritasyon.
“Kalokohan—”
“Parang gulat na gulat ka. Hindi mo ba alam na ganito ang umagang sasalubong sa’yo?”
“He did not even tell me about this. Basta nakatulog na lang ako kagabi nang katabi siya at nagising nang ganito na ang nangyayari.”
Umigting ang kaniyang panga sa sagot kong iyon. s**t.
“Hindi mo ginamit ang huling sleeping pill?” usisa niya.
“Paano ko gagamitin kung wala naman siyang intensyon? Hindi kami nagtalik, Pacquito. He just hugged me last night until we both slept.”
Umiwas siya ng tingin at naglakad patungo sa direksyon ng isang barrel. Walang sabi-sabi niya iyong binuksan para kumuha ng isang bote ng alak. Saka niya iyon ipinatong sa mesa katabi ng tray na naglalaman ng chilaquiles.
Suminghal ako. “Galit ka ba?”
“Don’t talk to me.”
“I would—”
“No, you wouldn't,” pagputol niya sabay buhat sa tray. “I’m not allowed to talk to a queen. I’m just a slave, `di mo ba nakikita?”
Wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kundi inis. Dala ang tray, lumabas na siya ng kusina upang tumungo sa main deck. Napasapo na lamang ako sa aking noo at padabog na lumabas upang sumunod sa kaniya.
“Pacquito,” tawag ko nang maabutan ko ang likuran niya. Bukas na bukas ang mga gasera rito sa bulwagan para sa liwanag at maririnig sa gitna ng katahimikan ang mga boses ng Mexicanong pirata sa labas.
Hindi siya sumagot kaya humarang na ako. Napatigil siya sa paglalakad nang nanlalamig pa rin ang mga mata sa akin.
“What’s wrong?”
“This,” he replied. “This is wrong. Alam mo naman sigurong mawawalan ako ng trabaho sa ginagawa mo `di ba?”
“Kung reyna ako ng barkong ito at masusunod ang gusto ko, gagawin ko ang gusto ko—”
“Mangyayari lang ang gusto mo kung kasal na kayo,” pagputol niya. “You’re just his girlfriend kaya ka ginagalang.”
“Pacquito…”
“Just… just stop talking to me. Please,” he pleaded. Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim. “Just leave me alone. Just let me leave.”
**
As the ship is sailing back to Palawan, the pirates are now eating their breakfast. Settled na ang pag-a-adjust nila sa tatlong matataas na mast ng barkong ito. Hinihintay na lang na humina ang hagibis ng hangin bago ulit mag-adjust ng panibago.
I am now standing at the helm area. Dito sa mismong gilid ng steering wheel sa taas ng quarterdeck kung saan kaming dalawa lang ni Kapitan Rael ang narito. He’s silently maneuvering the wheel while here I am, speechless. Nakatitig lang ako sa ritmo at patterns na nililikha ng dagat dahil nasa pusod na kami ngayon ng karagatan.
Hinawi ko ang buhok ko at lumingon kay Rael. Nakasimangot siya habang nakahawak sa minamandong helm.
“You called me on my name,” he said with cold expression. Hindi rin siya nakatingin sa akin, sa halip ay diretso lang at nananatili sa kawalan. “Did you know how it made me feel?”
Hindi ako sumagot ngunit naalala ko kung ano ang kaniyang tinutukoy. Nang tawagin kasi niya akong 'my love' kanina, pangalan niya ang nabanggit ko bilang pagbati sa kaniya pagbalik. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nagtaka ang mga katabi niyang pirata kanina.
“I’m sorry…”
“I won’t forgive you,” he answered. “Unless you call me one... and kiss me.”
What the f**k? Bakit ang harot nito?
Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pagsisihan lahat ng mga ginawa ko kagabi para lang maging pleasing sa kaniya. I mean, I was nice. Kasalanan ko rin dahil nagpakita ako ng motibo. I made him feel like I’m his one and everything went romantic. Somehow, kahit na taliwas sa sinisigaw ng loob ko, I could really commend how he respected my decision to wait until I insisted. Pero `di pa rin nito mabubura ang katotohanan at nakaraan. If he was a murderer, he’s still a criminal for being a pirate captain.
Napalunok ako at humakbang nang marahan. Dahan-dahan hanggang marating ko na ang gilid niya at maamoy ang mabango niyang presensya. Hindi ko kailanman ginusto na pilitin ang sarili ko sa ganitong bagay. But maybe because of survival and just for the lives of my dreams, kinakailangan kong sumunod.
I slowly closed my eyes and tiptoed to reach his lips. Naramdaman kong humarap siya sa akin at bumitaw sa steering wheel, sabay higit sa akin at siil ng marahang halik.
He’s so tall that he needed to bow just to claim my lips. Gumapang ang kaniyang palad sa aking batok habang iyong isa ay nasa likod. Para naman akong tuod na `di malaman ang gagawin. I am just responding to his kisses but my whole body is not moving.
“I’m s-sorry, my love…” I whispered when we parted from that swift kiss. The moment I opened my eyes, I saw his angelic smile. His eyes were mesmerizing like a wandering ocean. Parang `di siya makapaniwala sa narinig, parang nanananigip.
Ganito ba talaga siya kapatay sa akin? Hindi na nakapagtataka kung bakit napansin na ito ni Pacquito kahit noong una pa lang.
“Forgiven,” he answered huskily. Nilandas niya ang kaniyang mga daliri sa aking pisngi sabay dikit ng kaniyang ilong sa akin. “I love you so much… I really do.”
Lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang biglang namutawi ang malakas palakpakan mula sa main deck. Kapwa kami napaharap doon at napayuko hanggang sa nakitang nakaangat silang lahat ng tingin sa amin. Everyone is smiling until I saw Pacquito sitting beside his brother. Mukha namang masaya si Yaelo pero bakit ibang iba kung makatingin ang isa? Iritado pa rin at parang ayaw na ako makita kahit kailan.
Bakit galit siya kung masaya ang ibang mga pirata para sa amin? Ano ang issue?
Rael told me to prepare my things. At ang sumunod niyang sinabi ang nagdulot ng pag-aalala sa akin.
“I talked to Pacquito already. He’s the one who’ll be going to help move your things in my room, okay?”
Tumango ako kahit na hindi sang-ayon. Nakakatakot naman kasing mahuli. Baka isipin niya may namamagitan pa sa amin ng dalawang iyon kahit ang totoo’y nagkakalabuan lang naman.
“Have you eaten your breakfast?”
I shook my head. “I haven’t.”
“Just wait me finish here. I’ll eat with you.” Pagsabi nito ay tinawag niya si Pacquito sa main deck upang utusang maghain ng makakain para sa amin. I did nothing but watch him follow like a child. His stoic eyes remained when his gaze met mine.
“Where will we eat?” tanong ko.
“In my cabin.”
“Would you mind if I help Pacquito?”
“No,” he replied. “You’re not a maid anymore.”
“But I want to.”
He sought for a deep air. Taliwas man sa kaniya ay wala rin siyang nagawa.
Nang payagan niya ako ay dali-dali akong bumaba at sumunod sa lower deck. May isa pang pirata akong nakasalubong sa bulwagan ngunit `di ko na pinansin kahit pa yumuko ito at bumati. I need to talk to Pacquito right now and ask for forgiveness. Hindi ko siya matitiis.
“Pacquito?” tawag ko sa pangalan niya nang marating ko ang kusina. Wala itong katao-tao kaya napagdesisyunan ko agad lumabas at lumiko patungo sa kaniyang kwarto. I was expecting him there ngunit wala rin siya roon nang buksan ko ang pinto. Sigurado ay nasa banyo kaya maghihintay na lang ako rito.
Umupo ako sa kaniyang kama. Hindi pa rin nagbago ang posisyon ng mga gamit dito dahil tulad ng nakita ko kahapon, magulo pa rin ito at wala sa ayos. Naroon pa rin ang box ng condom na hindi pa nabubuksan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko ngunit namalayan ko na lang ang sarili na inaabot ito.
Condoms… isang box pa at mukhang maraming pagagamitan. Ibig sabihin, hindi lang siya isang beses m************k sa mga prostitute. Marami.
Habang nakaupo rito sa dulo ng kama at hawak ang box na ito, may kung anong kumirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan iyon pero may isang bagay akong nauunawaan. Ayaw kong gawin niya iyon. Ayaw kong makitang nakikipagtalik siya sa babaeng `di naman niya… gusto. Iyong feeling na `di niya deserve iyon kaya ayaw kong mangyari. Hindi ko alam dahil ang gulo. Ang gulo ko mag-isip.
Paano kaya kung itago ko ito? Siguradong `di naman siya papayag makipagtalik nang walang proteksyon `di ba?
Tama.
Tumayo ako at dali-daling lumabas ng kwarto dala ang box ng condom. Tuloy-tuloy hanggang sa marating ko na ang aking cabin. Pagbukas ko ng pinto, akma na sana akong didiretso sa kabinet. Ngunit sa pagkabigla, pagpasok ko ay `di ko inaasahang makita si Pacquito!
“Anong ginagawa mo rito?” pasigaw kong tanong sabay tago ng box sa aking likod. Kumunot ang kaniyang noo habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. “Kwarto ko `to!”
“Hindi mo na `to kwarto. Lilipat ka na kaya puwede na ako rito.”
“Nandito pa ang mga gamit ko kaya kwarto ko pa rin `to—”
“Anong tinatago mo?” kuryoso niyang tanong nang nakakunot ang noo. Akma pa siyang sumilip kaya nag-adjust pa ako upang wala siyang makita.
“W-wala.”
“Pamilyar.”
“Wala nga sabi. Bakit `di mo na lang gawin ang inuutos sa’yo ni Rael? Lumabas ka na.”
Nang mapansin kong pababa na siya ay kaagad akong humakbang nang pilit ang pagharap sa kaniya. Kailangang kong itago ang condom na `to dahil baka akusahan pa niya akong magnanakaw! God!
He’s now walking on the floor, slowly folding the distance between us. Tatakbo na sana ako at itatapon sa bintana ang box na hawak ko pero `di ko na nagawa nang hilahin niya ako at hablutin ito mula sa akin.
Napamura ako at napatingala sa kaniya. Pinakatitigan niya ang box nang salubong ang mga kilay.
“Akin `to ah?” bulalas niya sabay baling sa akin nang nakasimangot. “Bakit `to nasa `yo?”