Chapter 13

2297 Words
“Por qué estás aquí, Pacquito?” bungad ng kapitan nang buksan niyang muli ang pintuan. Malakas kasing nasara iyon kanina kaya nag-alala ako kung ikinairita ba niya ito o hindi. (Why are you here, Pacquito?) Umayos ng tayo si Pacquito, humarap sa kapitan na ngayo’y mas humakbang pa palabas ng silid saka sinara ang pintuan. Gumilid pa ako upang pagbigyan siya ng daan, dahilan kung bakit nalipat sa akin ang atensyon nito at nagtama nang `di inaasahan ang aming mga mata. “Sí, capitán. Solo la acompañé a ir aquí,” sagot ni Pacquito sa mahinahon at mapagkumbabang boses. Hindi iyon kagaya ng pananalita niya sa akin na may bigat o diin. (Yes captain. I just accompanied her to go here.) “La próxima vez, déjala en paz. Es asunto de ella. No se entrometa,” ani Kapitan na ngayo’y hindi na sa akin ang pansin. (Next time, just let her alone. It's her business. Don't meddle.) How I wish na sana ay maturuan man lang ako kahit iyong mga basic ng wikang espanyol. Kung sa english nga lang ay medyo nano-nosebleed na ako, paano pa kaya rito na kahit katiting na salita ay wala akong maunawaan? Their accents are on-point. Lalong lalo na ang kapitan na parang hindi na open sa ibang lenggwahe maliban sa english. Mabuti nga’t kahit papaano’y nagkakaintindihan din kami sa ingles. Dahil kung hindi, talagang hindi ko rin makikita ang sarili sa barkong ito at baka kung saan-saan na ako pinagpapasa-pasahan ng mga salbaheng pirata. I mean, salbahe rin naman ang mga nasa barkong ito maliban kay Yaelo. Sadyang `di lang sila ka-level ng pinanggalingan kong pirate ship. When the captain nodded, naglakad na siya at nilagpasan kami. Tuloy-tuloy siyang bumaba sa main deck kung saan nakahain na ang mga pagkain samantalang kami ni Pacquito ay naiwan rito nang tahimik. Parang may dumaang anghel. Kung may maririnig man ay mga hampas na lang ng mga alon sa `di kalayuan at ang bulong ng sumisipol na hangin. “Ano raw ang sabi?” tanong ko sa kaniya pagtapos ko siyang harapin nang maayos. Mula sa dinaanan ng kapitan, saka niya ibinaling ang tingin sa akin. “Tss, `di ba halata sa tono niyang naiinis siya?” “Alam kong naiinis siya pero… anong ibig sabihin ng mga sinabi niya? At bakit siya naiinis? Dahil ba sa ingay ng pagkakasara ng pinto?” “Hindi.” “Eh ano?” Umirap siya saka sumandal sa dingding. “Kinuwestyon niya kung bakit kasama ako gayong ikaw lang ang napag-utusang sumundo sa kaniya rito.” Nagkibit-balikat ako. “I told you…” Suminghal siya. “Dapat nga magpasalamat ka pa’t naprotektahan ko `yang ka-inosentehan mo. Unless kung gusto mo talaga makakita—” “Luh, ang kapal naman. Anong tingin mo sa’kin, bobo sa human anatomy?” “Human anatomy? Ano ‘yon?” “Katawan ng tao, malamang. Kahit mga bata alam ang ibig sabihin no’n.” “Sorry naman kung `di ko alam. Eh sa hindi ako nakapag-aral,” sabay iwas niya ng tingin sa akin. Bigla akong naintriga roon. Pagkabaling na pagkabaling niya sa ibang direksyon ay napa-abante ako nang isang hakbang. “A-ano ulit? Hindi ka…” “Hindi ako nakapag-aral. Kailangan bang ulit-ulitin? Saiah?” “Tinatanong ko lang naman.” “Tss.” “Anong grade ang natapos mo?” “Wala.” “Anong wala? Seryoso ka?” “Kahit kinder o grade one, hindi.” Napatakip ako bigla sa aking bibig. Kasabay nito ay namilog pa itong mga mata ko dahil hindi halata sa kaniya. He sounds like he’s educated. At sa mga kinikilos niya, halatang may pinag-aralan talaga. “So kung `di ka nakapag-aral, bakit ang galing mo mag-english at magtagalog? Given na Mexican ka at spanish ang main language niyo, paano mo nagawa iyon?” Sa tanong kong iyon, mas napansin ko naman ngayon kung paano mas nagseryoso ang kaniyang ekspresyon. Pero parang wala ng epekto sa akin dahil unti-unti ko nang nakasanayan. He answered, “Lenggwahe na pala ang sukatan ng pagiging edukado ngayon?” “Uh… why n-not?” “I don’t get it. Language is just a medium to communicate. At natural na sa bawat tao ang makipag-ugnayan para mabuhay. Kaya kahit sabihin mong kaya kong gumamit ng tatlong lenggwahe, hindi pa rin iyon sukatan para masabing may pinag-aralan ako.” “Pero tinuturo iyon sa mga eskwelahan. Iyong grammar, mga fundamentals, at kung ano-anong usages. Nakikita kong eksperto ka ro’n.” He chuckled forcefully. “Ang babaw.” I raised my brows. “Mababaw? Ang alin?” “Mababaw `yang ganyang prinsipyo. Maraming dalubhasa na masasabing edukado pero iisang lenggwahe lang ang alam. And I don’t want to discredit that. Mukha lang akong may pinag-aralan dahil sa kilos at pananalita ko pero `di ako marunong magsulat. Hindi rin ako marunong magbasa. Wala akong alam.” Umiling-iling ako. “Imposible.” “Nagpapaturo na lang ako minsan sa kapatid ko dahil siya ang nakapag-aral sa’min.” “Oh? Kung nakapag-aral pala si Yaelo, bakit ikaw hindi?” Yumuko siya. “Kailangan dahil ako ang breadwinner. Bata pa man ako, ako na ang may sagot sa lahat ng gastos.” Natameme ako… naawa. I didn’t know na ganito pala kabigat ang pinagdaanan niya. Sa panlabas niyang anyo, parang ang lakas-lakas niya at parang ang tapang-tapang niya. Sinong mag-aakala na ganoon pala ang klase ng buhay na mayroon siya? Ang malala, ni grade one o kinder ay `di man lang siya nakatuntong! Hindi ko ma-imagine kung sa akin nangyari iyon. Hindi ko rin maisip kung anong klaseng kapalaran ang kahahantungan ko kung tumatanda akong walang pinag-aralan, `di marunong magbasa, at sumulat. Dito ay na-realize ko kung gaano ako kaswerte. Natanto ko na kahit hindi kami mayaman, dapat maging thankful pa rin ako dahil nagawa kong makatapos ng high school. Sana, sana kaharap ko si Nanay ngayon para magpasalamat sa kaniya. Sana makausap ko man lang siya kahit sa tawag para sabihin kung gaano ako kaswerte dahil naitaguyod niya ako kahit wala na akong ama. She’s been there even amid the toughest. Pinunan niya lahat ng mga kailangan ko. Hindi siya kailanman nagkulang. “Kung `di ka marunong magbasa, paano mo nagagawa nang maayos ang mga gawain dito? I mean, diba minsan may mga package na may label tapos—” “I get your point,” pagputol niya sa sinasabi ko sabay angat sa akin ng tingin. “Si Yaelo ang tumutulong sa akin sa aspektong `yon. Kahit paano naman, tinuturuan niya ako.” “O-okay.” “Oh ayan, alam mo nang bobo ako. Tss.” Umaliwalas ang eskpresyon ko. “Grabe naman. Hindi naman por que `di nakapag-aral ay bobo na. Hindi nga halata sa’yo eh.” Muli na naman siyang umirap. “Tara na nga sa baba. Baka kanina pa tayo hinahanap doon. Daldal mo kasi.” Hinayaan ko siyang mauna sa akin habang naglalakad kami pababa. Saktong sakto ang dating namin sa main dahil inutusan kami na dagdagan pa ang Chilaquiles dahil mabilis iyong naubos. Noong una ay nag-insist si Pacquito na rito na lang daw muna ako upang magbantay sa anumang ipag-uutos habang siya ay mag-isa sa kusina at magluluto. Pero nang mapansin ko kalaunan na mukhang busy ang mga piratang ito sa pag-uusap, hindi na ako nagdalawang isip pa upang sundan siya sa lower deck at tulungan siya sa kusina. “Bakit ka nandito? May bago na naman bang utos?” he asked as he fry in the pan. Naka-apron na ulit siya nang maabutan ko at prenteng nagbabantay sa iniluluto sa kawali. Tumabi ako sa kaniya. “Wala naman.” “Anong dahilan mo kung ba’t ka sumunod dito?” “Wala lang.” “Wala lang?” He then faced me with eyes filled by curiousity. May iritasyon din pero bahagya lang. “Pag tayo napagalitan, kasalanan mo `yan.” Ngumuso ako. “Hindi `yon. Busy naman sila eh.” “Tss! Por que alam mong may gusto sa’yo ang kapitan eh. Lakas na ng kapit.” “Ayan na naman, paulit-ulit. Hindi nga ako sabi magugustuhan no’n. Basta kapag napatunayan kong hindi, tutulungan mo akong makaalis dito ah?” Muli siyang umirap. Ang hilig naman niyang gumanon! “At sa tingin mo ako ang matatalo sa deal natin? Bahala ka.” Pinanood ko ang sumunod niyang ginawa na kagaya lang din naman kanina ang mga steps. Kung paulit-ulit ko itong mapapanood sa kaniya, tiyak na mama-master ko ang pagluto nito. Ano kayang magiging reaksyon ni Nanay kung uuwi ako nang marunong na magluto? Dati nga ay pinagtatawanan pa ako no’n kapag nakikita niyang sunog ang itlog na pinirito ko. Imagine how kind she is. Sobrang considerate. “Uh, ano palang oras uuwi si Yaelo?” tanong ko sa gitna ng ingay ng kaniyang niluluto sa kawali. This time, inihahalo na niya ang sauce sa mga tortilla. “Mamaya pang tanghali. Posible ding abutin ng hapon dahil marami-rami ring bibilhin `yon.” “Siya lang ba mag-isa?” “Natural.” “Kung marami siyang bibilhin, pa’no niya makakayanang dalhin ang mga pinamili niya?” “Trabaho na niya `yon.” Bigla akong nag-alala. I mean, kahit kasi pirata iyon, `di hamak na `di niya deserve ang ginagawa niya. Sa bait ba naman niya. No one would ever think na kasapi pala siya sa ganitong klaseng samahan. Mula sa kawali, marahang bumaling sa akin si Pacquito nang nakataas ang isang kilay. Hawak-hawak niya ang isang sandok na may bahid ng red sauce. “Bakit mo `yan natanong? Nag-aalala ka sa kapatid ko?” “D-di ah!” depensa ko. “Siguraduhin mo lang dahil pagbabawalin ko ulit `yon makipag-usap sa’yo. Mabait na bata pa naman `yon.” “Ilang taon na siya?” “Eighteen, ka-edad mo.” “Oh.” “Akala ko ba nasabi na niya sa’yo `to? Nagkukwento kasi sa’kin `yon.” Nagkibit-balikat ako. “Ewan, baka nakalimutan ko.” Sa ilang saglit pa ay natapos na rin niyang lutuin ang Chilaquiles. Ilang minuto lang ang nilaan niya para sa plating at dalawang tray ang dami nito. Ako na ang nag-insist na dalhin ang isa, samantalang `yong isa ay nasa kaniya. Pagbalik namin sa itaas, kung saan naghihintay pa rin ang mga pirata, titig kaagad ni Kapitan Rael ang sumalubong sa akin. Iyong titig na masasabing seryoso at animo’y wala ng balak pang umiwas ng tingin. Despite that, binalewala ko iyon. Pinagsawalang bahala ko kahit medyo kinakabahan. Siguro, kung ibang babae ang nasa kalagayan ko, kung nasa posisyon ko iyong mga mahihilig sa guwapo, baka kinilig na iyon at nangisay sa tuwa. Pero `di lahat ng guwapo ay nakakakilig. I really find it uncomfortable. Bakit ba kasi ganoon siya kung makatingin? Pagkalapag ko ng tray sa hapag, kasabay nito ay tumabi ako kay Pacquito nang nakatayo rito sa gilid. Dinig ko ang hingal nito, ang pagod niya. I bet gustong gusto na nito magpahinga pero pinipilit magpakatatag dahil ito ang trabaho niya. Sa gitna ng pag-iingay ng mga pirata sa kanilang salo-salo, rumagasa ang mas mabilis na hangin. Buti na lang at mahigpit ang pagkakatali ng bandana ko sa ulo. Inayos ko lang ang posisyon ng pagkakatayo ko rito saka itinuon ang tingin sa kung saan man ang direksyon ng mga mata ngayon ni Pacquito— sa dalampasigan ng islang `di kalayuan. “Nasaan tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya nang nakatitig din sa gilid. He immediately answered. “Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakaalam ko, siguro Romblon.” Namilog ang mga mata ko. s**t, mula Palawan, nasa Romblon na kami ngayon? “Saan ang susunod na daong?” “Bakit mo tinatanong?” He turned to me. I gulped. “W-wala lang. Para maging aware…” Bumuntonghininga siya. “Babalik sa Palawan.” “Anong gagawin doon?” “Huwag mo na alamin.” “Sungit,” bulong ko. “Ingat ka sa mga sinasabi mo, kapag narinig `yan ng kung sino man rito, lagot ka.” “Eh `di rin naman sila nakaka-intindi ng Tagalog.” “Kahit na.” “Maliban na lang kung ita-translate mo iyon sa kanila.” “Bahala ka.” Mayamaya pa’y natapos na ang salosalo nila. Isa-isang nagsibalik ang mga pirata sa lower deck hanggang sa naiwan na lang kaming tatlo rito; ako, ang kapitan, at si Pacquito. The captain is busy fidgeting his fingers while looking at me. Si Pacquito naman ay tahimik na nagliligpit ng plato at ako ang katuwang. Akma na sana akong susunod sa lower deck habang bitbit ang tray ng mga nagamit na wine glass pero bigla akong tinawag ng kapitan. Pacquito just nodded at me seriously. Tuloy-tuloy siyang bumaba hanggang sa naiwan ako rito nang walang ibang kasama kundi itong si Kapitan Rael Viendijo. Gusto ko na lang bigla masuka sa kaba matapos ilapag ang tray sa lamesa. Humarap ako sa kaniya nang maayos at mas nakita siyang seryoso sa kabisera. “Please take a seat. We have to talk something about you.” Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako nang hindi naaalis ang tuon ng tingin sa kaniya. “O-okay, captain.” He folded his hands together on the table. Kapansin-pansin ang tila pagbago ng kaniyang ekspresyon dahil mas umamo naman ito ngayon mula sa kaninang seryoso. Huminga ako nang malalim. “Since you’re my assistant, I want you to be with me, always.” “A-always?” “Yeah, always. And make sure you won’t talk to anyone else except me and Pacquito. Understood?” Nag-aalangan man ay marahan akong tumango. Mas hinigpitan ko pa ang pagtikom ng aking labi saka lumunok nang dalawang sunod. Ganoon na lang ang paglala ng kabog ng dibdib ko sa kaba nang makita ang pasimpleng ukit ng kaniyang ngisi… animo’y may ibang iniisip, parang may masamang balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD