Yuri POV
"Guys! Ano ayus na ba ang lahat?"tanong ko.
"Oo ikaw nalang kulang! Ang bagal mo!"sabi ni Vince, iniapan ko lang siya habang naka ngiti.
"Sorry na!"sabi ko, Sumakay ako sa kotse at nag simula nang paandarin ni Vince ang sasakyan.
Pupunta kami sa isang beach,nasa bundok daw yun basta, Adventure time nanaman!
By the way I'm Yuri Park 19 from earth! Malamang saan pa nga ba hahaha.
"Oy idlip muna tayo malayo layo pa yun."sabi ni Xandra.
Time check its 2 am palang, 4 hours biyahe papunta sa beach na sinasabi ni Vanesa.
Kaya kami maaga dahil sa gusto naming makita ang sun rise!
"Oy bakit ang tahimik mo?"tanong saakin ni Claire. Hindi ko siya pinansin. Alam niya na yun.
"Dahil ba to sa nangyare noong isang lingo?"tanong niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa bintana ng sasakyan. Naalala ko nanaman ang pang yayare na yun.
Flashback
"Oy Yuri tignan mo!"sigaw ni Vince kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Ang alin?"tanong ko.
"Hayst ang bagal mo Kasi sayang di mo nakita yung paglangoy ng pagong."sabi niya.
"Sus yun lang?"tanong ko sabay lakad palayo sa kanya.
"Guys nasusunog ang cottage!"sigaw ni Vien kaya naman napatingin ako sa gawi niya at napatakbo sa narinig ko. Lumapit kami kay Vien at mula sa kinatatayuan namin ay nakita ko ang laki ng sunog.
"Nasan si Ariana?"tanong ko.
"Hala natutulog sa loob."sabi ni Vien.
"Gong gong bakit kasi di mo ginising?"tanong ni Vince.
"Eh nataranta ako."sabi ni Vien.
"Kalalaking tao ."bulong ni Xandra. Hindi ko na sila pinansin pa at tumakbo papasok sa loob.
"Oy Yuri san ka pupunta?"tanong ni Vince ngunit hindi ako sumagot.
Pag pasok ko bigla nalang nag laglagan lahat ng mga kahoy sa itaas kaya nahirapan akong mapuntahan ang kwarto kung saan natutulog si Ariana.
"Ariana!" Sigaw ko.
"Yuri? Yuri? ikaw bayan?"tanong niya.
"Oo ako to nasan ka?"tanong ko dahil pagpasok ko sa loob ng kwarto ay wala siya.
"Yuri tulong ang paa ko naipit nandito ako sa kwarto ko!"sigaw niya kaya naman lumabas ako sa isang kwarto at nag tungo sa kwarto niya.Makapal na ang usok kaya sumasakit na ang ilong ko.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko na nahihirapan siyang tanggaling ang paa niya na nakaipit sa bato.
"Wag kang gagalaw."sabi ko.
Nag hanap ako ng bagay na pwedeng ipaalis sa bato
Nakita ko ang isang kahoy
Kinuha ko ito at inalis ang bato na naka dagan sa paa ni Ariana.
Ilang minuto bago ko natanggal ang bato, masyado ng makapal ang usok sa paligid namin at may ilang mga kahoy ang nahuhulog mula sa taas.
"Tara na!"sigaw ko. Inalalayan ko siya sa pag labas ng biglang may kahoy na tatama saamin.
Napapikit ako at inisip na sana hindi kami tamaan
Napataas ang kamay ko habang nakapikit, hinihintay ko na may mahulog na masakit na bagay sa amin pero ilang minuto na ang nakalipas at walang tumatama saamin.
"Yuri ang kahoy!"sigaw ni Ariana.Napatingin ako sa taas at laking gulat ko ng makita ang kahoy na lumulutang ito na para bang may kumokontrol.
"Anong ginawa mo?"tanong niya, nakita ko ang takot sa mga mata niya. Maski ako ay hindi ko alam ang nangyayare.
"Hi-hindi ko a-lam"utal kong sagot.
Napatigin ako sa paligid at lalong kumakapal ang usok at lumlakas ang apoy. Hindi ito ang tamang oras para pag usapan ang pag lutang ng kahoy.
"Tara na."sabi ko.
Inalalayan ko ulit si Ariana na tumayo dahil may pilay siya.
Hanggang sa makalabas na kami sa Cottage at nakita namin ang mga kaibigan naming sobra ang pag aalala.
"Ayus lang kayo?"tanong ni Xandra. Napatingin ako kay Ariana.
"Oo si Yuri."sabi ni Ariana.
Maging ako nagulat ako sa nangyare kanina
Ung kahoy na may apoy napa lutang ko pero di ko naman alam kung paano ko nagawa iyon.
"Ano si Yuri?"tanong ni Vince. Napatingin sakin ang mga kaibigan namin.
"Niligtas niya ako."sabi niya kaya natahimik ako.
"Oo nga buti nalang at may kaibigan tayong matapang."sabi ni Vien.
"Di katulad mo."pang aasar ni Vanesa.
End of Flashback
Ang alam nila naapektuhan ako dahil nasunog ang mga importate kong gamit pero hindi talaga nila alam na nagawa ko iyon. Nangako si Ariana na hindi niyaipag kakalat kahit kanino pa maging sa kaibigan namin.
"Ayus lang yun gamit lang naman ang nawala."sabi ni Vien.
"At isa pa mapapalitan naman iyon."sabi ni Ariana sabay kindat saakin.
Napatingin ako sa kamay ko
Bakit kusang lumutang ang kahoy?
Ako ba ang gumawa noon o may ibang nilalang na nanduon at ginawa iyon?
Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog
Nang may mapanaginipan ako
Nasa kakaibang mundo daw ako at ang mga tao doon /nilalang ay hindi pang karaniwang
May lumulutang na yelo apoy tubig at may lumilipad na tao
"Yuri!"sigaw ni Xandra saakin
Napatingin ako sa paligid namin
"Oh bakit?"tanong ko
Pansin ko bakit tumigil kami?
"Bakit tayo tumigil?"tanong ko
"Namatay ang makina"sagot ni Xandra sabay labas sa sasakyan
Lumabas narin ako aa sasakyan at nakita sila Vince at Vien na inaayus ang makina
At madilim pa dito
Tinignan ko ang phone ko
Its all ready 3:30 am
Damn! Na stranded kami dito sa gubat ng ganito ang lagay?
"Nakakatakot naman dito"sabi ni Vanesa
Napatingin ako sa paligid
Oo tama siya nakakatakot nga talaga dito mukang walang katapusang puno ang nandito at kita mo ang mga ilaw sa baba ng bundok
"s**t!Walang signal!"sigaw ni Ariana
Ano nang gagawin namin?
Mukang walang sasakyan ang dumadaan dito at nasa gitna pa talaga kami ng daan
~~~~~~