⚠️ Trigger Warning:
This chapter contains scenes of emotional, verbal, and physical abuse, as well as themes of grief, neglect, and domestic conflict. Reader discretion is strongly advised. If you are sensitive to or currently struggling with these issues, please take care of your mental and emotional well-being while reading.
April 03, 2015|
Sa labas, tirik na tirik ang araw—parang walang bakas ng kahit anong bagyo. Pero sa loob ng bahay na dati’y naging tahanan ng pag-asa, unti-unting lumalamig ang hangin. Hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa mga salitang mas mabagsik pa sa kahit anong unos. Mga salitang galing sa isang inang... hindi ko kailanman tunay na naging ina.
“Wala ka talagang kwenta!” bulyaw n’ya sa’kin habang isa-isang inihahagis ang kakaunting gamit na naipundar ng namayapa kong ina. “Pag-aalaga na lang ng mga kapatid mo, Brielle, hindi mo pa magawa! Puro ka paghilata. Ano’ng akala mo sa sarili mo, prinsesa?!”
Tahimik lang ako. Not because I had nothing to say, but because I knew—whatever I said, it wouldn't matter. Her anger would always be louder than my truth.
With every shout, it felt like I was being stripped of the right to even breathe. Like something inside me was pulling me backward—away from any sense of worth I used to have. And somewhere deep within, something was slowly breaking.
I wasn’t crying yet.
Maybe my body just didn’t know how to carry all this pain all at once.
“Kaya siguro namatay ’yang nanay mo, eh! Dahil sa konsumisyong dala mo! Jusko, Brielle, dalaga ka na. Pakiusap naman, kaunting malasakit. Aba, kung puro ka gan’yan, baka ako naman ang mamatay!” Ramdam ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Sa dami ng masasakit na salitang narinig ko mula sa kanya, ito yata ang pinakamalupit.
Ang taong pinaka-nagmahal at tumanggap sa akin noon, ngayon ay ginagawa na lang kasangkapan ng paninisi at wala akong ibang magawa kundi lamunin ang bawat salitang ibinabato n’ya—dahil sa loob ng bahay na ito, kahit ang katahimikan ko ay isang kasalanan.
“... ’wag n’yo naman po pagsalitaan ng gan’yan si mama...” Naiiyak kong tugon habang pinupulot ang mga damit, sapatos, at ilang mumunting alaala na naiwan ni mama sa akin—na hindi man lang niya pinansin.
“Bakit? Totoo naman!” Tinaasan niya ako ng kilay, parang may tuwa pa sa panunumbat. “Hoy, babae, alam ng lahat dito kung bakit namatay ’yang nanay mo! Dahil d’yan sa tigas ng kukote mo!” Itinuro niya ang sentido ko, madiin, at bago ko pa man makalayo, malakas niya akong itinulak gamit ang kanyang hintuturo—parang sinasabi niyang wala akong lugar kahit sa sariling alaala ng tahanan.
“Jusme, apat kayong magkakapatid—kung ganyan ka nang ganyan, mamamatay kakakayod ’yang tatay n’yo!” Sinipa n’ya ang ilang gamit sa sahig, tumilapon papunta sa harapan ko. Saka kinuha ang umiiyak n’yang bunso at kinarga na parang siya lang ang may karapatang mapagod.
Pero ang totoo? Wala naman talaga akong kapatid. Sa nanay ko, wala—at para sa ’kin, ’yon ang mahalaga.
Matatanggap ko pa sana kung nag-asawa ulit si papa. Kung nakahanap siya ng bagong pagmamahal, ng bagong simula—baka nga naging masaya pa ako para sa kanya.
Pero kung ganito lang din… kung ang kapalit ay ang pagiging alipin ko sa sarili kong tahanan, para sa mga bata na hindi ko hiniling at sa ‘ina’ na halos araw-araw akong dinudurog...
Hindi. Hinding-hindi ko sila matatanggap.
Lalo na’t araw-araw, paulit-ulit niyang ipinapaalala sa’kin ang dahilan ng pagkawala ni mama—na para bang kasalanan ko ang lahat.
“Ano, iiyak ka na lang?!” Sigaw niya.
“Bilisan mong ayusin ’yan, kundi sa labas ka talaga matutulog, sinasabi ko sa’yo!” Napalingon ako, hindi sa kanya, kundi sa lumang salamin ng aparador sa sulok ng kwarto. Doon ko nakita ang sarili kong halos hindi ko na makilala. Ang mga mata ko ay namumugto, mga pisngi ay namumula. At luha...
Tama nga siya. Umiiyak ako.
Tahimik. Katulad ng lahat ng sakit na tiniis ko sa loob ng bahay na ’to—laging tahimik. Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang tinutupi ang mga damit na ikinalat niya—isa-isa, maingat, parang ’pag hindi ko inayos, lalo lang akong kagagalitan. Kasama ng mga iyon, tiniklop ko rin ang ilang gamit ni mama—’yung mga nakita niyang dinampot ko kanina, pero hindi na niya binawi.
Maliit na tagumpay... O baka naman awa lang?
Tahimik na ang buong bahay. Naririnig ko ang tawa ng mga bata sa labas—nakikipaglaro sa kanilang mga kaibigan, na para bang walang problema sa mundo. Ang sanggol, mahimbing na natutulog. At sa loob, ako—kasabay ng mahinang paghikbi ko at ang tikatik ng orasan sa pader.
Akala ko tapos na. Akala ko, kahit ngayon lang, may sandaling katahimikan.
Oh, how wrong I was.
“Putangina naman, Brielle!” Rinig ko ang mabibigat n’yang hakbang mula sa sala papalapit sa kwarto, kasabay ng lagabog ng pinto sa pagbukas. “Ano na naman ’to?! Alam mo namang wala nang makain ’yang mga kapatid mo, tapos bibili ka pa ng kung anu-anong kalandian?!”
Agad niyang sinunggaban ang plastic bag at isinampal sa kama, halos tumalsik ang laman. “Pulbo?! Chaptsick?! Eyeliner? Anong akala mo sa sarili mo, artista?!”
Napapikit ako, pilit iniipit ang sariling buntong-hininga. Hindi ito para sa kung sino. Hindi para magpaganda.
Ito’y para maalala ko pa rin na tao ako. Babae. Anak. Ako si Brielle—at hindi lang tagalaba, tagaluto, at tagabantay ng mga batang hindi ko naman hiniling na maging kadugo.
Pero hindi ko ’yon masabi. Hindi ko kayang ipagsigawan ang mga bagay na ako na lang din ang nakakakilala.
“Kung may pera ka para sa mga kaartehang ’yan,” patuloy n’ya, “edi sana naggrocery ka na lang! O di kaya, ibinigay mo sa’kin para may pang gatas pa sana ’yang kapatid mo!”
Tumingin ako sa kanya. Sa galit n’yang punong-puno ng poot, na para bang kasalanan kong nabubuhay pa ako. Para bang ang bawat kilos ko ay isa nang kasalanang hindi na niya kayang patawarin.
Hindi ko na napigilan. Tumigil ako sa pagtiklop ng damit at mariing pinunasan ang pisngi kong basa ng luha. “Bakit?! Kailan ko pa naging obligasyon ’yang anak mo?”
Galit s’yang lumapit sa’kin. Sinampal n’ya ako—malakas, walang alinlangan. Napatingala ako, parang saglit na huminto ang mundo.
“Walang utang na loob!” sigaw niya, nanginginig ang boses sa galit. “Lahat ng kinakain mo dito, lahat ng tinulugan mo—pati luho mo—pinaghirapan ng tatay mo! Pero kung ayaw mong magsumikap at tumulong kahit konti, eh umalis ka na! Ngayon din, ’wag na akong abalahin!”
“Ako, lalayas?!” Napa-iling ako, tumaas ang boses ko habang ramdam ko na ang buo kong katawan ay nanginginig sa galit. “Kung may dapat lumayas, ikaw ’yon. Anak ako! Ikaw? Isa ka lang kerengkeng na kumapit sa lalaking may pamilya para may magpalamon sa ’yo at sa mga anak mo!”
Humigpit ang hawak ko sa damit na tinutupi ko pa sana. Hindi ko na alintana kung naririnig ng mga bata o kung may kapitbahay na nagmamasid.
“Akala mo marami kang ambag? Ako ang nagluluto, naglalaba, nag-aalaga sa mga anak mo—samantalang ikaw, puro pagpapalapad ng p**e ang inaatupag mo sa maghapon!”
Tumigil ako, humihingal, pero hindi pa tapos ang apoy sa dibdib ko. “Wala kang karapatang itapon ako.”
Isang iglap lang pagkatapos ng sinabi ko, isang malakas na sampal ang gumising sa buong sistema ko. Tumama ang pisngi ko sa hangin—mainit, mahapdi, at parang tumunog pa sa tenga ko.
“Walanghiya kang bata ka!” sigaw n’ya bago ako sinabunutan at hinila pabalik na parang gustong tanggalin mula sa anit ko.
“Ang kapal ng mukha mo! Sa edad mong ’yan, ganyan ka na magsalita sa’kin?!”
Wala na akong nasabi. Nanginginig na lang ako, parehong sa takot at galit na nagsasagutan sa loob ko. Pilit kong pinigilan ang sarili kong hindi maiyak, pero mas mabilis ang katawan ko kaysa sa isip ko.
Tinulak n’ya ako palabas ng bahay. Natapilok ako sa labas ng pinto, halos mahulog sa lupa. Wala pa akong buwelo nang sunod-sunod niyang ihagis ang mga gamit ko—mga damit, sapatos, at pouch na may lamang alaala ni mama.
“Lumayas ka!” sigaw niya. “Hindi naman kita anak—hindi ka bahagi ng buhay ko! At habang ako ang may kontrol sa bahay na ’to, wala kang karapatang manatili dito!”
Everything went silent. Not because the world paused, but because everything inside me shattered.
I stayed on the ground for a second, staring at my scattered things—my life, thrown out like trash. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Pero alam ko—this was the end of something.
And maybe, just maybe... the start of something else.