JESSICA’s POV Naisipan kong maghanap ng trabaho para may paglibangan din ako. Kahit part time lang. Kailangan kong gawin ito para walang masabi ang girlfriend ni Luiz. Gusto ko rin na makapagbigay kahit magkano para hindi ako ganoon kapabigat kay Luiz. Gusto ko rin bayaran ang cellphone na ibinigay niya sa akin. Alam ko naman na hindi ganoon kalakihan din ang kita niya. Lumabas na ako ng kuwarto para magluto. Isa ito sa puwede kong maitulong dito sa bahay. Kaya hindi na ako kailangan pang utusan. May nagawa na rin kaming menu base sa mga pinamili ni Luiz. Maaga pa dahil maaga akong natulog kahapon. Hindi na ako tatawagin ni Luiz dahil may idinikit ako sa kurtina kagabi. “Maaga akong matutulog. Nauna na akong kumain. Nakaluto na ako, ikaw na bahala sa bisita mo.” Gagalangin naman ni

