Chapter 5: His Intentions

2219 Words
Ella's POV Hindi ko alam kung bakit narito ang lalaking 'to sa harapan ko ngayon, ngunit dahil nauuhaw na ako at ilang metro pa ang layo ng karinderyang pagbibilhan ko ng ulam at malamig na inumin, tinanggap ko nalang ang alok nitong gatas. His smile widens when I accepted the milk, mukha itong batang proud dahil nagustuhan ng nanay nito ang ginawa. "Sigurado kang walang lason 'to?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Though he looks harmless and cute— Wait— cute?! Ang malaking tao na 'to, cute sa paningin ko? Baka naman namamalikmata lang ako? O baka dahil kulang lang ako sa tulog kagabi? Pero anu't-ano paman, looks can be deceiving ika nga nila, kaya mabuti ng makasigurado. Magaan itong tumawa bago umiling. "Walang lason 'yan, pero kung gayuma, baka posible pa." anito sabay kindat. Gayuma? As if kailangan pa nitong gumamit ng gayuma. Sa itsura nito, mukhang ito pa ang posibleng gayumahin. At anong meron sa uri ng pananalita nito? Ang flirty kasi ng dating! Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya bago ininom ang gatas. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ubusin ang malamig na gatas ng isang inuman lang. I felt better when the cold and sweet fluid entered my body. I felt refreshed. I licked my lips when I finished the drink. Nang mapunta ang tingin ko rito ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Nakatitig kasi ito sa 'kin habang may ngiti sa mga labi. "Ano... s-salamat dito." awkward na pasalamat ko. Anong meron sa kanya? Bakit ba kanina pa siya nakangiti? Nakaka-conscious tuloy! Tumikhim ako saka nagsimula ng maglakad ulit. Nararamdaman ko na kasi ang sakit ng sikat ng araw. Sinabayan naman ako nito. Tumikhim muna ako bago nagtanong. "Bakit ka nandito? Anong kailangan mo sa 'kin?" Alam kong may kailangan ito sa 'kin, kasi ano pa bang ibang dahilan ng paghihintay nito sa 'kin sa labas ng bar? "Gusto sana kitang makausap." aniya. Kumunot ang noo ko sa sagot nito. "Hindi ba't nag-uusap na tayo ngayon?" nakataas ang kilay na tanong ko. Nakatingin lang ako sa daan ngunit naramdaman ko ang pagtawa nito sa tabi ko ngayon. "Ang pilosopo mo pala, miss angry!" "Ang weird naman kasi talaga ng sagot mo. Ano ba ang tawag mo sa ginagawa natin ngayon? Nagluluto?" Humagalpak ito ng tawa dahilan upang mapatingin ako sa kanya. He looks so handsome while laughing,and he looks so free. It was a beautiful scenery, ngunit hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at inggit habang nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi alam kung magagawa ko pa bang tumawa ng ganyan kasaya at kalaya. Sa sitwasyon ko ngayon, para kasing imposible na. Mahirap lang kami, ngunit mas lalo kaming naghirap noong namatay si papa. At ngayong nasa ospital si lola at kailangang operahan, wala akong magawa kundi magbenta ng katawan kagaya ni mama. Mahirap maging mahirap. Kasi kapag mahirap ka, wala kang choice kundi kumapit sa patalim kapag nagkagipitan na. 'Yon ay dahil mahirap ka lang, wala kang pera at koneksyon, wala kang malalapitan at walang tutulong sa 'yo dahil wala naman silang mapapala kapag tinulungan ka nila. Kung hindi lang kami ganito kahirap, kung may pera lang kaming pampaopera kay lola, hinding-hindi ko ibebenta ang katawan ko. Aminin ko man o hindi, dahil sa uri ng trabahong pinasok ko, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamababang tao sa buong mundo. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng pakpak at dignidad. Nagulat ako nang may humawak sa kanang pisngi ko, gamit ang hinlalaki ay pinahid nito ang kung ano mang nasa pisngi ko. Saka ko lang napagtantong may isang butil na pala ng luha ang kumawala sa kanang mata ko nang hindi ko namamalayan. At ngayon ko lang din napansin na huminto na pala ako sa paglalakad. Nang tignan ko ang lalaking may-ari ng kamay na pumunas sa luha ko ay nagulat ako nang makita ang ekspresyon ng mukha nito. Malungkot ang ang mukha nito na may halong pag-aalala. Bakit siya malungkot? At bakit siya nag-aalala para sa 'kin? Siya na nakasama ko lang kagabi? Ni hindi ko nga alam ang pangalan nito at kung ano ang kailangan nito sa 'kin. Napalunok ako bago marahang hinawi ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. Kahit na maganda sa pakiramdam ang pagpapakita nito ng lungkot at pag-aalala ay hindi dapat ako maging komportable sapagkat hindi ko alam ang motibo nito. At isa pa, total nandito na rin naman kami, bakit hindi ko siya singilin para do'n sa nasirang kama kagabi? Hindi lang naman ako ang sumira ng kama kundi kaming dalawa. Kaya bakit ako lang ang mag-isang magbabayad no'n, 'di ba? Saka dagdag problema rin 'yong utang ko na 'yon kay Madam Flor. "Iyong kamang nasira natin kagabi. Bayaran mo." saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nanlaki ang mga mata nito na para bang may narealize. "Ah! Kaya ka ba umiyak dahil do'n?" anito na para bang nakuha na nito ang sagot kung bakit ako umiiyak. Kumunot ang noo ko. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit ako naiyak. Naging emosyonal lang ako kasi naiinggit ako sa kanya, kasi malaya siya— hindi kagaya ko. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon. Pero kung hahayaan ko siyang isipin na 'yon nga ang dahilan kung bakit ako umiyak, hindi ba’t parang ang babaw ko naman? "Hindi 'yon ang dahila—" napahinto ako sa pagsasalita nang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Agad na nag-init ang mukha ko sa hiya. Nang tingnan ko ang lalaki ay napangisi ito. "Kumain kana ba? Ah, halata namang hindi pa since nagrereklamo na ang tiyan mo. Tara, kain tayo. Libre ko." masayang saad nito na may halong pang-aasar ang tono. Nakakahiya mang tumunog ang tiyan ko sa gutom sa harap nito ay wala naman akong magawa. Tapos na ang nangyari at hindi ko na iyon mababago pa. At isa pa, normal lang naman sa tao ang magutom at kumalam ang sikmura. Kahit nahihiya ay napataas ang kilay ko sa anyaya nito. "At bakit naman ako kakain kasama ka? Ni hindi nga kita kilala." saad ko. Umakto itong parang nasasaktan, humawak pa ito sa bandang puso niya na parang kumikirot iyon. Hala, si OA! "I'm hurt. Nakalimutan mo na agad ako. Kakapakilala ko lang sa 'yo kanina ah." anito na siyang ipinagtatakha ko. Nagpakilala siya sa 'kin? Kailan 'yon? Parang wala akong naaalala. "Kailan ka nagpakilala sa 'kin?" "Ha? Seryoso ba talagang hindi mo na maalala? Akala ko nagbibiro ka lang!" eksahederong saad nito habang may hindi makapaniwalang reaskyon sa mukha. "Hindi ka naman talaga nagpakilala." giit ko pa. "Nagpakilala ako, pero baka nakalimutan mo lang. Sabagay, sino ba naman kasi ako para maalala mo 'di ba?" nalulungkot na saad nito. Hindi ko alam kung umaarte lang ba ito o totoong nalulungkot ito dahil hindi ko ito maaalala. "Pero nagpakilala na talaga ako sa 'yo kanina, no'ng tinanong mo ako kung ako ba si Sir B o hindi. Naaalala mo na ba? Kung hindi ay okay lang, pwede naman akong magpakilala ulit." dagdag nito. Wait, oo nga 'no? Naaalala kong parang nagpakilala nga siya sa 'kin kanina. Ngunit hindi ko na matandaan kung ano ang pangalan nito, siguro ay dahil hindi ko naman talaga pinagtuunan ng pansin ang pakilala nito dahil preoccupied ako kanina tungkol sa katotohanang nagkamali ako ng kwartong pinasukan. "My name is Matthew, Matthew Lapuz. Pero Matt nalang ang itawag mo sa 'kin, masyado kasing sosyal kapag Matthew." pakilala nito habang nakangiti ng matamis, inilahad nito ang kanang kamay, tanda na gusto nitong makipagkamay. At dahil walang dahilan para tanggihan ko ito gayong maayos naman ang pagpapakilala nito, inabot ko ang nakalahad niyang kamay. "Arabella Santillan ang pangalan ko, Ella nalang." Matapos kong magpakilala ay agad kong binawi ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Para kasing may dumadaloy na kuryente sa kamay ko papunta sa puso ko habang magkahawak ang mga kamay namin. Ano bang nangyayari sa 'kin? Hindi ko maitatangging nagagwapuhan ako rito. Maliit lang ang bayan ng San Barcelo, at ito pa lang ang unang lalaking nakita kong ganito kagwapo sa tanang buhay ko. Mukha itong may lahi kaya angat talaga ang itsura nito sa mga lalaking nakakasalamuha ko araw-araw. "Ngayong kilala na natin ang isa't-isa, pwede na ba tayong sabay na kumain? Pwede rin nating pag-usapan ang tungkol sa kamang nasira natin kagabi." anito. Papayag na sana ako nang bigla akong may maalala. "Paano kung magalit ang girlfriend mo kapag nalaman niyang kumain tayong dalawa sa labas? Baka malaman niyang nagpunta ka sa bar at magbreak pa kayo, ayoko ng gulo ha." saad ko. Nagulat ako nang tumawa ito. "Walang magagalit dahil wala naman akong girlfriend." may mapaglarong ngiting sagot nito. Umiwas ako ng tingin sa kanya bago tumikhim saka nagsalita muli. "Paano kung kaya wala kang girlfriend ay dahil may asawa't anak kana? Paano kung mapagkamalan akong kabit mo?" tanong ko rito, ngunit isang malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kanya. Umaalog ang balikat nito habang nakahawak sa sariling tiyan. Ilang segundo pa bago ito tumigil sa paghalakhak. Nakangisi ako nitong tinignan habang nagpupunas ng mata niyang may nabuong luha kakatawa. "Ito ba ang paraan mo para malaman kung may girlfriend ba ako o wala?" anito sa mapang-asar na tuno. Tumawa ulit ito bago nagsalitang muli. "You're cute! At wala akong asawa, at lalong wala akong anak. Kung naaalala mo ang sinabi ko kagabi, kagabi ang first time kong makipagtalik. Kaya paano mo naisip na may anak ako gayong ikaw nga ang nakauna sa 'kin?" mahabang saad niya habang nakangiti sabay kindat. Mabilis na uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Siya rin naman ang nakauna sa 'kin ah! Pareho lang kami! "H-Hoy! Wala akong pakialam kung may girlfriend ka ba o wala. K-kaya ko lang sinabi 'yon kasi ayoko ng—" napahinto ako sa pagsasalba sa sarili ko sa kahihiyan nang muling tumunog ang tiyan ko, at mas malakas pa ang tunog nito kaysa sa una. Mas lalong nag-init ang mukha ko sa hiya. Argh! Nakakainis! Sobrang kahihiyan na 'to! Waaah! Naramdaman ko ang marahang paghila nito sa kamay ko papunta sa karinderya hindi kalayuan. "Oo na, mamaya ka na mag-explain. Kumain na muna tayo!" saad nito. Hindi na ako tumanggi pa dahil una sa lahat, nagugutom na talaga ako, at hindi ko na kayang paghintayin pa ang tiyan ko hanggang sa makauwi ako ng bahay. Pangalawa ay hindi ko rin kayang palagpasin ang sinabi nitong pag-uusapan namin ang bayad sa nasirang kama. Pero kahit na— nahihiya pa rin ako sa mga nangyari at nasabi ko! _____ Sa isang kilalang karinderya malapit sa bar kami kumain. Magkaharap kaming kumakain ngayon, walang nagsasalita sa 'min dahil nakafocus kami sa pagkain. Kanina nang dumating kami sa karinderya ay pinaghila ako nito ng upuan. Ito rin ang nagpresentang um-order ng gusto kong kainin at magbayad para do'n. Habang kumakain ay hindi ko mapigilang magtaka kung bakit mabait si Matt sa 'kin. Hindi kaya na love at first ito sa 'kin kagabi? (Author: Tumpak!) Napailing na lamang ako sa naisip ko. Imposible. Sino ba namang mala-love at first sight sa isang bayarang babae? Mapait sa panlasa ko ang katotohang iyon, ngunit hindi ko na lamang iyon pinagtuunan ng pansin. Nang matapos na kaming kumain ay saka lamang ito nagsalita. "Tungkol do'n sa nasirang kama, ako na ang bahala do'n." aniya sabay inom ng tubig. Hindi ko mapigilang mapansin ang malaki at maugat na kamay nito, mahahaba rin ang kanyang daliri, nagmukha tuloy laruan ang basong hawak nito. Dahil dito ay bigla kong naalala ang nangyari sa 'min kagabi. Kung paano minasahe nito ang dibdib ko gamit ang malaking kamay nito at kung paano nilaro ng mga mahahabang daliri nito ang pagkab-bae ko. Agad akong napatikhim nang maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. 'Siraulo ka, Ella! Umagang-umaga kung ano-ano ang naiisip mo!' sita ko sa sarili ko. "O-okay..." 'yon nalang ang nasabi ko saka uminom ng tubig dahil bigla akong nauhaw. "A-ano pala ang sasabihin mo?" tanong ko bago muling uminom ng tubig, ngunit nabilaukan lang ako sa tubig na iniinom ko dahil sa naging sagot nito. "Pwede ba kitang ligawan?" anito sa seryosong boses. Nang makita nitong nabilaukan ako ay agad itong tumayo saka lumapit sa 'kin at marahang hinagod ang likod ko. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Teka— 'wag mong sabihing totoo nga ang naisip ko kanina na-love at first sight ito sa 'kin? Pero bakit? Bakit ako? Bakit isang tulad ko? Magsasalita na sana ako nang biglang magvibrate and lumang modelo na cellphone ko. May message akong natanggap mula kay mama. Agad ko itong binuksan, at gano'n nalang ang kabog ng puso ko nang mabasa ang mensahe nito. [Mama: Nak, asan ka ngayon? Si lola mo kasi… inatake ulit kanina. Kritikal na ang kondisyon niya at ang sabi ni doc ay kailangan na raw nitong maoperahan ngayon araw. Kapag nabasa mo 'to, puntahan mo agad kami rito ha? Ingat ka…] Iyon ang laman ng mensahe. Para akong nanlumo sa nabasa. Nag-aalala ako para sa kalagayan ni lola at nag-aalala rin ako kung saan namin kukunin ang perang pambayad sa operasyon nito. Ang sabi kasi ng ospital ay kailangan muna naming magbayad ng downpayment bago nila ooperahan si Lola Emy, kasi kapag wala raw downpayment, hindi raw nila sisimulan ang operasyon. Saan kami kukuha ng gano'n kalaking pera ngayon araw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD