Yasmine NANG PUMASOK ako sa kitchen ay muntik na akong mapaatras nang makita si Kuya Fausto. He made a coffee under the island kitchen na umuusok pa, may toasted itallian bread na ring nakahanda. Humigop ito ng kape at saglit na sumulyap sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, nag-aalalang baka galit pa ito sa akin. “You’re going to work?” he asked casually. “Yeah. Kailangan ko na kasing pumasok ng café,” tipid kong sagot. “Here,” inusog niya bread. “Eat before you leave,” seryosong saad niya at lumabas na ng kusina para pumunta sa garden area. Napanguso ako at bumagsak ang balikat. He is not mad at me, pero alam ko na may dapat akong patunayan sa kanya upang maging maayos na kami. Upang maging panatag na siya sa anumang bagay ang bumabagabag sa kanya. PAGKAPASOK KO p

