Yasmine GRAY CHUCKLED beside me while shaking his head. Tinuro niya sa akin ang plate kaya kinuha ko yun at binigay sa kanya. “Kailan pa yun naging sensitive?” tanong ni Blake nang mawala na si Stan. “Sino? Bakit sensitive?” taka pa ring tanong ni Terrence. “You ruin the mood, bro,” Gray muttered. “Tangina niyo! Ang gulo niyo, lahat kayo,” turo ni Terrence at akmang ituturo ako pero agad niya ring binawi ang kamay niya. “Maliban sayo, paborito kita. Sarapan mo yung pagkain, ah.” Tumayo na rin si Terrence at sumunod kay Stan paakyat ng hagdan. “Dapat bang ikagalit ang joke na yun?” litong tanong ni Blake kay Gray. Nanatili akong tahimik at inabala na lang ang sarili sa pagluluto. “Yes,” agad na sagot ni Gray kaya saglit akong natigilan sa paghihiwa. “Because it is Justine. Ku

