Yasmine PINATAY KO ANG ang tumatawag na si Ethan bago pumasok sa loob ng bahay ni Javier. We are having dinner with his parents, mas naging madalas ang pag-imbeta ng mga magulang ni Javier sa akin matapos ang proposal na ginawa ng kanilang anak. Noon pa man ay kilala na nila ako bilang isa sa mga empleyado sa kanilang resort. “Good evening, tita,” I said when she welcomed me after I kissed her cheek. “Si Javier?” salubong ni tito, ang ama ni Javier. “Nasa kotse pa po, may kinukuha lang.” “Hindi pa handa ang dinner. Diyan ka muna sa sala.” Tita pointed at the couch while their television is on. “Tutulong na lang ako,” I suggested but she shook her head. Nagpaalam na siyang bumalik ng kusina, si tito ay lumabas para salubungin si Javier. I sat on the couch. Saglit akong natigila

