Stanfield NANG SA WAKAS natapos na sila ay agad akong tumayo at naglakad papunta sa table nila. Kakaupo pa lang ni Justine nang mapansin niya ako, agad napawi ang tipid na ngiti nito sa labi. Silang dalawa lang ng kaibigan niya ang nasa table, wala na yung kambal. Nilahad ko ang palad ko sa kanya. If this woman won’t dance with me tonight. Magwawala na talaga ako. Mas mapapatunayan ko lang kung gaano ba kalalim ang galit niya sa akin. “Anong hinihingi mo?” she asked in her innocent voice but filled of sarcasm on her face. Doon pa lang ay nawalan na ako ng gana sa party’ng ito. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito na siyang kina-offend ko. Now she is being offensive to me, may mas lalala pa pala sa kaya niyang gawin sa akin. “Ikaw at yang kamay mo. I want us to dance,” sa inis ko

