Yasmine Dala ang malaking bag ko ay pumasok ako sa loob ng SUV ni Eric. He was talking on the phone with someone while Stacey is beside me, si Ericka naman ay nasa front seat. Pupunta kami ngayon sa Villanueva dahil sa birthday ng anak ni Aya na si Fate. Halos tatlong taon ang lumipas at bumalik na muli si Aya, eventually naayos rin ang gulo sa pagitan nila ni Rino. “Bakit kayo magpapasundo?” takang tanong ni Eric sa kausap sa phone. “Alright, may space pa naman dito.” Pinaandar na ni Eric ang sasakyan at 'tsaka kami nagbiyahe, ilang minuto ang lumipas at huminto kami sa labas ng bahay ni Ethan. Agad na bumukas ang pinto at sumalubong sa amin ang magkakaibigan na sina Ethan, Terrence, Blake, Rhodney at Gray. “Dito kami sasakay,” usal ni Terrence at pumuwesto sa likod namin ni Stacey.

