Yasmine
ABALA ANG LAHAT sa pag-aayos at pagbabantay sa kani-kanilang booth. Habang hindi pa naman namin oras magbantay ni Chennen ay inaya niya ako na maglibot, pero ang akala kong paglilibot na gagawin namin ay hindi pala mangyayari dahil sa isang booth lang kami pumunta. Sa isang lugar lamang kami tumigil.
“Kissing Booth?” natatawang tanong ko kay Chennen.
Ito ang booth na isa sa may pinakamaraming students na pinalilibutan, booth ng grade 11 student at hindi na ako magtataka pa kung bakit narito kami at ang ilan sa mga babae dito. Tuwing may okasyon na ganito ay talagang sila ang pinakamaraming manunuod at estudyante na napapalibutan.
Nagpumilit si Chennen na sumiksik hanggang sa makarating na siya sa unahan, sumunod naman ako sa kanya kahit nahihirapan na makipaglaban sa sikip ng daan. Halos buong estudyante na ata ay nandito. Bumungad sa akin ang tatlong lalaki na nasa unahan at maraming kababaihan na pumipila.
I saw Stan on the center, wearing an emotionless expression on his face ngunit nang makita ang babae na sunod sa pili ay biglang umangat ang gilid ng labi nito at makahulugang nagtitigan ang magkakaibigan na nasa gilid niya. Siya yung babae na nakita ko nung isang araw na nilapitan ni Stan.
“Tangina! Si Marrison pumila para sa halik.” Rinig ko mula sa likod ko galing sa grupo ng mga kalalakihan. Saglit akong napasulyap sa kanila na ngayon ay nakasimangot ang mukha ng mga kalalakihan. I wonder who this woman they are talking about. She seems popular when it comes to our male classmates.
“Marrison?” bulong ko kay Chennen.
“Grade 12 yan, yung top 1 na HUMS student,” bulong pabalik sa akin ni Chennen. “Hindi naman maganda, maputi at matangkad lang. Ah! Matalino rin.”
Mahilig pala si Stan sa mga matatalino? Matatalinong maputi at sexy.
Inayos ko ang malaking eyeglasses ko habang titig na titig sa kanilang dalawa. Rino and Ethan was on the sides, si Stan ang nasa gitna. Lahat sa kanila ay may mga babaeng pumipila at sabik na sabik para sa halik.
“Sayang, hindi sumali si Gray,” the girl murmured beside me who was talking with her friends.
“Okay lang yan, may second batch pa. Sina Terrence, Rhodney, at Blake.”
“Si Nicholas sana ang gusto ko,” kinikilig na pahayag ng isa pang babae.
Rinig na rinig ko ang hagikhikan ng mga babae na excited na para sa mangyayari.
Napansin ko ang pasimpling pagpila ng isang junior na babaeng student. If I'm not mistaken she is my batch. Hindi ko maiwasan na titigin siya. Ang nagbabantay na lalaki sa pila ay mukhang napansin din ang babaeng ito. Nilapitan siya at huminto sa harap.
"Patingin ng ID mo," the guy uttered and took the ID. "Bawal pa ang junior dito. May isang booth kaming hinanda sa inyo, exclusive for junior." Tinuro ng lalaki ang isang photobooth. The girl rolled her eyes secretly, simangot na umalis sa pila. At least they follow the rules... but that's what I thought.
Because when I looked again at Stan, nakita kong hinawakan nito yung babaeng Marrison sa baywang. I gasped when he kissed the girl on the lips, mas lalo akong napanganga dahil nakita ko kung paano gumalaw ang labi ni Stan na tila eksperto. Namilog ang mga mata ko at napasinghap sa gulat. Kasabay nun ang hiwayan ng mga students, kahit sina Ethan at Rino na hinahalikan sa kamay ang mga babaeng nakapila ay napabaling din kay Stan.
“Bawal yung ginawa nila! Mapapagalitan sila ng school head kapag nalaman nila ito!” I panic.
Nakita ko ang pag-irap ni Chennen sa ginawa ni Stan, iritado habang umiiling.
“Tara na nga,” aya niya at biglang nagbago ang timpla.
Samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ito sa president namin o hahayaan na lang, at isa ako sa mga campus officers.
Naglakad na kami ni Chennen pabalik sa booth namin na tahimik. Siya na iritado at ako naman na gulat at hindi pa rin makapaniwala. Ayaw atang iproseso ng isip ko ang nakitang eksena kanina. There should be higher officers na nagbabantay sa kanila. O mga senior students.
“Hindi ba sila nasabihan sa mga bawal?”
Narinig ko ang pagod na buntong hininga ni Chennen sa tabi ko.
“Kilala mo naman ang mga yun, Yas. Tingin mo susunod sila sa rules and regulations?”
“At least, I saw Rino and Ethan following the rules, si Stan hindi!” I hissed.
She chuckled.
“What is that reaction, Yasmine? Bakit ba inis na inis ka?”
I bit my lower lip and looked away.
“Vice-president ako ng campus kaya ganito ako mag-react, hindi appropriate yung ginawa nila. Pinayagan sila sa kissing booth na gusto nila pero hindi sa ganitong paraan,” I said in a faint voice.
“I’m sure, kapag may pumilang babaeng tipo roon nina Ethan at Rino ay hahalikan din nila yun sa labi. Tingin mo si Stan lang ang hindi marunong gumawa ng bawal?”
I was still stunned, this is my first time seeing Stan kissing a girl in the lips. Nakikita noon pero hanggang cheeks lang. Ibig bang sabihin gusto ni Stan si Marrison? She is his type?
“Sayang! Mga senior high lang ang pasok sa kissing booth. Junior pa lang tayo kaya bawal pa. Sana next year kissing booth pa rin sila Rino para may chance naman tayo, diba?” she uttered in dismayed tone. “May balak silang isali ka bilang isa sa mga nomida for campus president next school year. Baka naman, Yas,” humagikhik siya ngunit ako ay lumilipad sa ere ang wisyo ko.
Ang president na si Ryan ang nag-approved sa booth ng Grade 11, pero siya rin ang nagdesisyon na tanging senior high lang ang pwedi sa kissing booth. Bawal ang junior, kabilang na kami doon. At si Ryan din ang nagsabi na bawal humalik sa labi dahil kapag nangyari yun ay ipapa-detention niya daw.
Tumigil si Chennen sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko na may ngiti sa labi.
“Kung papipiliin ka na pumila, kanino ka pipila para mahalikan?” she asked excitedly.
Hindi ko alam pero bigla akong natigilan sa sinabi ni Chennen, biglang naexcite ako na ewan. Iniiisp ko pa lang na hahawakan ako ni Stan ay parang hindi na kaya ng puso ko. I know that will never happen, but imaging the I’m in the situation ay para bang ang sarap sa pakiramdam.
“Hmm…”
Nag-iisip ako kahit may sagot na ako sa kanyang tanong.
“Ikaw? Kay Rino ka pipila?” balik ko sa kanya.
“Oo naman. Ikaw?”
Tumikhim ako.
“Kahit kanino,” I laughed.
She slapped my shoulder playfully.
“Dapat isa lang. Sino crush mo sa kanila? There should be at least one. You never told me your type pagdating sa lalaki.” Tumikhim siya at nakatitig sakin. “Ano ba ang mga tipo mo, Yas?” she asked intrigue.
“Si-simple lang…” I licked my lower lip. “Someone that I will feel secured and at ease. Someone who can protect and love me unconditionally. Someone smart and dedicated.”
“How about physical?” hindi niya paawat na tanong.
I badly want to describe and say it was Stan. Just by looking at him is my type in terms of physical appearance. Ngunit masyadong mahirap sabihin ang totoo, nakakatakot mapagtawanan.
“Siguro yung…” I moved my hands to explain properly but no words came out on my mouth. “Si Ethan… si Ethan,” pagsisinungaling ko nang mahirapan na akong magpaliwanag. If I will described Stan, it will be automatically identified by Chennen.
There is something weird feeling that I’m hesitating to tell Chennen the truth. Para bang may pumipigil sa akin na sabihin na si Stan ang gusto ko? O dahil narinig ko noon ang usapan na naging crush din ni Chennen si Stan kaya naiilang akong sabihin ang totoo. Bukod roon, nakakatakot mapagtawanan.
“Ah! Si Ethan pala!” she giggled.
Sinundot niya ang baywang ko kaya napalayo ako ng konti sa kanya.
Peki lang akong ngumiti sa kanya.