WARNING!!!!! ⚠️⚠️⚠️⚠️ MATURE CONTENT 🔞 🔞 🔞 🔞 🔞 LLEAMA'S POV Kanina ko pa hinahabol ang sarili kong hininga. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais na gawin ni Eleazar. Dahil maliban sa pagtaas niya ng aking damit at pag-pwesto ng kanyang sarili sa pagitan ng hita ko ay wala na siyang ginawa. Hindi niya man lang inalis ang suot kong br*, at kanina pa siya nakatitig sa akin. "Confused?" nananantyang tanong niya sa akin, sa tingin ko ay nahulaan niya ang iniisip ko, dahaul sa ekspresyon ng aking mukha. Habang nakatingala sa kanya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa matigas niyang dibdib. Kitang-kita ko iyon dahil nakabukas ang tatlong butones ng kanyang damit. Umangat ang tingin ko sa kanyang nakadepinang panga at hindi nakatakas sa paningin ko ang naglitawang ugat sa kanyang leeg.

