"Buti na lang at magmo-moving up na tayo." Wika ni Tina. "Kung hindi pa magtatapos ang school year medyo hahaba pa ang paghihirap mo."
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. Ang dami kong basher lalo!
Ewan ko ba kung anong naisip ni Selena at in-upload ang picture na 'yon.
Muli akong tumingin sa phone at tinignan ang litrato na nagkalat sa social media.
Kinilig pa ako. Mukha talaga kaming couple! Oh my gosh.
Nagulat ako ng bumatok sa'kin.
"Talaga bang kinikilig ka pa?!" Sita sa'kin ni Weng.
Masama bang kiligin? "Ang cute naman talaga namin dito!" I defend.
Napahilamos sila ng mukha. They look very frustrated.
"Hayaan niyo na si Storm. Diyan siya masaya," suporta ni Tina.
Napangiti naman ako doon at tumango kay Tina. We love supportive friends!
Tinignan ko ang litrato. Hays. Gusto kong gawing wallpaper 'to! Mabilis ko namang pinalitan ang aking wallpaper. Hays cute.
"Hay naku, Storm! Lagot ka pag bigla ka na lang diyan sumbagan ng mga babae ni Rein," si Weng. "Tawagin mo lang kami pag may kaaway ka ha."
Tumango ako sa sinabi nito. "Oo naman!" Itinaas ko ang phone at pinakita ang wallpaper sakanila.
Napailing na lang ang mga ito.
"In fairness ang ganda din ng angle mo diyan," komento ni Weng.
Ngumiti ako. "Diba? Bagay kami?"
"Sana patulan ka niya," si Tina. Natawa na naman sila.
Hmpf. Mga bullies!
"Guys, anong kukunin niyo sa Senior High?" Simula ni Weng.
"Ay. Oo nga pala 'no! Senior High na tayo!" sabi ni Vane.
"Vane! I-try mo mag Home Economics! Nandoon daw yung gusto maging chef!" Wika ko kay Vane.
Napangiti naman ang lalaki. "Talaga?"
Tumango ako. "I'm sure hindi ka babagsak doon!" ngiti ko.
"Tama! Thank you, fruit cake!"
Medyo napangiwi ako sa tinawag nito sakin. Baliw talaga. Iba-iba lagi ang tawag sa'kin!
"Ikaw Tina?" Tanong ko dito.
"ICT 'ata. Interesado kasi ako doon." Napatango naman ako sa sagot ni Tina.
"Gusto ko mag-ABM kaya lang bobo ako sa math," Nguso ni Weng. "Kaya kung ano ang kukunin ni Tina, doon na lang ako! ICT 'din!"
"Baliw. Try mo muna mag-ABM." suway ni Tres.
"Ikaw Tres?"
"STEM."
"STEM?!"
"Joke. Grades ko pa lang rejected na agad. Kaya Tourism!"
"Nice. Pwede naman." sabi ni Weng. "Kaya ba ng utak mo?"
"Kakayanin?" Nag-aalangang tanong pa ni Tres.
Tumawa na lang kami. Hays ang galing naman. May mga naiisip na silang gawin. Samantalang ako? Hindi ko alam.
Bukod kay Rein...
"Ikaw Storm?"
Huh? Ako?
"Anong bet mong strand?"
Ano nga bang gusto ko?
"Si Rein. .."
Nagulat ako ng may bumatok sa ulo 'ko. Ang sakit na ng ulo ko kakabatok nila!
"Anong Rein?!" wika ni Tina. "Anong kukunin mong strand uy!"
Tumawa si Tres. "Mukhang Rein. Kawawa naman 'yong isa diyan."
"Gago!" binatukan ni Vane si Tres. Lumingon sakin si Vane. "Ano bang gusto mo, Storm?"
"Bukod kay Rein ha?" paalala ni Weng.
"Bukod kay Rein. .?" napaisip ako. At wala akong maisip bukod kay Rein. Siya lang naman ang gusto ko na mayroon ang mundong ibabaw. Yung mata niyang maamo. ..maayos na buhok. .. mapulang labi. ..matangos na ilong. ..makapal na kilay. ..at ang panga niya.
Paano maging perpekto, please?
"Storm!"
"Wala akong maisip." nguso 'ko.
"Ano? Okay lang 'yan! Malayo pa naman ang enrollment! Sa ngayon--"
"Pero gusto ko laging nasa tabi si Rein." Wika ko at ngumiti.
"Pentakill!" Sigaw ni Tres.
"Ah! Alam ko na! Bakit hindi mo tanungin si Rein kung anong kukunin niya? Malay mo, di'ba?!"
Nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon ni Weng.
"Tama! Tama!" Napapalakpak ako. "Para magkasama kami sa iisang strand! At baka maging kaklase ko pa siya!"
Ano kayang feeling na makikita ko siya araw-araw at oras-oras sa klase?
Heaven! Baka tumalino ako bigla kung magkasama kami sa iisang room!
"Storm naman!" Sigaw ni Vane. Napaatras naman ako. "Nandito ako. Ba't hindi mo makita!"
Tumawa lang ako at nag-peace sign sakanya. "Friends lang!"
"Friends?!" Wika niya bago yumuko at paluin ang lamesa.
"Pero ngayon, awat muna. Kasi naman. Si President kinukulit ako. Kailangan natin magparticipate sa school festival!"
"Kung tsaka mag-end ang school year, doon maraming ganap!"
"Oo nga!" Sigaw namin.
"Kakanta ka na naman ba, Storm?"
Umiling ako. "Kaya lang naman ako kumakanta para mapansin niya. Eh napansin na niya ako. ..Kaya wag na!"
"Tama. ..Pero hindi ka talaga mapapansin 'non gaga! Si Yue pinapaakyat mo sa stage!" Iling nila.
"Malay mo naman diba. .." Nguso ko. "Pero ngayon, magkatabi na kami! Kaya wag na!"
"Speaking!" Napatayo si Vane. "Bakit?! Bakit nakatira ka kay Rein?! Sinasaktan ka ba niya?!"
"Bakit naman ako sasaktan 'non!" Tawa ko.
"Hay nako, Vane. Paulit-ulit. Na-ikwento na nga 'yan ni Storm diba?" Sabi ni Weng.
"Pero Storm. Ayusin mo ang galawan mo ha?! Ayan na 'oh! Abot na abot mo na!" Ngiti ni Weng. Napatango naman ako.
"Naibigay mo na ba iyong sulat mo?"
Napanguso ako. "Huh? Sulat?"
"Duh?! Iyong love letter mo para sakanya?!"
"Guys, nandito ako!" paalala ni Vane. Hindi ko siya pinansin.
"Kailangan pa ba 'yon? Alam naman niya na gusto ko na siya."
"Oo! Kailangan 'yon! Imagine! Ilang letters ang nakarating sakanya kaya lang hindi niya binasa! Siguro, ngayong magka-lapit na kayo, baka pwede mo ng ibigay sa harap niya mismo?"
Napanguso ako. Tama. Kaya lang, baka magalit na naman 'yon sakin. Pero medyo close naman siguro kami. ..? Hindi ako maayos na nakapag-confess kaya tama. ..
Sa harap niya mismo ako aamin! Napangiti ako. Baka ma-realize niya talaga na seryoso ako! At. ..baka ma-realize niya na worth it ako pagbigyan!
Napangiti ako.
"Magmo-moving up ka na, hija!" Masayang sabi ni Tita Rheina habang nasa hapagkainan. Napatango naman ako at ngumiti.
"Ma! Ayoko na maki-share kay Storm ng kwarto!" Sigaw ni Selena. Napanguso naman ako. Tuwing kumakain talaga kami iyan lang ang sinasabi niya.
"Oo nga anak. Anong strand ang kukunin mo?"
Napangiti naman ako. "Hindi ko nga rin po alam."
"Saan ka ba interesado?" Tanong ni Tito.
Napatingin naman ako kay Rein. Sakanya po! Bago pa ako mapahiya ay ginising ko ang aking sarili.
"Uh. ..Hindi ko rin po alam."
"Okay lang 'yan. Marami pang oras para mag-isip." wika ni Tito. Napangiti naman ako.
"Ikaw Rein? Anong strand ang pipiliin mo?"
"I don't know."
"Choose ABM then," mabilis na suhestiyon ni Tito.
Nanlaki naman ang mata ko. Huwag naman ABM! Ang hirap kaya mag-math!
"Not interested. Boring," Rein rejected the idea. Napatango-tango ako. Buti naman.
"What? Para magtuloy-tuloy na sa college mo."
"I won't take any business related sa college," Si Rein.
"Rein?" Nag-aalalang wika ni Tita.
Medyo nakakaramdam na rin ako ng tensyon. Anong nangyayari?
"Why not?"
"I am not interested."
Saan ka ba interesado, Rein? Mukhang hindi ka interested sa lahat! Pati din sa'kin!
"Anak. .." Suway ni Tita.
"And I don't know kung para saan ang pag-aaral," sabat pa nito.
Nanlaki ang mata ko. Woah. Hindi niya alam kung para saan ang pag-aaral? Siya itong matalino pero hindi alam kung para saan ang studying?
"Rein!" Sigaw ng Papa niya. Medyo napatalon ako 'don.
"Honey..." Pinapakalma ni Tita si Tito. "Anak, ano bang sinasabi mo?" Tita Rheina.
"I can teach myself very well." Bored na sabi niya. "At hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko kaya. ..I think I won't go for Senior High?"
"What?!" Namula ang mukha ni Tito. Nag-alala na ako.
"It's too boring."
Napakagat ako ng labi. Ano 'bang sinasabi niya? Hindi mag-senior high? Boring? Anong tingin niya sa edukasyon? Laro?
"I'm done," Paalam ni Rein at tuluyang umalis.
Ano ba talagang balak niya?
Tulala akong pumasok kinabukasan. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin iyong nangyari sa bahay.
"Ano?! Ayaw na niya mag-aral?!" Sabay pa sila Tina at Weng. Tumango naman ako.
I told them what happened.
"Totoo naman. ..matalino siya. ..Pero diba? Mas maganda pa rin talaga pag nag-aaral ka sa mismong school. .." napanguso ako. "Sa bahay ko lang siya makikita? Hindi pwede! Hindi nga lumalabas ng kwarto 'yon! Buti sana kung nasa dating apartment kami!"
"Oh? Bakit nga ba hindi pa kayo bumabalik sa condo na 'yon?" Tanong ni Weng. "Wow kayo ha. Bigatin ka na, Storm. Pacondo-condo na lang kayo ni Rein!"
Hindi naman ako natawa sa huling biro nito. Nag-aalala talaga ako para kay Rein. Ayaw niya mag-aral.
Huwag na lang din kaya ako mag-aral?
Kaya lang babatukan ako ni Mama.
"Mag-kaaway pa rin si Rein at Selena. Si Selena pala ang nag-send ng picture sa school page. Sinend ni Selena noong unang araw na nag-away sila. ..pero ngayon-ngayon lang nakita ng page so ayun. ..away na naman." Paliwanag ko.
"Oh. Sayang naman. Alam mo, i-try mo sila ipagluto. Para magkabati!" suggest ni Weng.
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Tingin ko lalo lang sila mag-aaway." sabi ni Tres. Tinignan ko nga ng masama.
"Oo nga 'no. Pero speaking of luto! Iyon na lang ang gagawin natin sa school festival! Since si Vane ang magluluto ng lahat!" excited na balita ni Tina.
"Ano?!" komento ni Vane.
Napapalakpak naman ako. "Talaga? Hindi malulugi ang class six ngayon!" sabi ko at nginitian si Vane.
Napasipol si Tres. "Yie. Kilig?"
"Okay! Ano 'bang menu natin?" Tanong ni Vane.
Tumawa naman kaming lahat.
Nakauwi na ako sa bahay at mukhang malungkot si Tita Rheina.
"Storm. .." wika niya. "Matalinong bata si Rein. Sobra. Hindi na niya kailangan mahirapan para makuha ang inaasam ng iba. Pero not attending to school is a little bit too much, right?"
Tumango naman ako.
"Gusto ko mag-aral si Rein. .. Para malaman niya na hindi madali ang mundong ginagalawan niya. Pero kita mo nga naman. Boring 'daw. Gusto na nga niya mag-trabaho sa company. Kahit gusto ng Tito Spring mo 'yon. ..masyado pa siyang bata. Gusto namin iparanas sakanya iyong maging masaya."
"Tita Rheina. .." Niyakap ko ito. "Alam ko may iniisip si Rein kaya ganon. Wag po kayo malungkot. Mag-aaral si Rein!" napangiti ako.
"Kahit ilang beses namin siya pagsabihan, hindi sumusunod ang isang 'yon. Pakiramdam ko nga minsan, hindi ako naging mabuting ina kasi hindi ko siya mapasunod o gawing 'hindi boring' ang bagay sakanya."
"Tita. .. Naniniwala po ako kay Rein. Superman iyon. Parang hindi niyo siya kilala." I giggled. "Tiwala lang po. Alam kong may gagawin siya."
Matapos i-comfort si Tita Rheina ay hinanap ko si Rein. At nakita ko siya sa labas. Naka-upo.
"Bakit ayaw mo mag-senior high?" naki-upo 'din ako sa tabi nito.
"Makikialam ka?" Tumayo ito at akmang aalis kaya sumunod ako.
"Nakausap ko si Tita. Down na down siya."
"I know." Huhu. Iritado na naman siya.
Hinila ko siya. "Samahan mo ako bumili ng ice cream."
"Seriously?" Tinignan ako nito. Tumango-tango ako. "Mag-isa ka."
"Rein!" tawag ko dito. Fine. Ako na lang ang bibili. Medyo maaga pa naman.
"Seriously?! Storm?!" sigaw niya.
Napatigil ako sa paglalakad. Hala, anong problema nito? Bibili lang 'eh!
Nandito kami ngayon sa convenience store. Namimili ng ice cream. "Anong bibilhin ko. .."
"Bilisan mo."
Napangiti ako. Sumama sakin si Rein! Nagulat ako ng bigla na lang niya ako hilahin at inis na sumama 'eh.
Yie. Kilig.
"Bilis!"
"Saan mahilig si Tita? Cookies or strawberry?" tinignan ko siya at ngumiti.
"Tsk. That was your flavors. Mommy likes mocha." Turo niya. Napatingin ako 'don at napanguso.
Ayoko ng mocha.
Hayaan na nga. May tig-20 pesos naman na ice cream. Itong galloon ay kay Tita.
"Nagsasayang ka ba ng pera?" Kumakain ako ngayon ng ice cream habang siya ay sinasamaan ako ng tingin.
Seryoso? Ganon mo ba ako ka-hate? Huhu.
"Para kay Tita. Down na down siya 'eh. So hindi 'yan sayang."
"Sweets." parang nandidiri pa siya sakin.
"Huy! Masarap kaya!" Inabot ko sa bag ang ice cream sandwich. "Favorite ko rin yan kaya lang sayo na." Mas favorite naman kita eh. Hihi.
"Ayoko niyan."
"Hindi matamis 'yan! Promise!"
"Highly doubt that." At kinuha niya ito. Tsk! Kunyare pa!
Ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng bahay. Hindi niya pa rin kinakain ang ice cream. Hmpf.
"Pasok na." utos niya.
"Ikaw?"
"I'll stay here for awhile."
Mabilis naman akong pumasok para ipasok sa fridge ang ice cream at balikan ang baby ko sa labas. Umupo ako sa tabi nito at may napansin.
"Rein." tinignan ko siya. "Ayaw mo ba talaga ng ice cream sandwich? Akin na--Thanks."
"Tsk." At muling tinuon niya ang tingin sa daan.
"Alam mo. ..ang sarap kaya mag-aral."
Tinaasan ako ng kilay nito. "Really?" Parang gusto niya matawa sa sinabi ko.
Napanguso naman ako. "Fine. Joke lang. Para sa'kin, hindi talaga. Pero masaya kasi marami akong kaibigan, nakikilala at natutunan na values sa buhay dahil sa pakikipagsapalaran."
Napatingin sa'kin si Rein. Sa wakas. Tumingin ka sa'kin.
"Hmm. Alam mo, iyong pag-aaral, hindi naman tungkol sa grades. Ang pag-aaral. ..iyong natutunan mo siguro habang kinukuha mo 'yung grades na 'yon."
Ngumisi siya sa'kin. "How is that?"
Napanguso ako. "Bakit may ganong tanong?"
Napailing lang siya bago ibalik ang tingin sa daan. Napangiti ako at tinignan ang langit.
"Boring siguro ang school, kasi ang dali lang ng lahat para sayo 'no?"
"Yes. I somehow envy you. Sa sobrang walang kaalam-alam mo, everything excites you." Hindi ko alam kung compliment 'yon or asar!
"Huy!" tinignan ko siya ng masama. "Hindi compliment 'yon!"
"Wow. Hindi ka slow-poke ngayon."
"Rein!"
Umiling lang siya. "But having you, invading my life, was quite a drill for me." napatingin siya sakin.
Kumunot ang noo 'ko. "Ano?" Drill?
"A challenge. Maayos ang buhay ko. In order. Organized. Pero ikaw? Ang hilig mo guluhin 'yon. And solving a problem na ikaw ang gumawa is kinda headache." napangiti siya.
Napangiti siya.
Napangiti siya!
"Ano. .?" Wala na akong maintindihan sa sinasabi niya! Ngumiti siya! Kahit hindi siya nakatingin sakin! Ngumiti siya! At alam 'kong dahil sa'kin 'yon!
"Whatever." At tumayo ito.
Napasinghap naman ako bago sumunod sakanya. "Mag-aral ka. Kung pakiramdam mo walang bago sayo ang school. ..then ako ang isipin mo! Bibigyan kita ng maraming drill!"
Napalingon ito sakin. "You really have your own ways. .."
At doon natapos ang usapan. Napangiti ako at nagpaikot-ikot dahil sa kilig. Ngayon ko lang na-realize na ang haba ng usapan namin! Ang tagal naming magkasama at nagkaroon kami ng usapan na may kabuluhan!
"Storm?"
"Hmm?" Nilingon ko si Tina.
"Sa April 24-27 ang school festival. Nagpadala ka na ba ng sulat sa magulang mo? Kailangan na daw 'eh para malaman kung matutuloy ba or hindi."
"Ah. Baka bukas. Pero sure akong papayag ang mga 'yon."
Tumango naman ang class president bago umalis.
"Storm! Ano ng strand ni Rein?"
"Hindi ko nga alam kung mag-eenroll siya for Senior High." I pout.
"Hay. Mahirap yan. Pilitin mo!"
Napangiti naman ako. "Nasa sakanya 'yan. Pero sana talaga na-kumbinsi ko siya."
"Ayos lang yan! Marami pang oras bago ang enrollment! March pa lang ngayon 'oh!" Pag cheer up ni Weng.
"One week na lang, moving up na uy." Wika ni Tina. "Papasok na ang april mga teh. April 5 moving up. April 10, enrollment."
"Ah! Sakit sa ulo! Bakit kasi sa april nila inilagay lahat ng sched? Hindi ba pwedeng May? Jusme!" reklamo ni Weng.
Tinignan ko ang kalangitan. Sana talaga mag-Senior High siya. Para hindi ako mawalan ng gana pumasok.
Please.