Ilang beses ko inalala ang mga bilin ni Rein. Hindi 'ko kailangan ng approval ng iba. ..hindi 'ko kailangan. Kaya ang mga tingin at masasamang sinasabi sa'kin ng tao sa university ay hindi 'ko na lang pinapansin. Para saan pa? "Balita ko may problema sa lupa nila... Si Rein ang pinag-aayos ni babaita," bulong ng isa. "Aba, mukhang ginagatasan niya 'ah..." "Sus, baka kamo kaya hinabol kasi mayaman ang pamilya ni Rein?" Natawa ang mga babae. Kumuyom ang kamao ko. Ano bang problema nila?! Humarap na ako sakanila at akmang magsasalita pero may sinabi sila. "Magd-drop out pa si Rein dahil sakanya. Ang laki niyang problema 'no?" Drop out? "Sayang ang potential ni Rein," ani pa ng isa. Napaatras ako ng sabihin nila iyon. Pero nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Si Rein. Nakangiti

