"Rein!" Kanina ko pa siya hinihintay lumabas. Susme! Anong trip ng subject teacher nila? Uwian na 'ah?! At anong trip nitong si Grace? Agad akong lumapit sakanya. "Uwi na tayo?" ngiti ko pa. "May gagawin kami," aniya. Ang pogi talaga ng mukha niya kahit walang emosyon lagi! Pero ano daw sabi? "Huh? Gagawin? Kami?" Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Huwag mo sabihing... Magkasama sila? Maya-maya lang ay lumabas na ang kinakatakutan ko. Biglang kumaway si Grace sakin na mayroong malaking ngiti. No way! "May research kami!" masayang balita ni Grace sakin habang may ngiting tagumpay. Nangitngit ako sa galit pero hindi ko pinahalata. Itong Grace na 'to, balak umepal sa love story namin ni Rein. "May research kami," Rein told me at naunang naglakad. Nagising naman ako sa ini

