Isang araw ng makalipas ang halik namin ni Rein. Hanggang ngayon, gumugulo pa rin sa isip 'ko kung bakit niya ako hinalikan. Anong trip 'non? Paasa lang? Sa tuwing gusto 'ko siyang kalimutan, hinahalikan niya ako! Pero iba na yung halik ngayon! Dati dampi lang, ngayon.. . Namula ako sa naisip. Galit, lungkot, tuwa at kilig ang nararamdaman 'ko. Pinapagalitan 'ko ang aking sarili dahil sa nararamdaman pero. ..wala 'eh. Gusto kaya ako ni Rein? I mean, hinalikan niya ako! Para saan iyon? "Rein!" Tawag ko dito. Napangiti ako ng makita siya. Kanina pa kasi ako sa labas ng bahay at naghihintay. Nahihiya ako, pero wala lang! Tinignan niya lang ako at akmang lalagpasan pero humarang ako. "Hi!" I greeted him. Nahihiya ba siya sa'kin? Pa-cold pa siyang nalalaman, 'eh gusto naman talaga ni

