"Ano?! Parehas kayo ng strand?!"
Napangiti ako at tumango.
"Aba. Storm! Mukhang nakukuha mo na si Rein, huh?" tinusok-tusok ni Tina ang beywang ko kaya napatawa ako.
Mukha nga! Akalain mo, iisa kami ng strand! Ang hinihiling ko lang ay mag-aral siya pero tignan mo! Parehas kami ng strand! Mas malaki ang chance na maging kaklase ko siya!
Sana talaga maging kaklase ko siya. Magdadasal talaga ako sa lahat ng santo para maging mag-kaklase kami!
"Huy! Tapusin niyo muna itong pagpintura sa stall bago mag-kwentuhan!" wika ng aming Presidente.
Napanguso ako. "Ba't ngayon lang kasi pinapintura 'to? Mamaya na ang festival. Tapos ako lang ang gumagawa."
"Huy. Nagmi-mix kami ng pintura huh! Kami nga ang taga-abot!" Sabi ni Weng. Napailing naman ako.
"Sorry na, Storm!" nagpeace sign lang si Ms. President. Napailing na lang ako.
"Nasaan si Vane?" Takang tanong ko. "Hindi ba siya ang tagaluto ng japanese cake?"
"Storm! Nandito ako!" Nabitawan ko ang paint brush at kamuntikang mahulog mula sa hagdan.
Mabuti at may humawak dito.
"Salamat Weng--"
"Hindi ko alam na marunong ka talaga mag-pintura." napatingin ako kay Rein--?! "Akala ko pinturang nagkakalat ang sinasabi mo sa tawag."
"Tawag?!" Nasa kabilang panig ko sila Tina at Weng. Si Vane naman ay lumapit at dinuro-duro si Rein.
"Anong tawag ang sinasabi mo, ha?!" Pinagtitinginan na kami! Sinuway ko si Vane pero sinagot naman siya ni Rein!
"Lagi niya akong tinatawagan. Wala na kasi siya sa bahay." Ngumisi si Rein.
Narinig ko ang pagsinghap ng ibang estudyante. Samantalang si Tina at Weng ay nanlalaki ang mga mata. Hindi ko kasi nasabi sakanila ang mga pagtawag ko kay Rein! Kasi wala namang espesyal 'don! Hindi nga siya sumasagot!
"A-Ano?! A-Anong sabi mo?!" Sinugod ni Vane si Rein at natabig nito ang hagdan. Dahil wala sa sarili ay nahulog na ako bago ko pa maisip.
"Bitawan mo siya!"
Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa magkabilang panig ko. Sinalo ako nila Vane at Rein! Hawak nilang dalawa ang likod ko!
"Wala akong balak makipag-agawan. Sayong-sayo na." At binitawan ako ni Rein.
Napanguso ako. Walang balak makipag-agawan? Umalis ako sa pagkakabuhat sa'kin ni Vane at tinignan ang papalayong si Rein.
Ano ba talaga?
Unang araw ng festival, success! Naubos agad ang japanese cake na niluluto ni Vane. Natutuwa kami dahil ang laking achievement 'non! At punong-puno pa ang stall kanina! Pero bago maubos, syempre kumuha ako ng sampu. Ibibigay ko kay Rein at Selena. Pati kay Tito at Tita.
Hindi ko namalayan na tapos na ang festival. Umuwi din ako sa amin at hindi ako mapakali ng hindi nakikita si Rein ng isang araw kaya't. ..
"Ano--" Nabitawan niya ang telepono. Napanguso ako. "Nakakagulat pa rin ang mukha mo." dinampot niya ang phone na may harang ang kanyang camera.
"Hi Rein!" Ngiti ko. "Tanggalin mo 'yan! Hindi kita makita!" Napanguso ako.
"Nakita mo ako kahapon."
"Kahapon iyon! Gabi na ngayon! Rein! Tanggalin mo na 'yan!"
Ganon ang set-up namin buong summer ni Rein. Lagi niyang tinatakpan ang camera pag nagvi-video call kami. Madalas ay hindi pa siya nagsasalita! Minsan nga, hindi na niya ako kinakausap!
Madalas din na hindi niya sagutin ang tawag, kaya pag ganon ang nangyayari, tinatawagan ko si Tita Rheina. At doon nababanas si Rein kasi dalawa na ang nanggugulo sakanya. Pero hindi ko tinigilan!
Fighting!
Minsan ay hinaharot ko siya. Kinakantahan ko ito isang beses dahil gusto ko lang magpa-sikat.
"Rein, gusto mo ba ako marinig kumanta?" Kausap ko na naman ang dingding ngayon. Hindi kasi siya nagpapakita sa camera.
"Ayoko," he rejected.
"Ano ka ba, kaya ko 'to! Kakantahan kita. Anong gusto mo?"
Nang hindi siya sumagot ay napailing na lang ako. Hay naku, pabebe!
"Sige ano na lang... brown eyes. Alam mo 'yon?"
"I don't want you to sing—"
Sinimulan ko na ang pagkanta. Hindi naman siya pumalag at nakinig na lang.
That's right, Rein! Mahulog ka sa'kin.
"...the way we held each others hand...It felt so good to find true love...I knew right then and there you were the one," tinapos ko lang ang chorus at huminto.
Ano kaya sa tingin niya?
"Rein?"
"What?" Tamad na tanong niya.
Napanguso ako. "Wala ka manlang reaksyon?"
"You should be a singer then," aniya.
Napangisi ako. "Talaga?"
"Yeah.."
Minsan ay sobrang kinikilig ako sa video call namin. Hindi siya palasagot, pero okay na iyong binibigyan niya ako ng time para makinig sa kadaldalan ko—o kahit sagutin lang iyong tawag.
Nalaman ko 'rin isang araw noong nagv-video call kami kung anong section niya.
"Uhh, Rein."
"Oh?"
"Anong section mo?"
"GAS-A."
Napanguso ako. "Sabi na 'eh. Bakit ako, F? Lagi ba talagang dulo ang section ko?"
Narinig ko sa kabilang linya ang marahang pagtawa niya. "Ano pa nga ba, Stella?"
"Sayang hindi tayo mag-kaklase..."
"Umasa ka ba talaga?"
Tumango ako. "Ang dami ko kayang dinasalan na santo. Ikaw kaya. Pa-share share pa 'ko ng meme sa facebook."
I heard his little chuckle.
Pero ayos lang. Kahit hindi kami magka-section, at least magka-strand kami! Lagi ko siyang makikita! Hindi na siya nasa kabilang wing ng building! Hindi na siya mahirap puntahan!
Sa video call, sobra akong sumaya lalo na sa tuwing naririnig ko siyang tumawa. At least diba? May progress?
Dahil walang magawa sa bakasyon ay nagtuturo ako.
Aba, oo. Ako! Naging parte kaya ako ng 360 sa school!
"Storm!" Tawag ni Lucas sa'kin. Tinignan ko siya.
Si Lucas ang kasama ko magturo sa mga bata!
"Nasaan si Luis? Akala ko ba magpapaturo sa'kin ang bata?"
"Hoy. Walang matututunan ang kapatid ko sayo." asar niya. Inirapan ko ito at tumawa lang si Lucas.
"Meron! Sa larangan ng art! Art!"
Ang tinuturo ko lang ay art related. The rest, si Lucas na ang nagtuturo. Baka pag ako ang nagsalita diyan, wala talaga silang makuha!
"Tsk. Sabagay." muli niya akong nilingon. "Nasaan na nga pala iyong hinahabol mong lalaki?"
Napanguso na lang ako bago umiling. "Wala pa 'ring process. Nandoon nga ako sakanila noong school festival kaya lang, ayaw niya talaga ako kausap."
Akala ko nga ay may 'something special' na dahil lagi nitong sinasagot ang tawag ko. ..pero pagkakita namin ay hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin.
Ang pinakamatagal 'ata ay iyong school festival. Doon ko siya nalapitan ng matagal. The rest, puro pabitin!
"Aba. Bilisan mo. Lumaban ka huh? Mukhang sukong-suko ka na diyan!"
Hinampas ko ang balikat niya. Napangiwi ito bago ako samaan ng tingin.
"Susuko? Hindi uso sa'kin 'yon!" I laughed. "Ang layo na ng narating ko. Napapangiti ko na kaya 'yon! Dati ubod ng sungit at parang yelo lang 'yon e!"
"Yeah right. Undestructable the Great Storm."
Inirapan ko na lang siya. Tumawa lang ito bilang sagot. Tama. Walang masisira sakin. Kasi ako mismo ang may dala ng bagyo.
Dumating ang pasukan. Excited na ako dahil magka-strand kami ni Rein.
Bakit ganon? Iilan lang ang hindi ko kilala at karamihan, naging kaklase ko na dati! Hindi ba talaga ako makakawala sa mundo ng section F?
Pero ayos lang. Kung dati, ang layo ni Rein, ngayon ilang hakbang lang ay nasa section na niya ako! Mabilis akong naglakad papunta doon at sumilip noong breaktime.
Gusto ko lang sana sumilip ng secret... pero may tumawag agad sa'kin.
"Uy! Rein ni Storm! Ikaw 'yon, diba?"
Hala? Kailan pa ako nagka-title ng ganon? Hays. Bagay na bagay!
"Si Rein ba? Nasa loob. Tatawagin ko lang huh?"
Bago pa ako makasagot ay mabilis siyang pumasok sa room. Okay lang naman na hindi ko siya makita ng harap-harapan. Kitang-kita ko naman siya dito 'eh!
Itinuro ako ng kaklase ni Rein. Kinawayan ko ito at ngumiti. Inirapan niya lang ako at itinuloy ang pagbabasa.
Napangiti ako. Pabebe!
Ganon 'ata ang routine ko. Pero ang pagiging Senior High ay mahirap talaga. May mga activities na hindi ko natatapos at karamihan, nagagawa ko sa buong araw ng klase! Tumagal ng ganon ang schedule ko.
"Gusto ko ng mamatay." Isinubsob ko ang aking ulo sa desk.
Pag natatapos ko ang isang activity, may darating na naman. Parang hindi matapos-tapos. Tinignan ko si Rein mula sa bintana.
May energy na ulit ako! Fight!
"Stella!"
Bigla akong nagising.
"Ma'am!"
"Kung gusto mong matulog-- O kung gusto niyong matulog, lumabas kayong lahat!" Sigaw ng literature teacher namin.
Kailangan ko ng lakas... Kailangan ko si Rein.
Isang araw ay nasa hapagkainan ako at tinawag ni Tita.
"Storm. ..?" tanong ni Tita.
"Po?"
"Ang gana mo na kumain."
Napangiti ako bago tumango.
"Stress po siya." Sabi ni Selena. "Iniiyakan niya nga iyong papel na nasa kama niya palagi. Konting tulak ko lang diyan matutumba--"
"Selenium!" Tito warned her.
Inirapan lang ako ni Selena.
"Wag mong pahirapan ang sarili mo." Nag-aalalang wika ni Tita. Tumango na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain.
Ang pagkain na lang 'ata ang nararamdaman kong nakakawala ng stress sakin. Pakiramdam ko, nakakapagpahinga ako.
Bukod pa 'don. ..Tinignan ko si Rein na kumakain.
Siya naman ang dahilan kung bakit ko kinakaya.
"Storm!" Tawag ni Felice. "Storm, nalaman mo na iyong sagot sa number one?"
"Wag na lang natin sagutan." Deklara ko. Tumawa si Felice at tumango.
Marami 'rin sa section namin na natutulog. May sariling ginagawa ang iba na hindi related sa school works.
"GAS-F!" Sigaw ng teacher. "Bakit ba kayo nagmamatigas ha?! Gusto niyo ba talaga bumagsak?!"
We are all trying hard para masagutan ang pwedeng sagutan. Pero iyong scores namin ay katumbas talaga ng F. Hindi 'ata sanay ang teacher na 'to na maging F ang lahat ng scores namin.
At natapos ang isang semester. Puro seven at tatlong bagsak ang na-receive ko noong first quarter. Mabuti na lang at pinagbigyan ako noong second quarter at nakapasa ngayong semestre. Napanguso ako.
"Storm. ..Okay lang 'yan." Pang-aalo ni Tita. Napatango na lang ako.
"Parang hindi pa po ako nasanay!" Tawa ko. Binigay ko naman lahat.
Umakyat ako patungong kwarto. Hirap na hirap ako ngayong senior high. Akala ko mababait ang guro at palalampasin na lang ang kabobohan ko pero. .. wala talagang awaan.
"So you're going to live your life like that?" Napalingon ako sa'king likod. "Bakit ang bagal mo umakyat?" aniya at nauna.
Sumunod ako sakanya sa veranda. "Hindi ka pa matutulog?" tanong ko.
"No."
Ngayon ko lang napansin, natapos ang semester na iniinis ko siya sa pagbisita sa tapat ng room nila, tinitignan ko siya pag kumakain ako, pero hindi ko siya kinakausap. Nakakapagod 'eh!
Tumabi ako sakanya. "Na-miss kita."
Napalingon ito sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "Don't flirt with me. Hindi ka ba nahihiya at ganyan ang grades mo?"
Napayuko ako. Below the belt iyon. Tumawa ako at tumayo.
"Oo nga 'no? Una na 'ko!"
"Dito ka lang," hinawakan nito ang kamay ko.
My heart thump. Parang natural na sumigla lahat ng kalamnan ko.
Napalingon ako sakanya.
"Pagagalitan kita." Tinignan niya ako. "Kaya umupo ka."
Wala akong choice kung hindi umupo. Ready ako magpa-sermon! Magpapabebe lang ako!
"Bakit mo ako pagagalitan? Ginawa ko ang best ko." Ngumuso ako.
"Talaga?" parang nang-aasar pa ito.
Napanguso ako. "Wag mo nga ako kausapin."
Tinalikuran ko ito at pumasok.
Sa lahat ng na-disappoint, kay Rein ako pinaka-naapektuhan. Si Mama at Papa ay napailing lang sakin at sinabing ayusin ko.
Si Rein na isa sa pinakamalaking inspirasyon ko, siya iyong pinaka-masakit magsalita.
"Hoy!" nilingon ko si Selena. "Hindi ka naman nade-depressed sa grades mo! Wag kang umiyak!" aniya.
"Hindi naman ako iiyak!"
"Your aura says it all!" wika niya. "Dapat nga ako ang ma-depressed kasi ka-share kita ng kwarto at ayaw na kami pabalikin sa condo para maalagaan 'daw tayo!"
"Dapat 'bang timplahan kita ng gatas?" para makatulog ang isang 'to. Ang daldal! Ang sakit 'din magsalita!
"Yep!"
Lumabas ako ng kwarto ni Selena at nakita kong papasok si Rein sa kwarto niya.
Tinignan ako nito. Inirapan ko na lang siya bago unahan pumasok sa kwarto.
Sana huwag siyang maturn off! Pero siya kasi 'yon e!
Umaga sa eskwelahan, mabilis akong nakipag-chikahan sa kaibigan ko tungkol sa nangyari.
"Ang sakit niya magsalita." Kinain ko ang isang donut na bigay ni Vane. Nanlaki ang mga mata ko. "Hala ang sarap! Kayo gumawa nito, diba?"
Tumango naman si Vane. "Talaga? Mabuti naman at nagustuhan mo! Kinabahan pa ako kasi iyong mga kaklase ko, nangingialam sa pagluluto ko!"
"Teamwork dapat iyon, Vane! Bakit ikaw lang ang magluluto?!" Tanong ni Weng.
"Mga weakling. Hindi marunong magluto kasi." Wika niya. Natawa na lang ako.
"Vane, galingan mo sa susunod. Para pag susunod na magb-bake ka or magluluto, ikaw na lang mag-isa! Gawa ka rin ng restaurant na sayo lang!" wika ko. Ngumiti naman siya sakin bago tumango.
"Ikaw lagi titikim ng unang pagkain na gagawin ko, ha?"
"Oo ba!"
"Hoy! Hoy! Paano naman kami?" Tanong ni Tina. Umiling si Vane at doon sila nagsimulang mag-away.
"Luh. Kita mo, imbes beywang ang lumalapad sayo, ang braso mo--" Bago pa matapos ni Tres ang sasabihin niya ay binatukan ito ni Tina. At nag-away silang tatlo, pinagtutulungan si Tina.
"Hoy!" wika ni Weng sakin. "Ano na?" Tukoy niya kay Rein.
Napabuntong hininga ako. "Bakit kasi nagkagusto ako sakanya?" tanong ko sa sarili.
"Ilang taon mo na siyang crush. Tapos ngayong year naman, nagkalapit kayo. Pero parang wala pa rin." Aniya. "Hindi ka ba nahe-hurt?"
Napakibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Pag nakikita ko siya, hindi ako makahinga."
"Masamang impluwensya!" Sigaw ni Vane. "Mamamatay ka sakanya!"
"Hindi! I mean, ang bilis ng t***k nito, to the point na hindi na ako makahinga." Napangiti ako. "Kahit galit ako, hindi ko mapigilan. .."
"Masaya ka pa ba?" Tanong ni Vane. Napakibit-balikat naman ako. "Kung hindi ka na masaya, nandito lang ako huh?"
Napangiti naman ako. "Alam ko naman 'yon Vane. Kaya lang, kaibigan kita."
Hinawakan nito ang dibdib niya. "Ang sakit-sakit!"
Ngumisi na lang ako at sinabing kumain pa siya. Mabilis natapos ang araw para sa klase at nakauwi na ako. Isang linggo na rin ang nakalipas simula hindi ko lapitan si Rein. ..
Pumupunta pa rin ako sa room niya para makita siya, pero sinisigurado ko na hindi niya ako nakikita! Okay naman ang patingin-tingin lang sakanya-- sumama kasi talaga ang loob ko noong sinabihan niya ako ng kung ano-ano! Bagsak na nga ako!
Hindi rin ito pinalagpas ni Tita Rheina. Lagi siyang nakatingin sa'kin. Minsan nga ay nahuhuli nitong nag-iirapan kami ni Rein. Umiiling na lang siya.
Isang gabi noon. ..
"Storm. .." Tawag ni Tita sakin habang nasa hapagkainan. "Pwede bang lumabas ka pagkatapos nito? Ibili mo ako sa convenience store ng ice cream."
"Sige po." Ngumiti ako at nagpatuloy kumain.
Kahit ganito ang ginagawa ko, syempre masakit sakin na hindi kausapin si Rein! Pero ang sakit kaya ng ginawa niya!
Inutusan ako ni Tita bumili ng dalawang galloon ng ice cream. Isang mocha, at sabi ni Selena isang choco fudge 'daw na flavor.
"Hoy."
Nanlaki ang mga mata ko. Si Rein iyon!
"Si Mom, kulang ang binigay sayo na pera." Aniya. Napatango na lang ako at kinuha ito.
Nauna itong maglakad sakin.
"S-Saan ka pupunta?" binagalan ko ang lakad ko.
Galit ka sakanya! Tama na! Pero kasi oh!
Nandito siya sa tabi ko! Sayang naman kung iiwasan o susungitan ko siya—aish! Magsungit ka lang, Stella!
"Sasamahan kita," aniya. Nagulat naman ako.
At wala na, finish na. Karupukan na ang susunod nito.