EPISODE TWENTY-FIVE

1042 Words

Ilang linggo na ang lumilipas ng iniiwasan nya si Nicolai.Kapag alam niyang dadalaw ito ay hindi muna sya umuuwi para lang makaiwas dito.Okay lang naman kung sa anak lang nya dahil ama naman ito ni Toby,karapatan iyon ng kanyang anak.Isa pa ayaw niyang lumaking nagrerebelde si Toby dahil ipinagkait niya ang karapatan nitong makilala ang kanyang ama.Hanggat maaari ay hindi naman niya pinapasama si Nicolai dito.Kahit ang kanyang mga magulang ay bukas ang pintuan para kay Nicolai. Malungkot na isinalansan nya ang kanyang ginagawa.Makulimlim ng araw na iyon at tila ba'y uulan kasabay ng lungkot na lumililim sa kanyang buong pagkatao.Miss na miss na nya ito pero kung hindi nya susupilin ang sarili ay siya din ang masasaktan sa bandang huli.Pinahid nya ang mga luhang mabilis na tumakas sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD